2010
Elder Gerrit W. Gong
Mayo 2010


Elder Gerrit W. Gong

Ng Pitumpu

Elder Gerrit W. Gong

Alam ni Elder Gerrit Walter Gong ang kapangyarihan ng panalangin at na may plano ang Ama sa Langit para sa Kanyang mga anak. Noong bata pa si Elder Gong, minsan ay nagkasakit nang malubha ang kanyang ina. Naaalala niya na nanalangin siya “sa mga salita at damdamin ng isang batang paslit” na sana ay mabuhay pa ito.

“Sinasagot ang mga dalangin sa iba’t ibang paraan at panahon sa ating buhay, pero sa pagkakataong iyon, na pinasasalamatan ko, nadama at nalaman ko na iigi ang lagay niya,” sabi ni Elder Gong says. “Hindi ko na pinagdudahan mula noon na totoong dinidinig ng Ama sa Langit ang ating mga dalangin at sinasagot ang mga ito sa Kanyang sariling karunungan at paraan.”

Mula noon ay paulit-ulit nang naranasan ni Elder Gong ang magiliw na pakikipag-ugnayan sa mapagmahal na Ama, kabilang na, wika niya, ang kanyang pag-aasawa, pagpapalaki sa mga anak, pagpapasiya sa pag-aaral at trabaho, at paglilingkod sa Simbahan.

Bago natawag sa Unang Korum ng Pitumpu, naglingkod na si Elder Gong bilang high councilor, high priests group leader, tagapayo sa isang stake Sunday School presidency, seminary teacher, bishop, stake mission president, stake president, at Area Seventy.

Sa kanyang propesyon, nakapaglingkod na si Elder Gong bilang Special Assistant to the Under Secretary of State sa U.S. State Department at bilang Special Assistant to the U.S. Ambassador sa Beijing, China. Humawak din siya ng mga katungkulan sa Center for Strategic and International Studies (CSIS) sa Washington, D.C., USA. Nang siya ay matawag, nagtatrabaho siya bilang assistant to the president sa Brigham Young University na may responsibilidad na magplano at magtasa.

Si Elder Gong ay isinilang kina Walter at Jean Gong noong Disyembre 1953 at lumaki sa Palo Alto, California. Tumanggap siya ng bachelor’s degree sa university and Asian studies mula sa Brigham Young University. Kalaunan ay nagtamo siya ng master’s degree at PhD sa international relations mula sa Oxford University, kung saan siya ay isang Rhodes Scholar.

Naglingkod siya sa Taiwan Mission at kalaunan ay pinakasalan si Susan Lindsay sa Salt Lake Temple noong Enero 1980. Ang mga Gong ay may apat na anak na lalaki.