Mga Manwal sa Primary at Oras ng Pagbabahagi
Mga Awit para sa Alagaan mula sa Aklat ng mga Awit Pambata


Mga Awit para sa Alagaan mula sa Aklat ng mga Awit Pambata

Ang sumusunod na mga awit mula sa Aklat ng mga Awit Pambata ay angkop na angkop na gamitin sa alagaan. Kasama nito ang ilang mungkahi ng mga paraan ng inyong pag-aakma sa mga salita. Maaaring mayroon kayong ibang mga ideya sa pag-aakma ng mga ito o ng ibang mga awit sa Aklat ng mga Awit Pambata upang maging angkop ang mga ito sa alagaan.

Bilang karagdagan sa mga awit sa Aklat ng mga Awit Pambata, maaari ninyong gamitin ang mga awit ng mga bata na mula sa inyong sariling kultura. Tiyaking masusunod sa mga awit ang sumusunod na pamantayan:

  • Ang mga ito ay maiikli at simple.

  • Ang mga ito ay gumagamit ng kaunting nota (5 hanggang 8 nota).

  • Ang mga salita ay paulit-ulit (ang iisang salita ay gamit nang ilang ulit) at madaling matutuhan.

  • Ang mga salita ay naglalarawan ng mga bagay na nakikita, naririnig, naaamoy, o nahihipo ng mga bata.

  • Ang mga salita ay hindi labag sa mga turo ng ebanghelyo.