Aralin 6
Mahal Ako ng Ama sa Langit at ni Jesus
Layunin
Upang tulungan ang bawat bata na madama na ang bawat isa sa atin ay mahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
Paghahanda
-
Pag-aralan nang may panalangin ang Marcos 10:13–16; Juan 3:16; at 3 Nephi 17:11—12, 21–24.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Biblia at Aklat ni Mormon.
-
Isang maliit na salamin.
-
Larawan 1–1, Ang Daigdig (62196); larawan 1–3, Si Jesus ang Cristo (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 240; 62572); larawan 1–4, Ang Unang Pangitain (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 403; 62470); larawan 1–19, Si Cristo at ang mga Bata (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 216; 62467); larawan 1—20, Binabasbasan ni Jesus ang mga Batang Nephita.
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman na nais mong gamitin.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay nagbibigay sa atin ng mga biyaya
Paalalahanan ang mga bata na bago tayo pumunta sa daigdig, tayo ay namuhay na kasama ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Nagplano sila upang makapunta tayo sa mundo upang tayo ay matuto at umunlad. Kilala at mahal nila tayo.
Ipakita ang larawan 1–1, Ang Daigdig.
-
Ano ang hiniling ng Ama sa Langit kay Jesucristo na likhain para sa atin?
Ipaliwanag na ipinalikha ng Ama sa Langit kay Jesus ang daigdig at ang lahat ng bagay na narito. Tulungan ang mga bata na maunawaan na ang lahat ng bagay na kailangan natin upang mabuhay at maging maligaya ay binalak ng Ama sa Langit at ni Jesus. Ang mga bagay na ito ay nagpapaalala sa atin ng kanilang pagmamahal sa atin.
-
Anong mga bagay ang nagpapaalala sa inyo sa pagmamahal sa inyo ng Ama sa Langit at ni Jesus? (Maaaring kasali sa mga sagot ang mga bagay na tulad ng mag-anak, mga kaibigan, ang Simbahan, mga halaman, at hayop.)
Ipinakita ni Jesus ang kanyang pagmamahal sa mga bata
Mahal ng Ama sa Langit at ni Jesus ang bawat isa sa atin
Tulungan ang mga bata na maunawaan kung gaano kahalaga ang bawat isa sa kanila sa Ama sa Langit at kay Jesus. Ipaliwanag na ang bawat isa sa atin ay mahal ng Ama sa Langit at ni Jesus at kilala tayo sa pangalan.
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Pumili ng ilan sa mga gawaing ito upang magamit sa aralin.
-
Awitin o bigkasin ang mga salita sa “Jesus Is Our Loving Friend” (Children’s Songbook, p. 58). Bigyan ang bawat bata ng bigay-siping “ Si Jesus ang Ating Mapagmahal na Kaibigan” (na nasa hulihan ng aralin), at hayaang kulayan ng mga bata ang kanilang mga bigay-sipi.
-
Awitin o bigkasin ang mga salita sa “Aking Ama’y Buhay” (Mga Alituntunin ng Ebanghelyo) o “I Feel My Savior’s Love” (Children’s Songbook, p. 74).
-
Ipakita ang mga larawan ng mga bagay na ibinigay sa atin ng Ama sa Langit at ni Jesus, katulad ng templo, mga hayop, bulaklak, mag-anak, pagkain, kaibigan, tahanan, isang bahay-pulungan, o ang mga banal na kasulatan. (Ang mga larawan ay makukuha mula sa aklatan ng bahay-pulungan, sa Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo, o mga magasin ng Simbahan.) Tulungan ang mga bata na maunawaan na ibinigay ng Ama sa Langit at ni Jesus ang mga bagay na ito sapagkat mahal nila tayo.
-
Magdala ng isang bagay, katulad ng boteng walang laman, na maaaring paikutin na tulad ng panturo. Paupuin ang mga bata sa sahig nang pabilog at ilagay ang bote sa gitna ng bilog. Paikutin ang bote sa sahig. Kapag ito ay nakaturo na sa isang bata, ang batang iyon ay dapat magbigay ng isang bagay na ibinigay sa atin ng Ama sa Langit at ni Jesus na nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa atin. Tulungan ang bawat bata na mag-isip ng sagot kapag pagkakataon na niya. Pagkatapos sumagot ng isang bata, hayaang paikutin niya ang bote nang sa gayon ay maituro nito ang ibang bata.
-
Maghanda ng isang kahon o bag na naglalaman ng ilang bagay na kailangan natin upang mabuhay sa daigdig, katulad ng pagkain, tubig, o mga damit. Ipaliwanag na ang daigdig na ito ay plano ng Ama sa Langit at ni Jesus upang ating matirahan. Ipaliwanag na ang kahon o bag ay naglalaman ng ilan sa mga bagay na kailangan natin upang mabuhay sa daigdig. Bigyan ng ideya ang mga bata tungkol sa isang bagay hanggang sa mahulaan nila kung ano ito. Kapag nahulaan nila ito, alisin ang bagay na ito mula sa kahon o bag. Ipagpatuloy ang laro hanggang sa mahulaan ng mga bata ang lahat ng bagay.
-
Gumawa ng etiketa na nagsasabing Mahal Ako ng Ama sa Langit at ni Jesus upang maisuot o maiuwi ng bawat bata. Maaari mong idikit ang etiketa sa damit ng bawat bata o lagyan ng sinulid ang etiketa at ipasuot ito na parang kuwintas sa bata. Maaari mong naisin na itago ang mga etiketa sa ilalim ng mga upuan ng mga bata bago magklase at hayaang hanapin ng mga bata ang mga ito.
Mga Karagdagang Gawain para sa mas Maliliit na Bata
-
Tulungan ang mga batang bigkasin ang sumusunod na mga salita at gawin ang mga galaw sa sumusunod na talata:
Kung ikaw ay napakatangkad (iunat ang mga bisig nang paitaas),
May lugar sa simbahan para sa iyo.
Kung ikaw ay napakaliit (magyumukyok),
May lugar sa simbahan para sa iyo.
Matangkad (mag-inat)
Maliit (magyumukyok)
Matangkad (mag-inat)
Maliit (magyumukyok)
Tayong lahat ay mahal ni Jesus at ng Ama sa Langit.
-
Bigkasin ang sumusunod na talata at tulungan ang mga batang gawin ang mga galaw na nakasaad:
Ako ay Kilala ng Ama sa Langit
Ako ay kilala ng Ama sa Langit (ituro ang sarili)
At ang nais kong gawin.
Alam niya ang aking pangalan at ang aking tirahan (gumawa ng bubong sa pamamagitan ng pagdidikit ng dulo ng mga daliri ng dalawang kamay).
Alam kong mahal niya rin ako (pag-ekisin ang mga kamay at ipatong ang mga kamay sa balikat nang payakap).
Alam niya ang sa aki’y nagpapasaya (ilagay ang mga daliri sa nakangiting labi).
Alam niya ang sa aki’y nagpapalungkot (ilagay ang mga daliri sa nakasimangot na labi).
Alam kong nais niya akong tulungan (ituro ang sarili),
At iyon ay aking ikinalulugod!