Mga Manwal sa Primary at Oras ng Pagbabahagi
Aralin 13: Ang Tipan ng Pagbibinyag


Aralin 13

Ang Tipan ng Pagbibinyag

Layunin

Tulungan ang mga bata na maunawaan na kapag binibinyagan sila ay nakikipagtipan sila sa Ama sa Langit.

Paghahanda

Paalala: Sapagkat maaaring mangailangan ng malaking pagsisikap na maiangkop ang araling ito sa mga apat-, at lima-, at anim-na-taong gulang, maaari mong naising huwag munang ituro ito hanggang ang mga bata ay halos handa na sa pagbibinyag.

  1. Pag-aralan nang may panalangin ang Mosias 18:8–10 at Alma 15–16.

  2. Ihanda ang mga sumusunod na sinulatang piraso ng papel:

    Sundin ang mga kautusan

    Patawarin ako

    Kaloob na Espiritu Santo

    Mamuhay nang kasama siya magpakailanman

  3. Gumawa ng dalawang karatulang papel sa pamamagitan ng pagtutupi ng papel nang pahaba, at sulatan ang mga iyon tulad ng nakapakita:

    Nangangako ako

    Nangangako ang Ama sa Langit

  4. Maghandang tulungan ang mga bata na awitin o bigkasin ang mga titik sa “Pagbibinyag” (Aklat ng mga Awit Pambata).

  5. Mga kailangang kagamitan:

    1. Isang Aklat ni Mormon.

    2. Isang papel na ikakabit sa damit ng bawat bata na may salitang “Matutupad ko ang aking mga pangako.”

    3. Mga ginupit na larawang hugis batang lalaki at batang babae (mga ginupit na larawan 3-1, at 3-2).

    4. Isang supot na papel na sapat ang laki upang magkasya ang mga sinulatang piraso ng papel.

    5. Tisa, pisara, at pambura.

    6. Kalasag at singsing na PAT.

    7. Larawan 3-13, Batang Lalaki na Binibinyagan (62018); larawan 3-10, Ang Unang Pangitain (62470; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 403); larawan 3-23, Batang Nagbabasa ng mga Banal na Kasulatan; larawan 3-24, Batang Nananalangin; larawan 3-25, Pumupunta sa Simbahan; larawan 3-26, Batang Nagbabayad ng Ikapu; larawan 3-27, Pagpapaangkas sa Traysikel (62317); larawan 3-28, Pagpili ng Tama.

  6. Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang gawaing nagpapayaman sa kaalaman na gagamitin mo.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.

Kumustahin sa mga bata kung nagawa nila ang anumang bagay na hinimok mong gawin nila sa loob ng linggong ito.

Mga Pangako at mga Tipan

Gawaing pantawag pansin

Anyayahan ang isang bata na tulungan ka. Sabihin sa kanya na kung gagawin niya ang ipinagagawa mo, bibigyan mo siya ng isang espesyal na bagay. Pagawin siya ng isang simpleng gawain, tulad ng umikot ng dalawang ulit at kamayan ka. Hilingan siya na mangakong gagawin niya ang pinakamahusay na magagawa niya. Pagkatapos ay ipagawa ito sa kanya. Matapos niyang gawin ito, sabihin sa kanya na tutuparin mo ang iyong pangako. laspile o iteyp sa kanyang damit ang isang papel na nasusulatan ng mga salitang, “Matutupad ko ang aking mga pangako.” Sabihin sa mga bata na ikaw at ang batang tumulong sa iyo ay kapwa tumupad sa mga pangako. Pagkatapos ay bigyan ng pagkakataon ang iba pang mga bata na makamit ang papel na iyon na may sulat sa pamamagitan ng paggawa ng gayon ring bagay.

Gawaing pantawag pansin

  • Ano ang ipinangakong gawin ng bawat isa sa atin?

  • Ano ang nangyari nang tuparin mo ang iyong pangako?

