Aralin 28
Maaari Akong Maging Masunurin
Layunin
Upang tulungan ang bawat bata na naising sundin ang Ama sa Langit at si Jesucristo at upang sundin ang kanyang mga magulang.
Paghahanda
-
May panalanging pag-aralan ang Daniel 3; Juan 14:15; at Efeso 6:1. Tingnan din sa Mga Alituntunin ng Ebanghelyo (31110), kabanata 35.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Magkakasamang kopya ng mga banal na kasulatan.
-
Larawan 1–5, Mag-anak na May Sanggol (62307); larawan 1–8, Pagpapasa ng Sakramento (62021); larawan 1–9, Panalangin sa Umaga (62310); larawan 1–46, Mga Batang Nagbibigay ng mga Bulaklak sa Ina; larawan 1–55, Sermon sa Bundok (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 212; 62166); larawan 1–56, Tatlong Lalaki sa Hurnong Nagniningas (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 116; 62093).
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman na nais mong gamitin.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Nais ng Ama sa Langit at ni Jesus na sundin natin ang ating mga magulang
Ipakita ang larawan 1–5, Mag-anak na May Sanggol.
-
Ano ang ipinakikita ng larawang ito?
Ituro ang bata sa larawan at pag-usapan kung paanong ang bawat isa sa atin ay napunta sa mundo bilang mga sanggol. Paalalahanan ang mga bata na dahil ang mga sanggol ay napakaliit at walang magagawa, kailangan nila ang isang taong nakatatanda at higit na malaki upang alagaan sila.
-
Sino ang nag-alaga sa inyo noong kayo ay sanggol pa?
-
Sino ang nag-aalaga sa inyo ngayon?
Ipaliwanag sa mga bata na ang mga tao na nag-aalaga sa kanila, katulad ng kanilang mga magulang at iba pang mga kasapi ng mag-anak, ay nagmamahal sa kanila at nais na maging ligtas at maligaya sila.
-
Ano ang itinuturo ng mga magulang ninyo na hindi ninyo dapat gawin?
Pag-usapan ang mga bagay na maaaring gawin ng mga bata na makasasakit sa kanila o makapagpapalungkot sa kanila, katulad ng paglalaro sa lansangan, paghawak ng mainit na kalan, pagdampot ng isang matalim na kutsilyo, pagtakbo sa isang matarik na burol, o pakikipag-away sa kanilang mga kapatid.
-
Bakit ayaw ng mga magulang ninyo na gawin ninyo ang mga bagay na ito?
Pag-usapan ang mga bagay na magagawa ng mga bata nang ligtas at maligaya, katulad ng paglalaro ng kanilang mga laruan, pagpunta sa mga pook na kasama ang kanilang mga magulang, at pagiging mabait sa kanilang mga kapatid.
-
Bakit hinahayaan kayo ng mga magulang ninyo na gawin ang mga bagay na ito?
-
Bakit dapat ninyong sundin ang inyong mga magulang?
Ipaliwanag na mahal tayo ng ating mga magulang at nais na gawin natin ang mga bagay na magpapanatili sa atin na ligtas at maligaya.
Nais ng Ama sa Langit at ni Jesus na sundin natin ang mga kautusan
Ipakita ang larawan 1–55, ang Sermon sa Bundok.
-
Sino ang nasa larawang ito?
Ipaliwanag na noong nasa daigdig si Jesus, tinuruan niya ang mga tao ng nais ipagawa sa kanila ng Ama sa Langit. Ang mga aral na ito ay tinatawag na mga kautusan. Itaas ang mga banal na kasulatan. Sabihin sa mga bata na ang mga kautusan ay nasusulat sa mga banal na kasulatan.
Binibiyayaan tayo ng Ama sa Langit kapag sumusunod tayo
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Pumili ng ilan sa mga gawaing ito upang gamitin sa aralin.
