Aralin 46
Ang Pagsilang ni Jesucristo (Pasko)
Layunin
Upang tulungan ang bawat bata na makadama ng pasasalamat para sa pagkapanganak ni Jesucristo.
Paghahanda
-
May panalanging pag-aralan ang Mateo 2:1–12 at Lucas 1:26–35; 2:1–20.
-
Alamin ang ilang simpleng detalye tungkol sa pagsilang ng mga bata sa iyong klase, katulad ng saan sila isinilang, ano ang kulay ng kanilang buhok, at saan sila tumira sa unang linggo ng kanilang buhay. Maging madaling makadama sa mga damdamin ng mga batang inampon.
-
Gumupit ng mga pirasong papel (mga 8” ang haba at 1 1/2” ang lapad) para gawing mga tanikala ng Pasko. Gumupit ng sapat na dami ng mga pirasong papel para sa bawat bata upang makagawa ng ilang dugtong ng tanikala.
-
Gumawa ng maikling tala na ipinapaliwanag ang tanikala ng Pasko (tingnan ang aralin) sa mga magulang, upang mahimok nila ang kanilang anak na gumawa ng mabubuting gawa.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Biblia.
-
Isang maliit na belen. Maaari mong naisin na gumamit ng isang manikang sanggol na ibinalot sa isang kumot, na nakahiga sa isang maliit na kahon. Gumupit ng isang bituin mula sa papel upang ilagay sa itaas ng belen. Kung walang makuhang belen, gamitin ang larawan 1–75, Ang Pagsilang ni Jesus (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 200; 62116).
-
Mga krayola at pandikit.
-
Larawan 1–75, Ang Pasilang ni Jesus (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebangheloyo 200; 62116); larawan 1–76, Walang Silid sa Bahay Panuluyan (62115); larawan 1–77, Ang Paghahayag ng Pagsilang ni Jesus sa mga Pastol (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 202; 62117); larawan 1–78, Ang mga Pantas na Lalaki (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 203; 62120).
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman na nais mong gamitin.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Ipinagdiriwang natin ang pagsilang ni Jesus sa Kapaskuhan
Ipaliwanag na yamang ito ang panahon ng Pasko, ipinagdiriwang natin ang pagsilang ng isang taong mahal nating lahat.
-
Kaninong kapanganakan ang ipinagdiriwang natin?
Ang ating handog kay Jesus ay ang maging katulad niya
Ipaliwanag na sa bawat Pasko, habang ipinagdiriwang natin ang pagsilang ni Jesus, maaari tayong magbigay ng mga handog sa kanya. Hindi tayo makapagbibigay ng mga handog na ginto, kamangyan o mira na katulad ng ginawa ng mga pantas na lalaki, ngunit makapagbibigay tayo ng ibang uri ng handog. Tayo ay may handog kay Jesus kapag sinisikap nating maging katulad niya. Nagiging katulad tayo ni Jesus kapag tayo ay mabait sa ating mag-anak at mga kaibigan.
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Pumili ng ilan sa mga gawaing ito upang gamitin sa aralin.
-
Isalaysay muli ang kuwento ng pagsilang ni Jesus habang isinasadula ng mga bata ang mga bahagi ni Jose, Maria, ng katiwala ng bahay panuluyan, ng mga pastol, at mga pantas na lalaki. Gumamit ng mga kagamitang katulad ng isang manikang sanggol, isang maliit na kumot, at isang balabal, kung mayroon ng mga ito. Bigyan ng pagkakataon ang bawat bata na makilahok. Maaari mong naising ulitin ang gawain, na pinahihintulutan ang mga bata na gampanan ang iba’t ibang bahagi.
-
Tulungan ang mga bata na gumupit o gumuhit ng simpleng mga palamuting bituin. Pakulayan sa mga bata ang kanilang mga palamuti, at maglagay ng tali sa bawat bituin upang maisabit ito ng bata kahit saan sa tahanan.
-
Talakayin ang ilan sa mga pangkalakal na paghahanda para sa Pasko na napapansin ng mga bata. Tulungan silang maunawaan na ang mga bagay na katulad ng mga handog at mga kasayahan ay nakatutuwa, subalit ang Pasko ay tunay na tungkol sa pagsilang ni Jesucristo at ang kahalagahan ng pagtutuon ng pansin sa kanya at sa kanyang buhay.
-
Talakayin ang mga Pamaskong kaugalian sa inyong pook na nakatuon kay Cristo na kinagigiliwan mo at alam mo. Anyayahan ang mga bata na pagusapan ang tungkol sa anumang mga kaugalian na nakatuon kay Cristo na kinagigiliwan ng kanilang mga mag-anak sa Kapaskuhan.
Mga Karagdagang Gawain para sa mas Maliliit na Bata
-
Papagkunwariin ang mga bata na mga pastol na nagpapahinga sa bukid. Tulungan silang maisadula ang takot na nadama ng mga pastol nang makakita sila ng anghel, pagkatapos ay ang kaligayahang kanilang nadama nang maunawaan nila ang balita. Tulungan silang mailarawan sa isip na nakaririnig ng mga anghel na umaawit at nakatingala sa magandang kalangitan sa gabi at nakikita ang bituin. Sama-samang lumakad sa paligid ng silid upang hanapin ang sanggol. Lumuhod sa harapan ng sanggol na si Jesus na nasa sabsaban, at umawit ng isang awit ng papuri.
-
Tulungan ang mga bata na gawin ang mga galaw na sumusunod na talata habang binibigkas mo ang mga salita:
Isang sanggol sa sabsaban (iugoy ang mga kamay na tila naghehele ng isang sanggol),
Katabi ang inang mapagmahal (iabot ang mga kamay),
Bituing nagniningning sa kalangitan (tumuro sa langit nang may paghanga),
Ang Anak ng Diyos ay narito (ipalakpak ang mga kamay sa tuwa)!
-
Awitin o bigkasin ang mga salita sa “Little Jesus” (Children’s Songbook, p. 39) o “Lahat ay Magmahalan, Sabi ni Jesus” (Jesus Said Love Everyone, Children’s Songbook, p. 61). Paalalahanan ang mga bata na ipinagdiriwang natin ang pagsilang ni Jesus sa Kapaskuhan.
-
Gumawa ng simpleng mga ginupit na papel ng nakalampin na sanggol na si Jesus. Magtipon ng pinatuyong damo, giniikan o dayami at dalhin ito upang idikit ng mga bata sa “sabsaban” (isang parisukat na papel). Ipadikit sa mga bata ang sanggol na si Jesus sa ibabaw ng higaan na gawa sa damo o dayami.