Aralin 35
Maaari Akong Maging Mabait sa mga Hayop
Layunin
Upang tulungan ang bawat bata na maunawaan ang kahalagahan ng pagiging mabait sa mga hayop.
Paghahanda
-
May panalanging pag-aralan ang Genesis 2:19–20; 6–8.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Biblia.
-
Larawan 1–28, Paglikha–Mga Nabubuhay na Nilikha (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 100; 62483); larawan 1–30, Si Noe at ang Arka na May mga Hayop (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 103; 62305).
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang mga Gawaing Nagpapayaman ng Kaalaman na nais mong gamitin.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Binigyan ni Adan ng pangalan ang bawat hayop
Paalalahanan ang mga bata na ang Ama sa Langit ang nagplano at si Jesus ang lumikha sa lahat ng hayop, isda, ibon at kulisap sa mundo. Ipakita ang Biblia at ipaliwanag na sinasabi sa atin ng mga banal na kasulatan na pinangalanan ni Adan ang lahat ng hayop (tingnan sa Genesis 2:19–20). Ipakita ang larawan 1–28, Paglikha–Mga Nabubuhay na Nilikha.
-
Ano ang pangalan ng mga hayop sa larawang ito? (Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagtuturo sa isang hayop sa larawan at pagsasabi ng pangalan nito.)
Nais ng Ama sa Langit at ni Jesus na maging mabait tayo sa mga hayop
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Pumili ng ilan sa mga gawaing ito upang gamitin sa aralin.
-
Gumawa ng kopya ng kuneho na nasa hulihan ng aralin para sa bawat bata, at hayaang kulayan ng mga bata ang kanilang mga kuneho. Magdikit ng isang binilot na bulak sa buntot ng bawat kuneho upang maging mabalahibo ito.
-
Awitin o bigkasin ang mga salita sa “Ako ay Mahal ng Aking Ama sa Langit” (Piliin ang Tama, B).
-
Gamit ang bingwit mula sa aralin 11 at ang mga ginupit na larawan ng mga hayop na kasama ng manwal, hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pamimingwit ng mga hayop. Kapag nakabingwit na ang bawat bata ng isang hayop, hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagpapakita ng kanilang mga hayop at pagsasabi ng nalalaman nila tungkol sa mga ito.
-
Gumawa ng sagisag na nagsasabing Ako ay magiging mabait sa mga hayop para maisuot ng mga bata pauwi.
-
Tulungan ang mga bata na gawin ang mga galaw sa sumusunod na laro sa daliri:
Ang Aking Maliit na Kuting
Ang aking maliit na kuting ay patakbong umakyat sa isang puno (“paakyatin” ang mga daliri ng kanang kamay sa kaliwang bisig)
At ito’y naupo at tumingin sa akin (ipahinga ang kanang kamay sa kaliwang balikat).
Ang sabi ko’y, “Halika, muning’” at pababa siyang tumakbo (pababain ang mga daliri sa bisig)
At ang pagkaing aking inilagay ay kanyang kinain (bahagyang itikom ang kaliwang kamay; magkunwaring ang kanang kamay ang kuting na kumakain ng pagkain).
-
Patayuin ang mga bata at ipagawa ang mga galaw na kasama ka habang binibigkas mo ang sumusunod na talata:
Noe
Si Noe ay nagtayo ng napakalaking arka (idipa ang mga kamay);
Alam na alam niya ang gagawin niya (ilagay ang daliri sa sentido).
Siya’y naglagari, nagsukat at nagpukpok (gawin ang mga galaw na isinasaad)
Tulad ng sa kanya’y iniutos (tumango).Tinawag ni Noe ang kanyang pamilya (kumaway) Upang magmartsa patungo sa arka (tahimik na magmartsa sa kinatatayuan)—
At ang mga hayop ay dala-dalawang (itaas ang dalawang daliri)
Sumakay na sa arka.
Ang madidilim na ulap ay natipon (ilagay ang mga kamay sa uluhan), Ang ulan ay nagimulang bumuhos (iwagwag ang mga daliri na ginagaya ang ulan)—
Ang buong sanlibutan ay natakpan (iunat pabukas ang mga kamay);
Lahat ng lupai’y natabunan (ibaling ang ulo sa magkabila).
Ang arka ay payapang lumutang (gumawa ng galaw na lumulutang sa pamamagitan ng mga kamay)
Pagkaraan ng maraming araw at gabi (ilagay ang magkadaop na kamay sa isang pisngi),
Hanggang sa ang araw ay sumikat muli (ibilog ang mga kamay sa may uluhan)
At maliwanag na sumikat nang buong init.
Ang lahat ng tubig ay nawala (pagkrusin ang mga bisig sa may dibdib);
Lumitaw ang tuyong lupa (buksan ang mga bisig at iunat ang mga kamay).
Ang pamilya ni Noe ay nagpasalamat (yumuko at itiklop ang mga kamay)
Sa Diyos na palagiang gabay.
(Halaw mula sa talata ni Beverly Spencer.)
Mga Karagdagang Gawain para sa mas Maliliit na Bata
-
Papagsalitain ang mga bata tungkol sa anumang alaga na mayroon sila o nais na magkaroon. Talakayin sa mga bata kung paano natin pakikitunguhan at pangangalagaan ang mga alaga.
-
Bigkasin ang mga salita sa “Ang Mundo ay Malaki at Bilog” (The World is So Big, Children’s Songbook, p.235). Gawin ang mga galaw na isinasaad sa ibaba:
Ang mundo’y malaki at bilog (gumawa ng malaking bilog sa pamamagitan ng mga bisig),
Naririto ang likha ng Diyos;
Bundok (ihugis bundok ang mga kamay sa uluhan)
Lambak (ilagay ang mga kamay sa harapan na nakataob ang mga palad)
Punong mataas (iunat ang mga kamay paitaas),
Malalaki’t (umabot paitaas)
Maliit na hayop (umabot sa pababa).
Ang mundo’y malaki at bilog (gumawa ng malaking bilog sa pamamagitan ng mga bisig),
Tayong lahat ay mahal ng Diyos (itikom ang mga kamay at yakapin ang sarili).
-
Isa-isang ipakita ang ilan sa mga ginupit na larawan ng mga hayop, katulad ng saan ito nakatira, ano ang huni nito at kung ano ang gusto nila dito.