Kuwento

llahad sa iyong sariling mga salita ang sumusunod na kuwento:

Isang umaga, palabas na si Stephen upang maglaro nang iabot sa kanya ng kanyang ina ang isang supot ng mansanas.

“Ang supot na ito ng mansanas ay para kay Kapatid na Jones sa may kabilang kanto. Maaari bang ihatid mo ito para sa akin?” ang tanong niya.

“Opo,” sagot ni Stephen habang kinukuha niya ang supot.

“Tiyakin mo na maihahatid ang mga mansanas bago ka maglaro, at pag-ingatan mo na huwag mahulog ang isa man sa lupa,” paalala ng kanyang ina. “Agad mong ibigay ang mga ito kay Kapatid na Jones.”

“Opo. Ipinangangako ko po!” ang sabi ni Stephen.

Nang lumabas ng bahay nila si Stephen na dala ang supot ng mansanas, dalawa sa kanyang mga kaibigan ang naghihintay sa kanya. Nagsisimula na silang maglaro at gusto nilang sumali siya.

“Kailangan ko munang ihatid ang mga mansanas na ito,” sagot ni Stephen.

Isa sa mga batang lalaki ay nagsabing, “Naku, maaari mo namang gawin iyan mamaya. Isang oras lang tayong maaaring maglaro, kaya kailangang magsimula na tayo.”

“Hindi, ihahatid ko muna ito. Nangako ako sa nanay ko.”

Habang naglalakad siya, nagsimulang iduyan ni Stephen ang supot ng mansanas. Pagkatapos ay naalala niya ang kanyang pangako. Kung iduduyan niya nang malakas sa hangin ang supot maaaring mahulog ang isang mansanas at malamog ito. Hinawakan niyang mabuti ang supot habang nilalakad niya ang kahabaan ng daan patungo sa bahay ni Kapatid na Jones.

Nangiti si Stephen nang iniabot niya ang supot kay Kapatid na Jones.

Talakayan ng kuwento

Talakayan ng kuwento

  • Ano ang ipinangako ni Stephen sa kanyang ina?

  • Ano sa palagay ninyo ang nadama ni Stephen sa pagtupad niya sa kanyang pangako:

Talakayan sa pisara

Isulat ang pangako sa pisara, at tanungin ang mga bata kung ano sa palagay nila ang kahulugan nito. Ituro na kapag sumasang-ayon ka na gawin ang isang bagay o sinasabi na gagawin mo ito, gumagawa ka ng isang pangako.

Talakayan ng kalagayan

Sabihin sa mga bata na may isa pang uri ng pangako, isang dalawahang pangako. Hilingin sa kanilang makinig na mabuti sa sumusunod na kalagayan upang matukoy nila kung ano ang ipinangako nina Jean at ng kanyang ama sa isa’t isa:

Tuwang-tuwang ibinalita ni Jean sa kanyang ama na may sirko sa bayan at itinanong kung maaari silang pumunta. Ipinaalala ng ama kay Jean na ikinalat kahapon ng hangin ang mga basura sa bakuran at kailangan itong linisin. Sumimangot si Jean. Sinabihan siya ng kanyang ama na kung lilinisin niya ang bakuran sa umaga, dadalhin siya nito sa sirko sa hapong iyon. Sinabi ni Jean na lilinisin niya ang bakuran. Sina Jean at ang kanyang ama ay kapwa gumawa ng pangako sa isa’t isa.

Talakayan ng kalagayan

  • Ano ang naging bahagi ni Jean sa pangako?

  • Ano ang naging bahagi ng kanyang ama sa pangako?

  • Kung hindi tutuparin ni Jean ang bahagi niya sa pangako, kailangan pa bang tuparin ng kanyang ama ang bahagi niya sa pangako? (Hindi.)

Talakayan sa pisara

Isulat ang tipan sa pisara. Ipabigkas ito sa mga bata na kasama ka.

