Aralin 4
Ako ay Maaaring Manalangin sa Ama sa Langit
Layunin
Upang tulungan ang bawat bata na matutuhan kung paano manalangin sa Ama sa Langit at malaman na siya ay makikinig.
Paghahanda
-
Pag-aralan nang may panalangin ang Daniel 6. Tingnan din sa Mga Alituntunin ng Ebanghelyo (31110), kabanata 8.)
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Biblia.
-
Larawan 1–9, Panalangin sa Umaga (62310); larawan 1–10, Panalangin ng Mag-anak (62275); larawan 1–14, Si Daniel sa Kulungan ng mga Leon (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 117; 62096); larawan 1–15, Pagbabasbas ng Pagkain.
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman na nais mong gamitin.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Maaari tayong manalangin sa Ama sa Langit
Ibigay ang iyong patotoo na kahit hindi natin siya nakikita, maaari tayong manalangin sa Ama sa Langit at pakikinggan niya ang mga panalangin.
Ipakita ang larawan 1–9, Panalangin sa Umaga.
-
Ano ang ginagawa ng batang babaeng ito?
-
Sino ang kinakausap niya?
-
Ano sa palagay ninyo ang sinasabi ng batang babaeng ito sa Ama sa Langit?
Gamitin ang larawan 1–9, Panalangin sa Umaga, larawan 1–10, Panalangin ng Mag-anak; at larawan 1–15, Pagbabasbas sa Pagkain, habang iyong tinatalakay sa mga bata ang mga pagkakataon na tayo ay nananalangin. Ipaliwanag na maaari tayong manalangin sa Ama sa Langit kailanman natin naisin; ang pinaka-karaniwang pagkakataon ay kapag nagigising at kapag matutulog na tayo, sa hapag kainan, kasama ng ating mga mag-anak, at kapag kailangan natin ang natatanging tulong. Hayaang hawakan ng mga bata ang mga naaangkop na larawan habang tinatalakay mo ang mga ito.
Tinuruan tayo ni Jesucristo na manalangin sa Ama sa Langit
Ipaliwanag na tinuruan tayo ni Jesus na gawin ang ilang tiyak na bagay kapag tayo ay nananalangin. Habang naghahanda tayong manalangin, iniisip natin ang tungkol sa Ama sa Langit.
-
Ano ang ginagawa natin sa ating mga kamay kapag tayo ay nananalangin?
-
Ano ang ginagawa natin sa ating mga ulo at sa ating mga mata kapag tayo ay nananalangin?
Nakikinig ang Ama sa Langit sa atin kapag tayo ay nananalangin
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Pumili ng ilan sa mga gawaing ito upang gamitin sa aralin.
-
Maghagis ng isang malambot na bagay, katulad ng isang bag ng mga bins, o bola, sa mga bata. Pagkatapos masalo ng bawat bata ang bagay, hilingan siya na buuin ang pangungusap “Kapag ako ay nananalangin, maaari kong pasalamatan ang Ama sa Langit para sa_____.” Maaaring sumagot ang bata na, “Aking mag-anak.” Pagkatapos na magkaroon ng pagkakataon ang bawat bata, ulitin ang gawain at hayaang banggitin ng mga bata ang pangalan ng mga bagay na maaari nilang hilingin sa Ama sa Langit kapag sila ay nananalangin. Maaari kang magpakita ng mga larawan upang matulungan silang mag-isip ng mga ideya.
-
Bigkasin ang mga salita sa “Isang Awit ng Pasasalamat” (A Song of Thanks, Children’s Songbook, p. 20), na ginagawa ang mga galaw na nasasaad sa ibaba:
Salamat sa daigdig (ihugis na pabilog ang mga kamay upang sumagisag sa daigdig);
Salamat sa pagkain (magkunwaring naglalagay ng pagkain sa bibig);
Sa ibong umaawit (pagdikitin ang mga daliri at hinlalaki upang gayahin ang tuka ng ibon);
Salamat, O Dios namin (ipakabukas ang mga kamay)!
(Mula sa First Year Music nina Hollis at Dann. © 1957 ng D.C. Heath and Company. Inilimbag muli nang may pahintulot.)
-
Bigkasin ang talata “Ako’y Nagpapasalamat Para sa Aking mga Mata,” na itinuturo ang mga bahagi ng katawan habang binabanggit ang mga ito:
Ako’y nagpapasalamat para sa aking mga mata,
Sa aking tainga, bibig at ilong;
Nagpapasalamat sa aking kamay at bisig,
Sa aking binti, paa at daliri.
(Hinango mula sa isang talata ni Lucy Picco.)
-
Ipasadula sa mga bata ang kuwento ni Daniel sa kulungan ng mga leon. Maaari kang magdala ng mga simpleng kasuotan. Kung ayaw mong isadula ang buong kuwento, hayaan ang mga bata na magkunwaring umuungol na mga leon at pagkatapos ay ipasara ang kanilang mga bibig na tila ba isinara ng anghel ang mga ito.
-
Awitin o bigkasin ang mga salita sa “Thanks to Our Father” (Children’s Songbook, p. 20) o “We Bow Our Heads” (Children’s Songbook, p. 25).
-
Paguhitin ang mga bata ng mga larawan ng mga bagay na maaari nilang pasalamatan sa Ama sa Langit kapag sila ay nananalangin. Isulat ang, Kapag Ako ay nananalangin, maaari kong pasalamatan ang Ama sa Langit para sa: sa bawat larawan.
Mga Karagdagang Gawain para sa mas Maliliit na Bata
-
Paalalahanan ang mga bata na kapag tayo ay nananalangin nakikipag-usap tayo sa Ama sa Langit na nagmamahal at nakikinig sa atin. Tulungan ang mga bata na bigkasin ang sumusunod na talata:
Mahal ko ang aking Ama sa Langit;
Pinasasalamatan siya sa panalangin.
Mahal ako ng aking Ama sa Langit;
Aking sinasabi’y Kanyang naririnig.
-
Tulungan ang mga bata na bigkasin ang isa o magkasunod na mga talata, na ipinakikita ang angkop na mga galaw:
Ating kamay ay itiklop, ating ulo ay iyuko,
Ipikit ang ating mga mata, tayo ngayon ay handa na.
Itiklop natin ating kamay at ating ulo’y iyuko,
At tayo’y makinig habang ang dasal ay sinasabi.
-
Bakasin ang kamay ng bawat bata sa isang pirasong papel. Pag-usapan ang dapat nating gawin sa ating mga kamay habang tayo ay nananalangin. Hayaang kulayan ng mga bata ang mga bakas ng kanilang kamay. Lagyan ng pangalan ng bata ang bawat larawan.