Aralin 10
“Pasanin Ninyo ang Aking Pamatok at Mag-aral Kayo sa Akin”
-
Ano ang ilang halimbawa ng mga pasanin na binabata natin sa buhay na ito? Paano “[tayo] mabibigyan ng kapahingahan” ng Panginoon mula sa pasaning ito? (Tingnan sa Mateo 11:28–30.) Ano ang ibig sabihin ng pasanin ninyo ang pamatok ni Cristo? (Tingnan sa sangguniang mga banal na kasulatan sa bahaging ito.)
-
Pasan ng babaing pumasok sa bahay ni Simon na Fariseo ang bigat ng kasalanan (Lucas 7:37). Ano ang ginawa ng babae na naging daan upang alisin ni Jesus ang kanyang pasanin? (Tingnan sa Lucas 7:38, 44–50.) Ano ang maaari nating gawin upang alisin ng Tagapagligtas ang bigat ng kasalanan sa ating buhay?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Pabuksan sa isang miyembro ng pamilya ang isang walang laman na lalagyan tulad ng isang bag o kahon. Hilingin sa ibang mga miyembro ng pamilya na maglagay ng mga bagay sa loob ng lalagyan, nang isa-isa. Kapag mabigat na ang lalagyan, anyayahan ang isang miyembro ng pamilya na tumulong sa pagbuhat nito. Ipaliwanag na maraming bagay ang sumasagisag sa pasanin na ating dinadala, tulad ng kahirapan at kalungkutan. Ang tulong mula sa ikalawang miyembro ng pamilya ang sumasagisag sa kapahingahan na iniaalok sa atin ng Tagapagligtas sa paglapit natin sa kanya kapag tayo ay “nangapapagal at nangabibigatang lubha” (Mateo 11:28). Basahin ang Mateo 11:28–30 at Mosias 24:8–15, at tulungan ang mga miyembro ng pamilya na maunawaan na kapag sumusunod tayo sa Tagapagligtas, ay pagagaanin niya ang ating mga pasanin at hindi tayo mahihirapan.