Talakayan sa pisara

  • Ano ang tipan?

Ipaliwanag na ang tipan ay isang dalawahang pangako. Kapag gumagawa ka ng tipan sa isang tao, sumasang-ayon kang gawin ang ilang bagay at ang taong iyon ay sumasang-ayon na gawin ang ilang bagay.

Gumagawa Tayo ng Tipan sa Pagbibinyag

Talakayan sa banal na kasulatan

Sabihin sa mga bata na kapag sila ay walong taong gulang na, makagagawa sila ng isang napakahalagang tipan. Sabihan silang makinig sa sumusunod na banal na kasulatan upang matukoy nila kung kanino ginawa ang tipan at kung paano ito ginawa. Basahin at ipaliwanag ang Alma 7:15, magsisimula sa “halina at humayo.”

Talakayan sa banal na kasulatan

  • Sang-ayon sa banal na kasulatang ito, kanino kayo gumagawa ng tipan? (Sa Ama sa Langit.)

  • Ano ang kailangan ninyong gawin upang ipakita na gumagawa kayo ng tipan sa Ama sa Langit? (Magpabinyag.)

Larawan at talakayan

Ipakita ang larawan 3-13, Batang Lalaki na Binibinyagan. Ipaliwanag na ang tipan na pinag-uusapan natin ay tinatawag na tipan ng pagbibinyag. Kapag tayo at binibinyagan, ipinakikita natin sa Ama sa Langit na nakikipagtipan tayo sa kanya. Nangangako tayo na gagawin ang isang bagay, at ang Ama sa Langit ay nangangako na gagawin ang isang bagay.

Awit

Kasama ng mga bata, awitin o bigkasin ang mga salita sa “Pagbibinyag”:

Si Jesus kay Juan nagpunta,

Sa Judea no’ng una.

At bininyagan sa tubig,

Do’n sa ilog ng Jordan.

Mga sinulatang piraso ng papel at talakayan

Ipaliwanag ang sumusunod na impormasyon at magtanong. Hayaang magpaliwanag ang mga bata hanggang sa makakaya nila. Tulungan sila kung kailangan. Sa oras ng talakayan, ipakita ang naaangkop na mga sinulatang piraso ng papel. Pagkatapos ay itupi ang mga ito at ilagay sa supot na papel.

Kapag tayo ay binibinyagan, nangangako tayo sa Ama sa Langit na susundin natin ang kanyang mga kautusan. (Ipakita ang sinulatang piraso ng papel.)

Mga sinulatang piraso ng papel at talakayan

  • Ano ang ilan sa mga kautusan ng Ama sa Langit?

  • Ano ang ating ipinangangako sa Ama sa Langit kapag tayo ay binibinyagan? (Susundin ang mga kautusan.)

Ito ang ating bahagi sa tipan. Kung tutupad tayo sa ating pangako, nangangako ang Ama sa Langit na tayo ay patatawarin kapag tayo ay magsisisi (ipakita ang sinulatang piraso ng papel) at ibibigay sa atin ang kaloob na Espiritu Santo (ipakita ang sinulatang piraso ng papel). Nangangako siya na mamumuhay tayong kasama niya magpakailanman (ipakita ang sinulatang piraso ng papel).

Mga sinulatang piraso ng papel at talakayan

  • Ano ang bahagi ng Ama sa Langit sa tipan? (Patatawarin niya tayo kapag tayo ay nagsisisi. Ibibigay niya sa atin ang kaloob na Espiritu Santo. Pahihintulutan niya tayong mabuhay na kasama siya magpakailanman.)

