Aralin 8
Nagpapasalamat Ako Para sa Araw at Gabi
Layunin
Upang tulungan ang bawat bata na maunawaan na sa pagsunod sa plano ng Ama sa Langit, nilikha ni Jesus ang araw upang tayo ay makagawa at makapaglaro at ang gabi upang tayo ay makapagpahinga.
Paghahanda
-
May panalanging pag-aralan ang Genesis 1:1, 3–5, 14–18; Helaman 14:1–13; at 3 Nephi 1:15–23.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Biblia at isang Aklat ni Mormon.
-
Ginupit na larawan 1–1, araw; ginupit na larawan 1–2, buwan; ginupit na larawan 1–3, mga bituin (ang mga katulad na ginupit na larawan ay matatagpuan din sa pangkat 3 ng Mga Ginupit na Larawang Pantulong sa Primarya).
-
Larawan 1–21, Si Samuel, ang Lamanita, sa Bakod (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 314; 62370).
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman na nais mong gamitin.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Tayo ay gumagawa at naglalaro kapag araw
Nagpapahinga tayo kapag gabi
-
Nakikita ba natin palagi ang araw?
Ipaliwanag na tuwing gabi ay lumulubog ang araw at ang kalangitan ay nagdidilim. Hindi natin nakikita ang araw kapag gabi.
-
Ano ang tawag natin sa panahon na madilim? (Gabi.)
-
Ano ang ipinalagay ng Ama sa Langit kay Jesus sa langit upang tanglawan ang gabi? (Ang buwan at mga bituin.)
Ipalagay sa mga bata ang mga ginupit na larawan ng buwan at mga bituin sa tabi ng ginupit na larawan ng araw.
Ginamit ng Ama sa Langit ang araw at ang gabi upang ipahayag ang pagsilang ni Jesus
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Pumili ng ilan sa mga gawaing ito upang magamit sa aralin.
-
Kumuha ng isang puting pirasong papel at kalahating pirasong itim o matingkad na asul na papel para sa bawat bata. Idikit ang kalahating pirasong may matingkad na kulay sa isang panig ng puting papel upang sumagisag sa araw at sa gabi. Gumupit ng maliliit na bilog ng mga papel upang sumagisag sa araw, sa buwan, at tulungan ang mga bata na idikit ang mga ito sa mga tamang lugar. Gumamit ng mga may pandikit o mga ginupit na bituin upang idagdag sa gabing tanawin. Isulat sa papel ng bawat bata ang Nagpapasalamat ako para sa araw at gabi.
-
Kasabay ang mga bata, awitin o bigkasin ang mga salita sa “The World is So Lovely” (Children’s Songbook, p. 233), o ang “Ang Mundo’y Malaki” (The World is So Big, Children’s Songbook, p. 235). Gawin ang mga galaw sa “Ang Mundo’y Malaki” tulad ng nakasaad sa ibaba:
Ang mundo’y malaki at bilog (gumawa ng malaking bilog sa pamamagitan ng mga bisig),
Naririto ang likha ng Dios;
Mga bit’wing kumukutitap (ituwid at iwisik ang mga daliri),
Araw na napakaliwanag (gumawa ng malaking bilog sa pamamagitan ng mga bisig).
Ang mundo’y malaki at bilog.
Tayong lahat ay mahal ng Dios (hawakan ang mga bisig at yakapin ang sarili).
-
Awitin ang “Fun To Do” (Children’s Songbook, p. 253). na ginagamit ang mga mungkahi ng mga bata para sa mga talata. Bago awitin ang bawat talata, tanungin ang mga bata kung ang mga galaw na kanilang ginawa ay ginagawa sa araw o sa gabi. Kumatha ng mga galaw alinsunod sa isinasaad ng mga salita.
-
Gumawa ng kuwento tungkol sa magkapatid na babae at lalaki na naglalaro sa labas pagkalipas ng maghapon. Gumamit ng mga pangalan at mga pangyayari sa mga bata sa iyong klase. Ilarawan ang ginawa ng mga bata sa pagtatapos ng kanilang maghapon. Isali ang mga detalye na tulad ng pagsikat ng araw, ng pagtawag ng kanilang nanay upang pumasok sila, at ang paggawa ng mga bata ng mga kailangang gawain sa bahay, paglilinis, paghahanda sa pagtulog, pakikinig sa kuwentong pampatulog at pag-usal ng panalangin sa gabi. Ilarawan kung paanong ang magkapatid na lalaki at babae, ang ibang tao, at mga ibon, kulisap at mga hayop ay tumatahimik at natutulog.
Tulungan ang mga bata na maunawaan na kapag gabi, dapat nating ipikit ang ating mga mata at matulog upang lumaking malusog at malakas ang ating mga katawan. Ito ay bahagi ng plano ng Ama sa Langit para sa atin.
Ilarawan ang kuwento sa pamamagitan ng mga ginupit na larawan o italaga ang mga bahagi sa mga bata at ipasadula sa kanila ang kuwento.
Mga Karagdagang Gawain para sa mas Maliliit na Bata
-
Ipakita ang mga ginupit na larawan ng araw, buwan at mga bituin. Itanong ang mga sumusunod:
-
Saan natin nakikita ang mga bagay na ito?
-
Nakikita ba natin ang araw kapag gabi?
-
Nakikita ba natin ang mga bituin kapag araw?
Ipaliwanag na ipinagawa ng Ama sa Langit kay Jesus ang araw upang magbigay liwanag sa atin at panatilihin tayong mainit sa araw at ang mga buwan at bituin upang magbigay liwanag sa atin sa gabi.
-
-
Tulungan ang mga bata na gawin ang mga galaw sa sumusunod na talata habang binibigkas mo ang mga salita:
Ang Nilikha ng Diyos
Ginawa ng Diyos ang buwan (gumawa ng bilog sa pamamagitan ng mga kamay)
At mga bituing kumukutitap (ibukas at isara ang mga kamay)
At inilagay sa kalangitan (umabot paitaas).
Ginawa niya ang araw (gumawa ng bilog sa pamamagitan ng paglalagay ng mga kamay sa uluhan)
At ang mga puno’t (matuwid na itaas ang mga bisig)
Mga bulaklak (itikom nang kaunti ang mga kamay)
At ibong maliliit na lumilipad (ikampay ang mga bisig).
(Mula sa Fascinating Finger Fun ni Eleanor Doan. © 1951. Ginamit nang may pahintulot.)
-
Awitin o bigkasin ang mga salita sa “ I Am Like a Star” (Children’s Songbook, p. 163) o “Jesus Wants Me for a Sunbeam” (Children’s Songbook, p. 60).