Aralin 32
“Nangabubuhay sa Pamamagitan ng Espiritu”
Ang Mga Gawa 18:23–20:38; Mga Taga Galacia
-
Tinapos ni Pablo ang kanyang talumpati sa mga kapatid na taga Efeso sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanila tungkol sa turo ng Panginoon na “lalo pang mapalad ang magbigay kaysa tumanggap” (Ang Mga Gawa 20:35). Paano ninyo nalaman na totoo ito sa inyong buhay?
-
Hinimok ni Pablo ang mga taga Galacia na hanapin ang mga bunga, o resulta, ng pamumuhay ayon sa Espiritu (Mga Taga Galacia 5:16, 25). Ano ang ilan sa mga bungang ito? (Tingnan ang sangguniang mga banal na kasulatan sa bahaging ito.) Paano naipakita ang mga bungang ito sa inyong buhay? Ano ang dapat nating gawin kung madarama nating wala ang mga bungang ito sa ating buhay?
-
Ano ang ibig sabihin ng “ang lahat ng ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya”? (Tingnan sa Mga Taga Galacia 6:7–9.) Paano naaangkop ang alituntuning ito sa ating kakayahang makinig at sumunod sa mga inspirasyon ng Espiritu Santo? Paano ito naaangkop sa ating mga pakikipag-ugnayan sa ibang tao at sa iba pang situwasyon sa ating buhay?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Tanungin ang mga miyembro ng pamilya kung paano nila malalaman kapag nasa tahanan ang impluwensiya ng Espiritu. Talakayin ang ilang mga bagay na magagawa ng inyong pamilya upang maanyayahan ang Espiritu. Magtakda kayo ng layunin bilang pamilya na anyayahan ang Espiritu sa inyong tahanan sa darating na linggo.