Aralin 25
“Huwag Mangyari ang Aking Kalooban, Kundi ang Iyo”
-
Bakit bukal sa kalooban ni Jesus na magpasailalim sa matinding paghihirap na alam niyang daranasin niya sa Halamanan ng Getsemani? (Tingnan sa Mateo 26:39, 42, 44.) Ano ang matututuhan ninyo mula sa panalangin ng Tagapagligtas sa Getsemani? Paano kayo pinagpala sa pagpapasailalim ninyo sa kalooban ng Ama sa Langit?
-
Ano ang naranasan ng Tagapagligtas sa Getsemani? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 19:16–19; Lucas 22:44; Mosias 3:7; Alma 7:11–13.)
-
Bakit kailangan natin ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo? (Tingnan sa 1 Nephi 10:21; 2 Nephi 2:5–9; Alma 34:9; Moises 6:48.) Anong mga biyaya ang mapapasaatin dahil sa pagbabayadsalang sakripisyo ng Tagapagligtas? (Tingnan sa Mosias 16:7–8; Alma 7:11–13; Doktrina at mga Tipan 19:23.) Paano natin matatanggap ang mga biyayang ito? (Tingnan sa Alma 7:14; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:3.)
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Ipakita ang larawang Si Jesus ay Nananalangin sa Getsemani (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 227). Basahin ang pangyayari noong si Jesus ay nasa Getsemani, na matatagpuan sa Mateo 26:36–46, Lucas 22:39–46, o Doktrina at mga Tipan 19:16–19. Anyayahan ang bawat miyembro ng pamilya na ibahagi ang kaniyang damdamin tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.