Ulat ng Church Auditing Department, 2009
Sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Mahal na mga Kapatid: Tulad ng tagubilin ng paghahayag sa Bahagi 120 ng Doktrina at mga Tipan, tinutulutan ng Council on the Disposition of the Tithes ang paggastos ng mga pondo ng Simbahan. Ang kapulungang ito ay binubuo ng Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol, at Presiding Bishopric. Inaaprubahan ng kapulungang ito ang mga badyet para sa mga departamento at pagpapatakbo ng Simbahan. Ang mga departamento ng Simbahan ay gumugugol ng mga pondo ayon sa inaprubahang mga badyet at ayon sa mga patakaran at pamamaraan ng Simbahan.
Ang Church Auditing Department ay binigyan ng access sa lahat ng talaan at sistemang kailangan upang masuri ang kasapatan ng pamamahala sa pagpasok ng mga pondo, paggastos, at pangangalaga sa mga pag-aari ng Simbahan. Ang Church Auditing Department ay hiwalay sa lahat ng iba pang mga departamento at pagpapatakbo ng Simbahan, at ang mga tauhan ay binubuo ng mga certified public accountant, certified internal auditor, certified information systems auditor, at iba pang mga lisensyadong propesyonal.
Ayon sa isinagawang mga audit, opinyon ng Church Auditing Department na, sa lahat ng bagay, naitala at napangasiwaan ang natanggap na mga kontribusyon, nagastos, at mga pag-aari ng Simbahan para sa taong 2009 ayon sa angkop na pamamaraan ng accounting, inaprubahang mga badyet, at mga patakaran at pamamaraan ng Simbahan.
Gumagalang na nagsusumite,
Church Auditing Department
Robert W. Cantwell
Managing Director