Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 15: ‘Ako ang Ilaw ng Sanglibutan’


Aralin 15

“Ako ang Ilaw ng Sanglibutan”

Juan 7–8

  • Ano ang itinagubilin niyang gawin ng mga tao upang magkaroon sila ng patotoo tungkol sa kanyang mga aral? (Tingnan sa Juan 7:17.) Paano ninyo maisasagawa ang tagubiling ito sa inyong buhay?

  • Ano ang ibig sabihin ng si Jesus ang ilaw ng sanlibutan? (Tingnan ang sangguniang mga banal na kasulatan sa bahaging ito.) Paano ninyo matutulungan ang iba na makita ang liwanag na handog ni Cristo? (Tingnan sa Mateo 5:16; 28:18–20; Mga Taga Filipos 2:14–15.)

  • Ano ang ipinangako ni Jesus sa mga taong ito kung magpapatuloy sila sa pagsunod sa kanya? (Tingnan sa Juan 8:31–32.) Mula sa ano tayo pinalalaya ng katotohanan? (Tingnan sa Juan 8:33–34.) Paano tayo inilalagay sa pagkaalipin ng paggawa ng kasalanan? (Tingnan sa Alma 12:11; 34:35.) Paano kayo pinalaya ng pagkaalam sa katotohanan?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Patayin ang mga ilaw sa silid, at isara ang mga kurtina o blinds. Hilingan ang isang miyembro ng pamilya na gawin ang isang simpleng bagay na nangangailangan ng paningin, tulad ng pagbabasa ng isang banal na kasulatan o paglalarawan ng isang retrato. Pagkatapos ay sindihan ang mga ilaw, buksan ang mga kurtina o blinds, at hilingan ang miyembro ng pamilya na gawin muli ito. Talakayin kung bakit mas madaling gawin ang gawain kapag nakasindi ang ilaw. Basahin ang Juan 8:12, at hilingin sa mga miyembro ng pamilya na talakayin ang mga paraan kung paanong si Jesucristo ang ilaw ng sanlibutan.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Jesucristo—”Ang Ilaw ng Sanglibutan”