Aralin 37
Maaari Akong Maging Matapat
Layunin
Upang palakasin ang pagnanais ng bawat bata na maging matapat.
Paghahanda
-
May panalanging pag-aralan ang Exodo 20:15–16; Alma 53:16–22; 56:44–57; at Mga Saligan ng Pananampalataya 13. Tingnan din sa Mga Alintuntunin ng Ebanghelyo (31110), kabanata 31.
-
Gumawa ng simpleng tali sa ulo para sa bawat bata na yari sa papel o tela. Isulat sa bawat tali sa ulo ang Maaari Akong Maging Matapat.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Biblia at isang Aklat ni Mormon.
-
Isang butones o ibang maliit na bagay.
-
Larawan 1–13, Joseph Smith (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 400; 62449); larawan 1–65, Dalawang Libong Kabataang mga Kawal (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 313; 62050).
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman na nais mong gamitin.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Nais ng Ama sa Langit at ni Jesus na tayo ay maging matapat
Ipakita ang larawan 1–13, Joseph Smith. Sabihin sa mga bata na isinulat ni Propetang Joseph Smith sa ikalabintatlong saligan ng pananampalataya na “Naniniwala kami sa pagiging matapat”. Tulungan ang mga bata na maisaulo ang mga salitang ito.
-
Ano ang ibig sabihin ng pagiging matapat?
Ipaliwanag na ang pagiging matapat ay kinapapalooban ng pagsasabi ng totoo, hindi pagkuha ng mga bagay na pag-aari ng iba, at pakikitungo sa ibang tao nang walang kinikilingan.
Ipakita ang Biblia at sabihin sa mga bata na dinala ni Moises ang Sampung Utos sa kanyang mga tao (tingnan sa Exodo 20). Ipaliwanag na ibinigay ng Ama sa Langit at ni Jesus kay Moises ang dalawang kautusan tungkol sa pagiging matapat: “Huwag kang magnanakaw” at “Huwag kang magbibintang.” Basahin nang malakas ang Exodo 20: 15–16.
-
Ano ang ibig sabihin ng magnakaw?
Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng magbintang ay magsabi ng isang bagay na hindi totoo.
Pinagpapala tayo kapag tayo ay matapat
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Pumili ng ilan sa mga gawaing ito upang gamitin sa aralin.
-
Isalaysay sa sarili mong mga salita ang sumusunod na kuwento tungkol kay Jacob Hamblin at ng kanyang anak na lalaki:
Si Jacob Hamblin ay isa sa mga unang tagabunsod na nagpunta sa dakong timog ng Utah. Minahal niya ang mga Indiyan na nanirahan doon at natutuhang magsalita sa kanilang wika. Palagi siyang matapat sa mga Indiyan, at natutuhan nilang pagkatiwalaan siya. Isang araw ay inutusan ni Jacob ang kanyang anak na lalaki na ipagpalit sa isang Indiyan ang isang buriko para sa ilang kumot. Masusing tiningnan ng Indiyan ang buriko at inilabas ang isang salansan ng mga kumot. Sinabi ng anak na lalaki ni Jacob na, “Hindi sapat.” Patuloy na nagdagdag ng mga kumot sa salansan ang Indiyan. Nang sa wari ng anak na lalaki ni Jacob na mayroon na siyang sapat na mga kumot, sumakay siyang pauwi, nagmamalaki na nakatanggap siya ng maraming kumot bilang kapalit ng buriko. Nang makita ni Jacob kung gaano karaming kumot ang naiuwi ng kanyang anak na lalaki, siya ay hindi nasiyahan. Ang buriko ay hindi nagkakahalaga ng gayon karaming mga kumot. Ipinasauli ni Jacob ang kalahati ng mga kumot sa Indiyan. Nang magbalik ang batang lalaki, ang Indiyan ay nagtawa at nagsabing, “Alam kong ipapasauli ni Jacob ang mga ito” (tingnan sa Jacob Hamblin Jr., sa pagkakasalaysay kay Louise Lee Udall, sa A Story to Tell [Lungsod ng Salt Lake: Deseret Book Co., 1945], 359–60).
Ipaliwanag na alam ng Indiyan na si Jacob Hamblin ay isang matapat na tao at ipasasauli ang labis na mga kumot. Mapagkakatiwalaan ng Indiyan si Jacob dahil siya ay palaging matapat. Ipasadula o ipasalaysay muli sa mga bata ang kuwento.
-
Awitin o bigkasin ang mga salita sa “Jesus Once Was a Little Child” (Children’s Songbook, p. 55).
-
Gumamit ng mga simpleng manika, katulad ng mga manika na yari sa medyas o papel na supot, upang isadula ang mga kalagayan kung saan ang isang tao ay may pagpipilian sa pagitan ng pagiging matapat at hindi pagiging matapat. Gamitin ang mga halimbawa sa ibaba o lumikha ng ilang sariling sa iyo:
-
Nakabasag kayo ng isang pinggan at tinanong ng inyong ina kung sino ang gumawa niyon.
-
Tumutulong kayong mamulot ng perang tumapon, at natutukso kayong kumuha ng ilan.
-
Kumain kayo ng dalawang cookies pagkatapos na sabihin sa inyo ng inyong ama na huwag gawin ito. Tinanong kayo ng ama ninyo kung kumain kayo ng cookies.
Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa paggamit sa manika at pagsasabi ng dapat nilang gawin sa bawat kalagayan.
-
Mga Karagdagang Gawain para sa mas Malilitt na Bata
-
Tanungin ang mga bata kung may kabayo sa silid. Sabihin sa kanila na kung titingin silang mabuti, hindi sila makakikita ng kabayo sa silid dahil wala nito. Magiging hindi matapat ang pagsasabi na may kabayo sa silid. Tanungin sila kung nakikita nila ang (pangalan ng isang bagay na madaling makita ng mga bata). Ipaliwanag na katapatan ang sabihin ang bagay na ito ay nasa loob ng silid. Sabihin sa mga bata na kapag sinasabi nila ang isang bagay na totoo o tunay, sila ay nagiging matapat.
-
Hilingin sa mga bata na itaas ang dalawang kamay kapag nagsasabi ka ng isang bagay na totoo at ibaba ang kapwa mga kamay kapag nagsasabi ka ng isang bagay na hindi totoo. Gumawa ng mga simple ngunit halatang mga pangungusap, katulad ng “Mayroon akong bulaklak sa aking buhok,” “Ang suot ko ay isang bestido,” “Pula ang pantalon ni John,” o “Nakaupo ka sa isang upuan.”
-
Awitin o bigkasin ang mga salita sa “Mangahas Gawi’y Tama” (Mga Himno at Awit Pambata).