Aralin39
Ang Musika ay Nakapagpapasaya sa Akin
Layunin
Upang tulungan ang bawat bata na maunawaan na ang mabuting musika ay makatutulong sa atin na maging masaya ang pakiramdam at pinaaalalahanan tayo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesus.
Paghahanda
-
May panalanging pag-aralan ang 1 Samuel 16:19–23; Eter 6:2–12; at Doktrina at mga Tipan 25:12.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Biblia, isang Aklat ni Mormon, at isang kopya ng Doktrina at mga Tipan.
-
Larawan 1–61, Ang Paglalakbay Mula sa Nauvoo (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 410; 62493); larawan 1–68, Tumutugtog si David Para kay Haring Saul; larawan 1–69, Ang mga Gabara ng mga Jaredita.
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang Mga Gawain na Nagpapayaman sa Kaalaman na nais mong gamitin.
Paalala sa guro: Maaaring naisin mong anyayahan ang pinuno ng musika sa Primarya na tulungan ka sa araling ito.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Ang mabuting musika ay makatutulong sa atin na maging masaya
Ipaliwanag na ang masaya, maganda, o payapang musika ay makatutulong sa atin na maging mabuti ang ating pakiramdam sa ating kalooban. Kapag tayo ay malungkot, o galit, o nagulat, nagagawa ng mabuting musika na mapasaya tayong muli.
Tinutulungan tayo ng musika na alalahanin ang Ama sa Langit at si Jesus
Ipaliwanag na ang musika sa simbahan ay nagpapaalala sa atin sa Ama sa Langit at kay Jesus. Hilingin sa mga bata na ipikit ang kanilang mga mata at magkunwaring pinakikinggan ang tumutugtog na musika sa kapilya bago ang pulong sakramento.
-
Paano kayong natutulungan ng musika na maging magalang sa simbahan?
Ipaliwanag na natutuwa ang Ama sa Langit at si Jesus na mapakinggan tayong umaawit. Basahin nang malakas ang unang dalawang parirala ng Doktrina at mga Tipan 25:12 (hanggang sa panalangin sa akin). Ipaliwanag na ang pagawit ng mga awitin sa simbahan ay tulad ng pananalangin sa Ama sa langit. Pinasasalamatan natin ang Ama sa Langit para sa mga pagpapala na ibinibigay niya sa atin. Ang pag-awit ng mga awitin tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesus ay nagpapaalala sa atin na mahal nila tayo at nais na tulungan tayo. Ipaliwanag na ang mga awit na ating inaawit sa pulong sakramento ay tinatawag na mga himno.
-
Bakit natin inaawit ang mga awit at mga himno sa simbahan?
Mga Gawaing Nagpapayaman Sa Kaalaman
Pumili ng ilan sa mga gawaing ito upang gamitin sa aralin.
-
Awitin ang “Masayang Gawain” (Fun to Do, Children’s Songbook, p. 253), “Sing a Song” (Children’s Songbook, p. 253), o “I Think the World Is Glorious” (Children’s Songbook, p. 230).
-
Kung ang klase ay maliit, papiliin ang bawat bata ng isang kinawiwilihang awit sa Primarya, at awitin ang mga ito nang magkakasama bilang isang klase.
-
Gumawa ng mga tasang pangkalog na yari sa papel para sa bawat bata upang magamit bilang mga kagamitan na pantugtog. Lagyan ng kaunting bigas o buhangin ang loob ng tasang yari sa papel. Idikit ang isa pang tasang yari sa papel sa nauna upang hindi tumapon ang bigas o buhangin. Awitin ang isang awit sa Primarya habang ginagamit ng mga bata ang kanilang mga pangkalog. Makapagdadala ka rin ng iba pang bagay upang magamit bilang mga kagamitan sa pagtugtog, katulad halimbawa ng mga kampana, mga pulpol na patpat na paghahampasin, o mga kapirasong kahoy na pagkikiskisin.
-
Magpatugtog ng musika mula sa mga audiocassette ng Children’s Songbook (52505 o 52428) o mga compact disc (50505 o 50428), at paawitin o pagalawin ang mga bata na kasabay nito.
-
Sa sarili mong mga salita, isalaysay ang kuwento nang si Propetang Joseph Smith at ang ibang mga pinuno ng Simbahan ay nasa Piitan ng Carthage. Ikinulong sila ng masasamang tao kahit na wala silang ginawang mali. Alam ng Propeta na nanganganib ang kanyang buhay, at siya ay labis na nalungkot. Hinilingan niya ang kanyang kaibigan na si John Taylor na umawit para sa kanya. Labis din ang kalungkutan ni John, at sinabi niya kay Joseph na tila ayaw niyang umawit, ngunit siya ay hinimok ni Joseph. Habang inaawit ni John ang isang awiting tungkol kay Jesus, ang bawat isa na nasa piitan ay nagkaroon nang higit na mabuting pakiramdam. Ang awit ay nagpaalala sa kanila na mahal sila ng Ama sa Langit at ni Jesus. Ito ay nagbigay sa kanila ng lakas at tibay ng loob.
Mga Karagdagang Gawain para sa mas Maliliit na Bata
-
Awitin ang ilan sa mga kinawiwilihang awit ng mga bata na kasama sila. Hayaan na mahinang pumalakpak ang mga bata habang sila ay umaawit. Sabihin sa mga bata ang tungkol sa kung paano silang pinasasaya ng musika.
-
Maghanda ng isang rekord ng iba’t ibang estilo ng musika upang mapakinggan ng mga bata. Tiyaking ang musika ay angkop para sa Sabbath. Maaaring naisin mong gamitin ang ilan sa mga piling awit sa audiocassette na kasama ng manwal na ito.
-
Sabihin sa mga bata na binigyan tayo ng Ama sa Langit ng maraming uri ng musika. Ang ilang musika ay ginawa ng mga tao, at ang ibang musika ay ginawa ng mga bagay sa mundo sa ating paligid. Magbanggit ng ilang bagay sa kalikasan na gumagawa ng tunog na tulad ng musika, katulad halimbawa ng hangin, ulan, mga ibon, mga bubuyog, at kidlat. Ipagaya sa mga bata ang bawat tunog.