Aralin 10
Nagpapasalamat Ako Para sa mga Puno, Halaman at Bulaklak
Layunin
Upang tulungan ang bawat bata na makadama ng pasasalamat sa Ama sa Langit at kay Jesucristo para sa mga puno, halaman at bulaklak.
Paghahanda
-
Pag-aralan nang may panalangin ang Genesis 1:11–13.
-
Maglagay ng prutas, gulay o maliit na sanga sa isang tela o bag na papel.
-
Maghanda ng maliliit na patikim na prutas, gulay o tinapay. Makipag-alam sa mga magulang ng mga bata upang makatiyak na walang sinuman sa mga bata ang may alerdyi sa pagkain.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Biblia.
-
Kung maaari, kumuha ng mga larawan ng mga lokal na puno, halaman, at mga bulaklak, at magdala ng ilang bagay na gawa sa kahoy, katulad ng lapis, kutsara at mangkok mula sa iyong tahanan.
-
Ginupit na larawan 1–4, mga bulaklak (ang katulad na ginupit na larawan ay matatagpuan sa pangkat 3 ng Mga Ginupit na Larawang Pantulong sa Primarya).
-
Larawan 1–22, Namumulaklak na Puno; larawan 1–23, Isang Pugad na May Maliliit na Ibon.
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman na nais mong gamitin.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Ginagawang magandang lugar ng mga puno, halaman at bulaklak ang daigdig upang tirahan
Paalalahanan ang mga bata na ang lahat ng bagay sa daigdig ay nilikha alinsunod sa plano ng Ama sa Langit. Sa ikatlong araw ng paglikha, nilikha ni Jesus ang mga puno, halaman at bulaklak (tingnan sa Genesis 1:11–13). Ipaliwanag na nais ng Ama sa Langit at ni Jesus na gawing maganda ang daigdig sa pamamagitan ng mga puno, halaman at bulaklak.
Ipakita ang ginupit na larawan ng mga bulaklak at anumang larawan ng mga puno, halaman o bulaklak na iyong nakuha. Hayaang pag-usapan ng mga bata ang tungkol sa anumang karanasan nila sa mga puno, halaman o bulaklak.
Kailangan natin ang mga halaman at puno upang mabuhay
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Pumili ng ilan sa mga gawaing ito upang gamitin sa aralin.
-
Magdala ng ilang binhi (katulad ng mga binhi ng bulaklak, bins, o trigo) at isang maliit na supot na puno ng lupa para iuwi ng bawat bata. Ipakita sa mga bata kung paano itatanim ang mga buto at paalalahanan sila na kakailanganin nilang maglaan ng tubig at sikat ng araw upang lumaki ang binhi.
-
Pasunurin ang mga bata sa pagbigkas sa mga salita ng awit na “Little Seeds Lie Fast Asleep” (Children’s Songbook, p. 243). Pagkatapos ay papagkunwariing maliliit na binhi ang mga bata habang inaawit mo o binibigkas muli ang mga salita.
-
Gumupit ng mga talulot, dahon at tangkay mula sa papel na may kulay at ipadikit ang mga ito sa bawat bata upang ihubog na isang bulaklak sa isang pirasong papel. Pamagatan ang pahina na Nagpapasalamat ako para sa magagandang bulaklak.
-
Magdala ng prutas o gulay na may buto sa loob. Sabihin sa mga bata na may sorpresa sa loob. Buksan ang prutas o gulay upang makita ng mga bata ang mga buto. Ipaliwanag na kapag ang mga buto ay itinanim at pinaglaanan ng tubig at sikat ng araw, ang mga ito ay lalaki at lilikha ng maraming prutas o gulay.
-
Palakarin ang mga bata sa labas upang makita ang iba’t ibang uri ng mga halaman. Kung hindi maganda ang panahon sa labas, maaaring tumanaw mula sa bintana ang mga bata at maghalinhinan sa pagsasabi kung anuanong halaman ang kanilang nakikita. Kung naaangkop, ipaliwanag ang pana-panahong pagbabago na nakaaapekto sa mga halaman at puno.
Mga Karagdagang Gawain para sa mas Maliliit na Bata
-
Ipakita ang larawan 1–22, Namumulaklak na Puno. Sabihin sa mga bata na ipinalikha ng Ama sa Langit kay Jesucristo ang mga halaman at puno (tingnan sa Genesis 1:11–13). Ipaliwanag na binibigyan tayo ng kahoy at prutas ng mga puno. Binibigyan tayo ng prutas at mga gulay ng mga halaman.
-
Magdala ng isang halaman o isang bahagi ng isang halaman (katulad ng isang bulaklak o ilang dahon) para makita, mahipo at maamoy ng mga bata. Bigyan ng pagkakataon ang bawat bata na mahipo o mahawakan ang halaman. Ituro ang kulay, amoy, o ganda nito. Ipahiwatig ang iyong pasasalamat sa mga halaman, bulaklak at puno.
-
Bigkasin ang sumusunod na talata na isinasagawa ang mga galaw. Pagkatapos ay ipagawa sa mga bata ang mga galaw na kasabay ka habang binibigkas mong muli ang talata.
Ako’y patuloy na naghuhukay (gumawa ng mga galaw ng paghuhukay),
At nagtatanim ng ilang binhi (yumuko at magkunwaring nagtatanim ng ilang binhi).
Ako’y patuloy na nagkakalaykay (gumawa ng mga galaw ng pagkakalaykay),
At inaalis ang ilang damo (yumuko at magkunwaring nagbubunot ng damo).
Ang araw ay maliwanag at mainit (gumawa ng bilog sa pamamagitan ng mga kamay),
Ang ulan ay bumabagsak (ibaba ang mga kamay at iwagwag ang mga daliri)
Kaya’t nakikita ng dalawang mata ko,
Ang aking mga binhing nagsisimulang lumago (itulak paitaas ang mga daliri
ng kaliwang kamay na nasa pagitan ng mga daliri ng kanang kamay).
-
Awitin ang “In the Leafy Treetops” (Children’s Songbook, p. 240) na kasabay ng mga bata.