2010
Mga Turo para sa Ating Panahon
Mayo 2010


Mga Turo para sa Ating Panahon

Ang mga aralin sa Melchizedek Priesthood at Relief Society sa mga ikaapat na Linggo ay iuukol sa “Mga Turo para sa Ating Panahon.” Bawat aralin ay maaaring hanguin mula sa isa o mahigit pang mga mensaheng ibinigay sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya. Maaaring piliin ng mga stake at district president ang mga mensaheng dapat gamitin, o maaari nilang iatas ang responsibilidad na ito sa mga bishop at branch president. Dapat bigyang-diin ng mga lider na mahalagang magkapareho ang mensaheng pag-aaralan ng mga kapatid sa Melchizedek Priesthood at Relief Society sa mga Linggong ito.

Ang mga dumadalo sa mga aralin sa ikaapat na Linggo ay hinihikayat na pag-aralan at dalhin sa klase ang pinakahuling isyu ng magasin sa pangkalahatang kumperensya.

Mga Mungkahi sa Paghahanda ng Aralin mula sa mga Mensahe

Ipagdasal na mapasainyo ang Banal na Espiritu habang pinag-aaralan at itinuturo ninyo ang (mga) mensahe. Maaari kayong matuksong maghanda ng aralin gamit ang ibang mga materyal, ngunit ang mga mensahe sa kumperensya ang inaprubahang kurikulum. Ang tungkulin ninyo ay tulungan ang iba na matutuhan at ipamuhay ang ebanghelyo ayon sa itinuro sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya ng Simbahan.

Repasuhin ang (mga) mensahe, na naghahanap ng mga alituntunin at doktrinang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng klase. Maghanap din ng mga kuwento, reperensya sa banal na kasulatan, at mga pahayag mula sa (mga) mensahe na tutulong sa inyo na maituro ang mga katotohanang ito.

Gumawa ng outline kung paano ituturo ang mga alituntunin at doktrina. Dapat isama sa outline ninyo ang mga tanong na makakatulong sa mga miyembro ng klase na:

  • Hanapin ang mga alituntunin at doktrina sa (mga) mensahe.

  • Isipin ang kahulugan ng mga ito.

  • Magbahagi ng pagkaunawa, mga ideya, karanasan, at patotoo.

  • Ipamuhay ang mga alituntunin at doktrinang ito.

Mga Buwan

Mga Materyal ng Aralin sa Ikaapat na Linggo

Mayo 2010– Oktubre 2010

Mga mensaheng inilathala sa Mayo 2010 Liahona*

Nobyembre 2010–Abril 2011

Mga mensaheng inilathala sa Nobyembre 2010 Liahona*

  • Ang mga mensaheng ito ay makukuha (sa maraming wika) sa conference.lds.org.