Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 7: ‘[Siya] Rin ang Kumuha ng Ating mga Sakit, at Nagdala ng Ating mga Karamdaman’


Aralin 7

“[Siya] Rin ang Kumuha ng Ating mga Sakit, at Nagdala ng Ating mga Karamdaman”

Marcos 1–2; 4:35–41; 5; Lucas 7:11–17

  • Ang himala ay isang hindi pangkaraniwang pangyayari na sanhi ng banal o espirituwal na kapangyarihan (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Himala,” 74). Bakit ginawa ni Jesus ang mga ito at ang iba pang mga himala noong kanyang ministeryo? (Tingnan sa Mateo 9:27–30; Marcos 1:27; 2:10–11; 5:19 para sa ilang kasagutan sa tanong na ito.)

  • Bakit sa palagay ninyo kailangang mauna muna ang pananampalataya kaysa sa mga himala? Bakit hindi sapat ang mga himala upang magbigay ng matibay na saligan para sa pananampalataya?

  • Bakit mahalaga sa inyo ang mga himalang isinagawa ni Jesus noong kasalukuyan ng kanyang buhay sa lupa? Bakit mahalagang malaman na patuloy pa rin siyang gumagawa ng mga himala sa ngayon? Ano ang ilang halimbawa ng makabagong mga himala?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na magsabi ng mga himalang nangyari sa kanilang buhay o sa buhay ng mga taong kakilala nila.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Mga Himala at Pananampalataya kay Jesucristo