Aralin 30
“Hindi Nagtatangi ang Diyos ng mga Tao”
-
Ano ang naging reaksiyon ng ilang miyembro ng Simbahan nang marinig nilang nagtuturo si Pedro ng ebanghelyo sa mga Gentil? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 11:1–3.) Ano ang dapat nating gawin kapag nakatanggap tayo ng bagong tagubilin mula sa ating mga pinuno sa Simbahan, kahit na sa una ay ayaw natin ang mga tagubilin o nahihirapan tayong unawain ang mga ito? (Tingnan sa Juan 7:17; 2 Nephi 28:30; Doktrina at mga Tipan 6:11, 14–15.)
-
Ano ang ipinapakita ng pagtawag kina Saulo at Bernabe tungkol sa kung paano tinatawag ang mga miyembro ng Simbahan sa paglilingkod sa Diyos? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 13:1–3.) Anong mga karanasan ang nakatulong sa inyo upang malaman na ang mga tungkulin sa Simbahan ay binibigyang inspirasyon ng Espiritu?
-
Bumalik sina Pablo at Bernabe sa mga lungsod kung saan sila nagtatag ng mga sangay ng Simbahan upang tulungan ang mga Banal na “magsipanatili sa pananampalataya” (Ang Mga Gawa 14:22; tingnan din sa mga talata Ang Mga Gawa 14:21 and Ang Mga Gawa 14:23). Ano ang maaari ninyong gawin upang maitaguyod ang mga bagong miyembro ng inyong purok o sangay?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Talakayin ang mga karanasan nina Saulo at Bernabe bilang mga misyonero (Ang Mga Gawa 13–14). Magbahagi ng mga naging karanasan ninyo noong misyonero pa kayo, o anyayahan ang isang misyonero na nakauwi na na magbahagi ng kanyang mga karanasan sa misyon. Talakayin kung paanong ang mga karanasan nina Saulo at Bernabe ay katulad ng mga karanasan ng mga misyonero sa ngayon. Sumulat kayong buong pamilya ng isang liham sa isang misyonero. Bilang bahagi ng panalangin ng mag-anak, hilingin sa Ama sa Langit na basbasan at pangalagaan ang mga misyonero.