2010
Pagtatanghal ng Video: Ako ay May Layunin
Mayo 2010


Pagtatanghal ng Video: Ako ay May Layunin

Ang sumusunod ay transcript ng video na ipinalabas sa pangkalahatang miting ng Young Women na ginanap noong Marso 27, 2010.

Pangulong Thomas S. Monson: “Muli, minamahal kong mga batang kapatid, bagaman noon pa man ay mayroon nang mga hamon sa mundo, karamihan sa mga kinakaharap ninyo ay sa panahon lamang na ito nangyayari.”1

Elaine S. Dalton, Young Women general president: “Para maging banal at manatiling banal, kailangang manatili kayo sa inyong banal na identidad at magkaroon ng huwaran ng pag-iisip at pag-uugali na nakabatay sa mataas na pamantayan ng moralidad.”2

Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan: “Buong puso kong dalangin na lumakas pa ang inyong pananampalataya na kayo ay anak ng isang mapagmahal na Diyos.”3

Mary N. Cook, unang tagapayo sa Young Women general presidency: “Kayo, mga mahal kong kabataang babae, ay nakagawa na ng maraming mabubuting desisyon. Ngayon dapat makaugalian ninyong maging banal, ito ang magpapanatili sa inyo sa landas na ito sa buong buhay ninyo.”4

Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan: “Mga kapatid, magtiwala at umasa sa Espiritu. Habang sinasamantala ninyo ang mga pagkakataon sa inyong buhay araw-araw at lumilikha kayo ng isang bagay na maganda at nakakatulong, hindi lamang ang paligid ninyo ang inyong pinauunlad kundi maging inyo mismong kalooban.”5

Ann M. Dibb, pangalawang tagapayo sa Young Women general presidency: “Ang maliliit at karaniwang bagay na pipiliin ninyo ngayon ay magiging malaki at maluwalhating pagpapala sa hinaharap.”6

Elaine S. Dalton, Young Women general president: “Mababago ba ng isang matuwid na dalaga ang daigdig? Ang sagot ay isang matunog na ‘oo!’ … Ang palagiang bagay na ginagawa ninyo ang magpapalakas sa inyo para maging lider at halimbawa—araw-araw na panalangin, pag-aaral ng banal na kasulatan, pagsunod, paglilingkod sa iba. Kapag ginawa ninyo ito, mapapalapit kayo sa Tagapagligtas at magiging higit na katulad Niya.”7

Pangulong Thomas S. Monson: “Mga kaibigan kong kabataan, maging matatag… . Alam ninyo kung ano ang tama at mali, at hindi iyan mababago ng anumang balatkayo. Kung ipagagawa sa inyo ng itinuturing ninyong mga kaibigan ang alam ninyong mali, kayo ang manindigan sa tama, kahit nag-iisa kayo.”8

MGA TALA

  1. Thomas S. Monson, “Nawa Magkaroon Kayo ng Lakas ng Loob,” Liahona, Mayo 2009, 127.

  2. Elaine S. Dalton, “Halina at Tayo’y Magsiahon sa Bundok ng Panginoon,” Liahona, May 2009, 121.

  3. Henry B. Eyring, “Magsilakad sa Liwanag,” Liahona, Mayo 2008, 125.

  4. Mary N. Cook, “Banal na Buhay—Isang Proseso,” Liahona, Mayo 2009, 117.

  5. Dieter F. Uchtdorf, “Kaligayahan, ang Inyong Pamana,” Liahona, Nob. 2008, 119.

  6. Ann M. Dibb, “Maging Uliran ng mga Nagsisisampalataya,” Liahona, Mayo 2009, 116.

  7. Elaine S. Dalton, “Nakikita sa Inyong Mukha,” Liahona, Mayo 2006, 109.

  8. Thomas S. Monson, “Mga Halimbawa ng Kabutihan,” Liahona, Mayo 2008, 65.