Tulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan na sa pagpasan natin ng pamatok ng Tagapagligtas at paggawa sa kanyang kalooban, tayo ay makasusumpong ng kapayapaan at kagalakan na ipinangako niya.
Paghahanda
Basahin, pagnilay-nilayin, at ipanalangin ang sumusunod na mga banal na kasulatan:
Mateo 11:28–30. Inaanyayahan ni Jesus ang lahat ng napapagal at nabibigatan sa kanilang pasanin na lumapit sa kanya, pasanin ang kanyang pamatok, at mag-aral sa kanya.
Mateo 12:1–13; Lucas 13:10–17. Ipinahayag ni Jesus na siya ang Panginoon ng Sabbath. Nagpapagaling siya sa Sabbath at binatikos dahil dito.
Lucas 7:36–50. Isang babaing naghahangad ng kapatawaran ang naghugas sa mga paa ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mga luha; binatikos ni Simon na Fariseo si Jesus sa pagpayag na mahawakan Siya ng babaing makasalanan. Itinuro ni Jesus kay Simon ang talinghaga ng dalawang taong may utang at pinatawad ang babae.
Kung makukuha ang sumusunod na mga materyal, gamitin ang mga ito sa aralin:
“Come Unto Me,” isang pitong minutong yugto mula sa New TestamentVideo Presentations (53914).
Ang larawang Mary Fielding Smith and Joseph F. Smith Crossing the Plains (62608; Gospel Art Picture Kit 412), na nagpapakita ng pares ng dalawang baka na nakapamatok.
Mungkahi sa pagtuturo: Habang inihahanda ninyo ang bawat aralin, isaalangalang nang may panalangin kung paano hihikayatin ang bawat miyembro ng klase na makilahok. Ang mga palabas, maliliit na grupong talakayan, pagsasadula, at iba pang naaangkop na mga gawain ay makatutulong sa mga miyembro ng klase na aktibong makisali. (Tingnan sa Pagtuturo—Walang Higit na Dakilang Tungkulin, Yunit F, Paksa 9, “Maliliit na Grupong Talakayan [Buzz Sessions],” 164–165; Yunit F, Paksa 11, “Pagtatanghal,” 168–169; Yunit F, Paksa 16, “Pagsasadula at Pagsasadrama,” 178–180; Yunit F, Paksa 17, “Mga Larong Nagtuturo,” 181–183.)
Mungkahing Pagbubuo ng Aralin
Karagdagang mga Ideya sa Pagtuturo
Ang sumusunod na materyal ay mga karagdagan sa mungkahing banghay ng aralin. Maaari ninyong naising gamitin ang isa o higit pa sa mga ideyang ito bilang bahagi ng aralin.
Ano ang inihahayag ng mga salitang ating binibigkas tungkol sa ating sarili? Bakit gayon na lamang ang pagpapahalaga ni Jesus sa mga salita na ating binibigkas? Ano ang ilang halimbawa ng “salitang walang kabuluhan”? (Ang mga sagot ay maaaring kabilangan ng panunuya, tsismis, kasinungalingan, kalapastanganan, kagaspangan.) Paano natin mapalalakas ang ating pangako na magsasalita lamang sa mabuting paraan?
3. Gawaing pangkabataan
Maghanda ng isang papel para sa bawat miyembro ng klase na naglalaman ng sumusunod na palaisipan. Pagkatapos ninyong basahin at talakayin ang takdang babasahin, ipamigay ang mga kopya ng palaisipan. Hilingan ang mga miyembro ng klase na maghanap ng mga salitang may kaugnayan sa aralin na nakatago sa palaisipan. Ang mga salita ay maaaring patayo, pahalang, o pahilis. Kung kailangan ng tulong ng mga miyembro ng klase pagkaraan ng ilang minuto, ipabasang muli sa kanila ang mga talatang naglalaman ng mga nakatagong salita (Mateo 11:28–30: pasanin, nangabibigatan, pamatok; Mateo 12:1–13: Sabbath, magpagaling; Lucas 7:36–50: talinghaga, may utang, pinatawad).