-
Awitin o bigkasin ang mga salita sa unang talata ng “Keep the Commandments (Children’s Songbook, p. 146) o ang ikalawang talata ng “I Have Two Little Hands” (Children’s Songbook, p. 272).”
-
Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagbibigay ng ilang tagubilin sa klase, katulad ng “tumayo” at “ilagay ang inyong mga kamay sa inyong ulo.” Pasunurin ang ibang mga bata sa mga tagubilin.
-
Gamitin ang bingwit mula sa aralin 11 at maghanda ng ilang isdang papel na may nakasulat na mga simpleng tagubilin, katulad ng “ihalukipkip ang inyong mga kamay,” “ulitin ang ‘sabi ni Jesus na, Kung ako’y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos,’” “lumakad nang tahimik sa palibot ng silid,” “ngumiti sa ibang mga bata,” at “tulungan ang klase na awitin ang ‘Ako ay Anak ng Dios.’” Bigyan ng pagkakataon ang bawat bata na manghuli ng isdang papel at sundin ang tagubilin na nakasulat sa isda.
-
Pagbalik-aralan ang kuwento ni Noe, na binibigyang-diin na si Noe at ang kanyang mag-anak ay naligtas mula sa baha dahil sinunod nila ang mga kautusan.
-
Bigyan ang bawat bata ng isang pirasong papel na kung saan ay naiguhit mo ang isang masayang mukha at naisulat ang mga salitang Maligaya ako kapag ako ay sumusunod. Pakulayan sa mga bata ang mga mukha.
Mga Karagdagang Gawain para sa mas Maliliit na Bata
-
Tulungan ang mga bata na gawin ang mga galaw sa sumusunod na laro sa daliri:
Masisipag na maliliit na daliri (itaas ang isang kamao),
Sino ang tutulong sa ating sumunod?
“Ako.” “Ako.” “Ako.” “Ako.” “Ako.” (iladlad ang isang daliri sa bawat “Ako” hanggang sa ang lahat ng mga daliri ay mailadlad),
Ang sabi ng masisipag na daliri.
-
Magdala ng ilang mga bagay na nagdudulot ng pangangalaga, katulad ng mga sapatos, mga sumbrero, at mga guwantes. Tanungin ang mga bata kung anong uri ng pangangalaga ang ibinibigay ng bawat bagay (halimbawa, pinangangalagaan ng mga sapatos ang ating mga paa; pinangangalagaan ng mga sumbrero ang ating mga ulo mula sa lamig o ang ating mga mata mula sa araw). Sabihin sa mga bata na kapag sinusunod natin ang ating mga magulang, tayo ay napangangalagaan din. Pag-usapan ang ilang mga alituntunin at kung paano tayong pinangangalagaan ng mga ito.
-
Itaas ang iyong mga kamay at ipakita sa mga bata kung paano mong naigagalaw ang iyong mga daliri. Ipataas sa mga bata ang mga kamay nila, ipagalaw ang kanilang mga daliri at ibukas at isara ang kanilang mga kamay. Ipaliwanag na maigagalaw natin ang ating sariling mga kamay at daliri, ngunit hindi ng iba. Ipaliwanag na mauutusan nating sumunod ang ating mga kamay kapag hinilingan tayo ng isang tao na gawin ang isang bagay. Ang paggawa nito ay nagpapaligaya sa ating damdamin.
-
Tulungan ang mga bata na gawin ang mga galaw sa sumusunod na talatang gawain habang binibigkas mo ang mga salita:
Mahal Ko ang Aking mga Kamay
Mahal ko ang aking mga kamay; sila ay aking mga kaibigan (ilagay sa harapan ang mga kamay at tumingin sa mga ito).
Masisipag sila at matulungin sa buong maghapon (isadula ang mga gawain na ginagawa ng mga kamay).
Tahimik silang naihahalukipkip (ihalukipkip ang mga kamay) o naipapalakpak nang napakalakas (pumalakpak)!
Kapag ginagawa nila ang tama, ito’y aking ikinatutuwa!