2010
Elder Per G. Malm
Mayo 2010


Elder Per G. Malm

Ng Pitumpu

Elder Per G. Malm

Noong 16 na taong gulang si Elder Per Gösta Malm, naglingkod siya sa misyon ng Simbahan sa pagtulong sa pagtatayo ng mga bagong meetinghouse sa Germany, Finland, Netherlands, at Sweden. Masigasig na siyang tumulong sa pagtatayo ng Simbahan simula noon.

Si Elder Malm ay isinilang noong Setyembre 1948 sa Jönköping, Sweden, kina Karl Gösta Ivar at Karin Anna-Greta Malm. Maraming mahahalagang aral siyang natutuhan sa buhay mula sa kanyang mga magulang, na sinuportahan ng patotoo ng kanyang ama bago ito pumanaw sa edad na 48: “Manatiling tapat sa ebanghelyo.”

“Tinuturuan niya kami noon na sa ebanghelyo namin matatagpuan ang mga solusyon sa mga bagay na pinakamahalaga,” sabi ni Elder Malm.

Kasunod ng 18-buwang misyon sa pagtatayo ng Simbahan, naglingkod nang full time si Elder Malm sa Sweden Stockholm Mission. Nang makauwi, pinakasalan niya si Ingrid Agneta Karlsson sa Bern Switzerland Temple noong Oktubre 1969, pumalit sa pamamahala ng real estate business ng kanyang ama, at nagtamo ng master’s degree mula sa University of Göteborg at ng Swedish law degree (LLM) mula sa Lund University.

Nagtrabaho siya para sa Simbahan bilang regional real estate manager. Kalaunan, bilang director for temporal affairs, inatasan siya ng Presiding Bishopric na pasimulan ang pagsasanib ng mga tungkulin ng temporal affairs ng Europe Central, East, at North Areas ng Simbahan.

Habang pinalalaki nina Elder at Sister Malm ang walong anak nila noon, naglingkod siya bilang stake mission president, branch president, high councilor, stake president, mission president, public affairs director para sa Sweden, at Area Seventy.

Ang mga karanasan niya ay nagpatunay sa kanya ng mga turo ng kanyang mga magulang, na inaasam niyang maibahagi sa pamamagitan ng kanyang tungkulin sa Pangalawang Korum ng Pitumpu. “Ang ebanghelyo ang ating angkla,” wika niya. “Kung mananatili tayong tapat dito, maghahatid ito ng kapayapaang mahirap unawain.”