Aralin 30
Maaari Kong Patawarin ang Iba
Layunin
Upang himukin ang bawat bata na maging mapagpatawad.
Paghahanda
-
May panalanging pag-aralan ang Genesis 37:12–28; 41:38–43; 42:1–8; 45:1–15; Mateo 18:21–22; at Lucas 23:33–34.
-
Maghanda ng maliliit na pirasong papel at isulat sa bawat papel ang pangungusap na katulad ng isa sa mga sumusunod:
-
May humampas sa inyo at itinulak kayo.
-
Ayaw ng isang tao na maglaro kayo sa laro.
-
Nabasag ng isang tao ang isang bagay na sa inyo.
-
May tumawag sa inyo ng hindi magandang pangalan.
-
May kumuha sa pinaglalaruan ninyo at ayaw ibahagi ito.
Maghanda ng isang pirasong papel para sa bawat bata sa klase (lumikha ng marami pang kalagayan kung kailangan). Ilagay ang mga papel sa isang maliit na kahon na pinamagatang “Kahon ng Pagpapatawad.”
-
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Biblia.
-
Larawan 1–47, Mga Batang Nag-aaway; larawan 1–57, Ipinagbili si Jose ng Kanyang mga Kapatid na Lalaki (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 109; 62525); larawan 1–58, Ipinakikilala ni Jose ang Kanyang Sarili sa Kanyang mga Kapatid na Lalaki; larawan 1–59, Ang Pagpapako sa Krus (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 230; 62505).
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman na nais mong gamitin.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Pinatawad ni Jose ang kanyang mga kapatid na lalaki
Sinabihan tayo ni Jesus na maging mapagpatawad
Itaas ang isang kopya ng Biblia. Ipaliwanag na sa Biblia, sinabi ni Jesus sa atin na maging mapagpatawad. Isa sa mga apostol ni Jesus ang nagtanong sa kanya tungkol sa pagpapatawad sa iba (tingnan sa Mateo 18:21–22). Sinabi sa kanya ni Jesus na dapat tayong magpatawad palagi. Ipaliwanag na sinasabi din sa atin ng Biblia na si Jesus ay mapagpatawad.
Ipakita ang larawan 1–59, Ang Pagpapako sa Krus. Ipaliwanag na naging napakalupit ng mga kawal kay Jesus. Siya ay hinampas nila at dinuraan. Ibinaon ng mga kawal ang mga pako sa mga kamay at paa ni Jesus at ibinayubay siya sa krus upang mamatay. Ipaliwanag na pinatawad ni Jesus ang mga kawal. Hindi siya galit sa mga kawal sa kanilang ginawa sa kanya. (Mag-ingat na maging napakadula habang isinasalaysay mo ang kuwentong ito. Ang ilang bata ay maaaring napakasensitibo sa ideyang sinasaktan ng mga tao si Jesus.)
Buklatin sa Lucas 23:34 at sabihin sa mga bata ang sinabi ni Jesus nang manalangin siya sa Ama sa Langit bago siya namatay: “Ama, patawarin mo sila.” Ipaulit nang ilang beses sa mga bata ang pariralang ito nang malakas.
-
Kahit na sinaktan ng mga kawal si Jesus, ano ang ginawa niya?
-
Ano ang nais ni Jesus na gawin natin kung may taong nagpalungkot sa atin o nagpagalit?
Maaari nating patawarin ang iba
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Pumili ng ilan sa mga gawaing ito upang gamitin sa aralin.
-
Pagbalik-aralan ang kuwento ng alibughang anak, na matatagpuan sa Lucas 15:11–32. Gamitin ang larawan 1–49, Ang Alibughang Anak. Tulungan ang mga bata na maunawaan na mahal ng ama ang kanyang anak na lalaki at pinatawad siya.
-
Gawin ang sumusunod na laro sa daliri. Anyayahan ang mga bata na gawin ang mga galaw na kasama mo.
Dalawang maliliit na magkaibigan, isang kaliwa at isang kanan (itaas ang kapwa kamay na nakatikom ang mga kamao),
Ang nagsimulang mag-away at nagsimulang magsuntukan (magkaharap na paikutin ang bawat kamao).
Sa araw na iyon ay hindi natuwa ang maliliit na magkaibigan,
Sapagkat sila’y tinuruang maglaro sa tamang paraan.
Sa gayo’y yumuko ang isang kaibigan sa kahihiyan (iyuko ang kanang kamao at italikod);
Gayundin ang ginawa ng isang kaibigan (iyuko ang kaliwang kamao at italikod din).
Ang unang maliit na kaibigan ay nagsabing, “Alam ko na ang aking gagawin (ipalakpak ang mga kamay).”
Upang ipakitang ako’y nagsisisi, hihingi ako ng kapatawaran sa iyo.”
“Ikinalulungkot ko rin,” ang sabi ng isa,
“Halina’t maglaro at sa maghapon ay maging maligaya” (ihalukipkip ang mga kamay at maupo).
-
Gumawa ng simpleng etiketa upang isuot pauwi ng bawat bata. Isulat sa bawat etiketa ang Maaari akong maging mapagpatawad.
Mga Karagdagang Gawain para sa mas Maliliit na Bata
-
Pagbalik-aralan ang kuwento mula sa aralin 29 tungkol sa dalawang bata na naglalaro (tingnan sa Mga Karagdagang Gawain Para sa Mas Maliliit na Bata, gawain 4). Sabihin kung paanong pinatawad ng nasaktang bata ang isa pa.
-
Awitin o bigkasin ang mga salita sa “Lahat ay Magmahalan, Sabi ni Jesus” (Jesus Said Love Everyone, Children’s Songbook, p. 61) o kaya ang “Jesus Wants Me for a Sunbeam” (Children’s Songbook, p. 60).
-
Awitin o bigkasin ang mga salita sa “Kung Ikaw ay Masaya” (If You’re Happy, Children’s Songbook, p. 266). Ipaliwanag sa mga bata na kapag pinatatawad natin ang mga malupit sa atin, magiging maligaya ang ating pakiramdam.