Aralin 9
“Hanapin Muna Ninyo ang Kaniyang Kaharian”
-
Ano ang magiging gantimpala ng mga taong gumagawa ng mabubuting bagay para lamang makita ng iba? (Tingnan sa Mateo 6:2, 5, 16.) Anong mga bagay ang maaaring gawin natin para lamang makita ng iba sa halip na bigyang kasiyahan ang Diyos? Paano natin mapadadalisay ang ating mga pakay sa paglilingkod at paggawa ng iba pang mabubuting gawa?
-
Ang aral na nasa Mateo 7:12 ay karaniwang tinatawag na Ginintuang Aral. Anong mga karanasan ang nagpakita sa inyo ng kahalagahan ng alituntuning ito. Paano tayo ginagawang higit na mabubuting disipulo ni Jesucristo ng pagsunod sa Ginintuang Aral?
-
Ipinangako ni Jesus na kung ating “hanapin muna … ang kanyang [Diyos] kaharian,” ay ibibigay sa atin ang iba pang mga bagay na kailangan natin (Mateo 6:33). Anong mga karanasan ang nakatulong sa inyo upang magkaroon ng patotoo tungkol sa pangakong ito?
Mga Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
-
Ipakita ang isang bato at isang tumpok ng buhangin. Tanungin ang mga miyembro ng pamilya kung aling materyal ang gagamitin nila bilang pundasyon ng isang bahay. Basahin ang Mateo 7:24–27, at talakayin kung paanong ang pagtatayo ng ating buhay sa mga turo ng Tagapagligtas ay katulad ng pagtatayo ng bahay sa isang matatag na pundasyon na yari sa bato.
-
Ipakita ang isang mapa. Tanungin ang mga miyembro ng pamilya kung paano makatutulong sa kanila ang isang mapa sa pagpaplano ng isang paglalakbay. Ipaliwanag na sa ating paglalakbay patungo sa buhay na walang hanggan, ang mga banal na kasulatan at ang mga turo ng mga buhay na propeta ay tulad ng isang mapa, na tumutulong sa atin na malaman kung paano makabalik sa ating Ama sa Langit.