Aralin 15
Ang Sabbath ay Araw ng Pagsamba
Layunin
Upang tulungan ang bawat bata na maunawaan na ang Sabbath ay araw ng pagsamba at pamamahinga.
Paghahanda
-
Pag-aralan nang may panalangin ang Genesis 2:1–3 at Exodo 16:11–31. Tingnan din sa Mga Alituntunin ng Ebanghelyo (31110), kabanata 24.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Biblia.
-
Larawan 1–6, Gabing Pantahanan ng Mag-anak (62521); larawan 1–7, Isang Mapagmahal na Mag-anak; larawan 1–8, Pagpapasa ng Sakramento (62021); larawan 1–9, Panalangin sa Umaga (62310); larawan 1–10, Panalangin ng Mag-anak (62275); larawan 1–35, Pamumulot ng Mana; larawan 1–36, Mga Anak at Magulang na Nagbabasa ng Kuwento sa Banal na Kasulatan.
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman na nais mong gamitin.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Gawaing Pantawag Pansin
Tulungan ang mga bata na isadula ang bawat araw ng Paglikha habang pinaaalalahanan mo sila tungkol sa kung ano ang nilikha sa bawat araw (tingnan sa Genesis 1):
Araw 1 |
Magkunwaring natutulog at pagkatapos ay gumising, upang ipakita ang gabi at araw. |
Araw 2 |
Tumayo, tumingala, at iunat ang mga kamay upang ipakita ang kalangitan. |
Araw 3 |
Yumuko upang pitasin ang isang bulaklak at pagkatapos ay amuyin ang bulaklak. |
Araw 4 |
Gumawa ng malaking bilog sa pamamagitan ng iyong mga kamay para sa araw, isang mas maliit na bilog sa pamamagitan ng iyong mga kamay para sa buwan, at iwagwag ang iyong mga daliri habang iginagalaw mo ang iyong mga kamay upang sumagisag sa mga kumikislap na bituin. |
Araw 5 |
Magkunwaring isang ibon na lumilipad sa palibot ng silid o isang isda na lumalangoy sa dagat. |
Araw 6 |
Magkunwaring isang hayop. Lumakad nang paikot sa silid nang ilang ulit na ginagaya ang hayop na iyon. Pagkatapos ay pumila at magsabi ang bawat isa na, “Ang pangalan ko ay (sariling pangalan ng bata). Ako ay anak ng Diyos.” |
Tahimik na paupuin ang mga bata.
Sabihin sa mga bata na sa ikapitong araw, ang Ama sa Langit at si Jesus ay nagpahinga. Tinawag nila ang araw na ito ng pamamahinga na Sabbath.
Ipaulit sa mga bata ang salitang Sabbath nang ilang ulit.
Ang Sabbath ay banal na araw
Basahin nang malakas ang Genesis 2:1–2 at ang talata Genesis 2:3 hanggang sa salitang araw. Ipaliwanag na noong matapos likhain ng Ama sa Langit at ni Jesus ang daigdig at ang lahat ng naririto, pinagpala nila ang ikapitong araw. Ito ay magiging isang banal na araw, kaiba sa ibang araw ng linggo. Ang Sabbath ay isang araw para sa atin upang magpahinga sa ating mga gawain at upang sambahin ang Ama sa Langit at si Jesus.
-
Aling araw ng linggo ang Sabbath?
-
Ano ang ginawa ng Ama sa Langit at ni Jesus sa araw ng Sabbath? (Tingnan sa Genesis 2:2.)
Ang Sabbath ay isang araw ng pagsamba
Tulungan ang mga bata na maunawaan na ang Sabbath ay isang masayang araw dahil maaari nating sambahin ang Ama sa Langit at si Jesus sa maraming magkakaibang paraan.
-
Ano ang ginawa ninyo ngayon upang maipakita sa Ama sa Langit at kay Jesus na mahal ninyo sila?
Ipaliwanag na ang isang mahalagang paraan na maaari nating sambahin ang Ama sa Langit at si Jesus, o ipakita sa kanila na mahal natin sila, ay sa pamamagitan ng pagpunta sa simbahan at pakikibahagi sa sakramento. Ipakita ang larawan 1–8, Pagpapasa ng Sakramento. Maligaya ang Ama sa Langit at si Jesus kapag tayo ay umaawit at nakikinig at kapag tahimik tayo at kumikilos nang wasto upang marinig natin ang ating mga guro at dinarama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesus para sa atin.
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Pumili ng ilan sa mga gawaing ito upang gamitin sa aralin.
-
Gawin ang sumusunod na gawain na lumilikha ng isang talata para sa bawat bata sa iyong klase. Anyayahan ang mga bata na gawin ang mga galaw na kasama ka.