Gawain

Ipakita ang larawan 3-10, Ang Unang Pangitain, at ang dalawang ginupit na larawang hugis tao. Ipaturo sa mga bata sa larawan ang Ama sa Langit. Basahin ang dalawang karatula at ipalagay sa isang bata ang “Nangangako ako” sa tabi ng mga ginupit na larawan; pagkatapos ay ipalagay sa isang bata ang “Nangangako ang Ama sa Langit” sa tabi ng larawan ng Unang Pangitain. Pakuhanin ang bawat bata ng isang sinulatang piraso ng papel sa supot, ipabasa ito (o ikaw mismo ang magbasa nito), at ilagay ito sa harap ng tamang karatula. Ulitin ang gawain hanggang ang lahat ay magkaroon ng kahit man lamang isang pagkakataon. Suriin ang dalawang talaan. Ipaliwanag na kasama sa mga kautusan na ipinangangako nating susundin ang mga aral ni Jesucristo na natutuhan natin sa Primarya at sa tahanan.

Buod

Mga larawan

Ipakita ang anim na larawang naglalarawan ng mga kautusan (mga larawang 3-23 hanggang 3-28), ang kalasag na PAT, at singsing na PAT. Ipatukoy sa bawat bata ang kautusan na ipinakikita ng mga larawan at ng kalasag. (Ipinakikita ng mga larawan ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan, pananalangin, pagpunta sa simbahan, pagbabayad ng ikapu, pagmamahal sa iba, at pagpili ng tama. Tulungan ang mga bata na maunawaan na hindi lamang ang mga ito ang mga kautusan na ipinangangako nating susundin. Maaari mong naising magpamungkahi sa kanila ng iba pa.)

Himukin ang mga batang tingnan ang kanilang mga singsing na PAT at isipin ang pagtupad sa kanilang pangako sa Ama sa Langit tuwing titingnan nila ang kanilang mga singsing. Dapat nilang tandaan na kabilang sa pagpapabinyag ang pangangakong susundin ang kanyang mga kautusan.

Patotoo ng guro

Bigyang-diin ang kahalagahan ng pagtupad sa mga pangako, ialung-lalo na ang mga pangako na ginagawa natin sa Ama sa Langit. Magpatotoo na mahal ng Ama sa Langit ang lahat ng mga bata at nais na tuparin ang kanyang bahagi sa tipan sa pagbibinyag. Himukin ang mga bata na maghandang gumawa at tumupad sa tipan sa pagbibinyag sa pamamagitan ng pagtupad sa mga pangakong ginagawa nila.

Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pangwakas na panalangin.

Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman

Piliin mula sa mga sumusunod na gawain ang mga magiging pinakamainam para sa mga bata. Magagamit mo ang mga ito sa araiin mismo o bilang pagbabalik-aral o buod. Para sa karagdagang patnubay, tingnan ang “Oras ng Klase” sa “Mga Tulong para sa Guro.”

  1. Ipapanood sa mga bata ang “Baptism—A Promise to Follow Jesus” (9 na minuto) sa Primary Video Collection (53179), at talakayin ang mga sumusunod na tanong:

    • Ano ang ipinangako ni Luis sa kanyang mga magulang?

    • Ano ang ipinangako ni Luis sa Ama sa Langit noong siya ay binyagan?

  2. Maghanda ng isang kopya ng “Ang Aking Tipan sa Pagbibinyag,” na makikita sa hulihan ng aralin, para sa bawat bata. Basahin ito sa mga bata. Tulungan o ipasulat sa bawat bata ang kanyang pangalan sa guhit na nakalaan. Himukin silang itago ang bigay-sipi sa isang espesyal na lugar upang makita nila ito at maisip ito nang madalas.

baptismal covenant
baptismal covenant

Ako, , ay nangangakong susundin ang mga kautusan ng Ama sa Langit. Kung tutuparin ko ang bahagi ko sa tipang ito, nangangako ang Ama sa Langit na—

1. Patatawarin ako kapag ako ay nagsisisi.

2. Bibigyan ako ng kaioob na Espiritu Santo.

3. Pahihintulutan akong mamuhay na kasama niya magpakailanman.