Bagong Pormat Tumutulong sa Kababaihan na Pagbutihin ang Kanilang Tungkulin Bilang mga Visiting Teacher
Mayo 2010
Bagong Pormat Tumutulong sa Kababaihan na Pagbutihin ang Kanilang Tungkulin Bilang mga Visiting Teacher
Sa Hulyo 2010, ang mga kapatid sa Relief Society at ang mga may suskrisyon sa mga magasing Liahona at Ensign ay may makikitang pagbabago sa dating pormat ng Mensahe sa Visiting Teaching.
“Nais naming maunawaan ng bawat visiting teacher na ang visiting teaching ay tawag mula sa Panginoon at tanggapin ang iniatas sa kanyang tungkulin na mahalin, paglingkuran, at turuan ang isa pang kapatid habang isinasaisip ito,” sabi ni Julie B. Beck, Relief Society general president.
Ang bagong pormat ng mensahe ay tutulong sa kababaihan na maunawaan ang layunin ng Relief Society, magtuturo ng mga alituntuning tutulong sa mga kapatid na babae na ipamuhay ang layunin, maglalaan ng pananaw ukol sa kasaysayan, at magmumungkahi kung paano mas mabisang mapangangalagaan at mapalalakas ang iba pang kababaihan.
“Ang Mensahe sa Visiting Teaching ay isang kasangkapan sa mga kamay ng isang visiting teacher. Habang pinag-aaralan niya ang mga mensahe at iniisip ang kababaihan, malalaman niya kung ano ang ibabahagi sa kanila at gagawin para sa kanila,” sabi ni Sister Beck.
Nasa kasunod na pahina ang isang halimbawa ng bagong Mensahe sa Visiting Teaching, na may mga paliwanag tungkol sa mga bagong katangian nito.