Dahil Linggo Ngayon
Ituro ang isang bata sa iyong klase at sabihin ang pangalan ng batang iyon habang binibigkas mo ang talatang ito at gawin ang nakasaad na galaw:
Si (pangalan ng bata) ay nakinig sa mga banal na kasulatan ngayon (ilagay ang bahagyang nakatikom na kamay sa likuran ng tainga).
Si (pangalan ng bata) ay nakinig sa mga banal na kasulatan ngayon, dahil Linggo ngayon.
Bumigkas ng isang talata para sa bawat bata na ginagamit ang mga sumusunod na ideya na may anyo na katulad ng nasa itaas:
Si (pangalan ng bata) ay nanalangin sa Primarya ngayon (ihalukipkip ang mga kamay, iyuko ang ulo, ipikit ang mga mata).
Si (pangalan ng bata) ay gumuhit ng larawan ngayon (magkunwaring gumuguhit sa pamamagitan ng kamay).
Si (pangalan ng bata) ay dumalaw sa isang taong malungkot ngayon (makipagkamay sa batang binanggit).
Si (pangalan ng bata) ay natuto ng tungkol sa kasaysayan ng mag-anak ngayon (magkunwaring nagbubuklat ng mga pahina at tumingin sa mga larawan).
Si (pangalan ng bata) ay sumulat sa Lola at sa Lolo ngayon (igalaw ang mga kamay na tila nagsusulat).
Si (pangalan ng bata) ay nakinig sa isang kuwento ngayon (ilagay ang bahagyang nakatikom na kamay sa likuran ng tainga).
-
Isalaysay sa mga bata ang sumusunod na kuwento sa sarili mong mga salita:
Ang mga tagabunsod ay naglakbay ng maraming milya upang makarating sa Salt Lake Valley upang manirahan. Dumating sila mga ilang araw bago ang araw ng Sabbath. Kahit na sila ay may maitatayong mga bahay at maitatanim na mga pananim, ipinasiya nilang huwag gumawa sa araw ng Sabbath. Buong sipag at buong bilis silang gumawa upang hukayin ang lupa at ihanda ito upang tamnan. Napakatigas ng lupa kaya kinailangan nilang basain ito nang sapat upang mabungkal ng mga araro. Pagsapit ng Sabado ng gabi, mayroon na silang malaking bukirin na natatamnan ng mga gulay. Nang Linggo ng umaga, sila ay nagtipon para sa kanilang mga Linggong pagpupulong at pinasalamatan ang Ama sa Langit sa pagdadala sa kanila sa isang bagong lupain upang manirahan.
-
Paguhitin ang bawat bata ng isang larawan ng kanyang sarili na gumagawa ng isang gawain sa araw ng Sabbath. Hayaan ang mga bata na sabihin nila sa bawat isa ang tungkol sa kanilang mga larawan. Isulat sa bawat larawan ang pangalan ng bata at ang gawain, katulad ng nasa halimbawang ito: Si David ay umaawit ng mga awit sa Primarya sa araw ng Sabbath.
Mga Karagdagang Gawain para sa mas Maliliit na Bata
-
Tulungan ang mga bata na gawin ang mga galaw sa sumusunod na talatang gawain habang binibigkas mo ang mga salita:
Ang Paglikha
Sinabi ni Jesus na ang araw ay dapat sumikat (gumawa ng malaking bilog sa may uluhan sa pamamagitan ng mga kamay),
Ang ulan ay dapat bumagsak (ibaba ang mga kamay sa may harapan ng katawan habang iwinawagwag ang mga daliri),
Ang mga bulaklak ay dapat lumaki (bahagyang itikom ang mga kamay, nakaharap paitaas ang mga palad).
Sinabi ni Jesus na dapat umawit ang mga ibon (ibukas at isara ang mga daliri na katulad ng tuka ng ibon),
At ito’y nagkagayon, nagkagayon (ihalukipkip ang mga kamay).
(Johnie B. Wood, sa Sing, Look, Do, Action Songs for Children, inihanda upang mailimbag, Dorothy M. Peterson [Cincinnati: Standard Publishing Co., 1965].)
Ipaliwanag na pagkatapos ng paglikha sa daigdig, ang Ama sa Langit at si Jesus ay nagpahinga. Ang Sabbath ay araw kung kailan tayo ay nagpapahinga at inaalaala ang Ama sa Langit at si Jesus.
-
Sabihin sa mga bata na kapag ginagawa natin ang ating gawain sa Sabado, ginagawa nitong mas madali na alalahanin si Jesus at ang Ama sa Langit sa Linggo. Awitin ang “Natatangi ang Sabado” (Ang Babaeng Banal sa Hulingaraw, Bahagi B), na kumakatha ng mga galaw na isinasaad ng mga salita.