Aralin 25
Mahal Ko ang Aking Buong Mag-anak
Layunin
Upang tulungan ang bawat bata na makadama ng pagmamahal para sa lahat ng mga kasapi ng mag-anak.
Paghahanda
-
Pag-aralan nang may panalangin ang Lucas 1:36–44, 56.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Biblia.
-
Larawan 1–7, Isang Mapagmahal na Mag-anak; larawan 1–18, Binibinyagan ni Juan Bautista si Jesus (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 208; 62133); larawan 1–54, ang Templo sa Salt Lake (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 502; 62433), o isang larawan ng templo sa inyong pook.
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman na nais mong gamitin.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Ang mga lolo at lola, mga tiya, mga tiyo, at mga pinsan ay mahahalagang bahagi ng ating mga mag-anak
Ipakita ang larawan 1–7, Isang Mapagmahal na Mag-anak.
-
Paanong katulad ng inyong mag-anak ang mag-anak na ito?
-
Paanong kakaiba ang mag-anak na ito sa inyong mag-anak?
-
Aling mga tao ang lola at lolo sa larawang ito?
Ipaliwanag na ang mga lolo at lola ay ang mga magulang ng ating mga ina at ama. Lahat tayo ay may mga lolo at lola, kahit na kung minsan ay hindi natin sila gaanong kakilala dahil sila ay namatay na o sa malayo sila nakatira.
-
Ilan sa inyo ang nakakikilala sa inyong mga lolo at lola?
-
Ang mga lolo at lola ba ninyo ay nakatira sa malapit sa inyo o sa malayo?
-
Ano ang nais ninyong gawin na kasama sila?
Ang mga kasapi ng mag-anak ay ating mabubuting mga kaibigan
Ipaliwanag na ang lahat ng mga kasapi ng ating mag-anak ay maaaring maging mabubuting kaibigan natin. Kung ikaw ay may kamag-anak na malapit sa iyo, sabihin sa mga bata kung ano ang nadarama mo para sa taong ito.
-
Bakit gusto ninyong kasama ang inyong mag-anak?
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Pumili ng ilan sa mga gawaing ito upang gamitin sa aralin.
-
Sa pahintulot ng pangulo ng inyong Primarya, hilingan ang isang lolo o lola ng isa sa mga bata, o ang isang tao sa purok na lolo o lola na, na dumalaw sa klase. Hilingang sabihin ng panauhin sa mga bata ang tungkol sa kanyang pagmamahal sa kanyang mga apo. (O maaari mong anyayahan ang isang tiya, tiyo, o pinsan ng isa sa mga bata na magsalita tungkol sa pagmamahal para sa lahat ng mga kasapi ng mag-anak.)
-
Magdala ng isa o higit pang mga larawan ng inyong mag-anak, lalo na ang may kasamang lolo at lola, mga tiya, mga tiyo, o mga pinsan. Ipahanap ang iyong sarili sa mga bata at sa sinumang maaaring kakilala nila (katulad ng iyong asawa o mga anak) sa mga larawan. Sabihin sa mga bata ang tungkol sa iba pang mga tao na nasa mga larawan.
-
Bigyan ang bawat bata ng etiketa na may nakasulat na pangalan ng isang kasapi ng mag-anak, katulad ng “Ina,” “Ama,” “Kapatid [na lalaki],” “Kapatid [na babae],” “Lola,” “Lolo,” “Tiyo,” “Tiya,” o “Pinsan.” (Kung kakaunti lamang ang mga bata sa iyong klase, gamitin ang ilan lamang sa mga pangalang ito; kung marami ang mga bata sa iyong klase, maaaring maging magkatulad ang pangalan ng mahigit sa isang bata.) Papuntahin sa harapan ng klase ang bawat bata habang sinasabi mo ang pangalan na nasa kanyang etiketa. Ipaliwanag na ang mga mag-anak ay mahalaga at nakatakdang magkasama sama. Magpagawa ng bilog sa mga bata at maghawakan ng mga kamay. Hilingan silang gumawa ng ilang mga galaw habang magkakahawak ang mga kamay, katulad ng pag-uugoy ng kanilang mga kamay, paglalakad sa bilog, at pag-awit ng “Mag-anak na Kaysaya.”
-
Ipaguhit sa bawat bata ang isang larawan ng kanyang mga lolo at lola o ng ibang mga kamag-anak. Pamagatan ang larawan na Ang Aking mga Lolo at Lola o kung anuman ang naaangkop.
Mga Karagdagang Gawain Para Sa Mas Maliliit Na Bata
-
Gumawa ng isang kahon o supot na may isang puso sa ibabaw nito upang sumagisag sa pagmamahal. Gumupit ng mga simpleng larawan o mga guhit na sumasagisag sa mga kasapi ng sariling mag-anak o kamag-anak. Tanungin ang mga bata, “Sino ang nagmamahal sa inyo?” Habang sumasagot ang mga bata, isa-isang ilagay ang mga angkop na larawan sa kahon o supot. Kapag ang lahat ng mga larawan ay nasa loob na ng kahon o supot, itaas ito at sabihin sa mga bata, “Ang lahat ng mga taong ito ay lubos na nagmamahal sa inyo.”
-
Ilagay ang mga ginupit na larawan ng mga kasapi ng mag-anak (tingnan ang gawain 1, sa itaas) sa ibabaw ng mesa o sahig. Patalikurin ang mga bata at ipasara ang kanilang mga mata habang inaalis mo ang isang ginupit na larawan. Ipahula sa mga bata kung sino ang nawawala. Ulitin nang maraming ulit hanggang nais mo. Pagsama-samahing muli ang mga ginupit na larawan at sabihin sa mga bata na nais ng Ama sa Langit na makasama niyang muli ang mga mag-anak, na wala ni isang mawawala.
-
Awitin ang “When We’re Helping” (Children’s Songbook, p. 198), na ginagamit ang mga pangalan ng mga kasapi ng kamag-anak na kapalit ng ina. Ipasadula sa mga bata ang mga bagay na magagawa nila upang makatulong sa mga kasapi ng mga mag-anak na ito.