Aralin 5
Ang Unang Pangitain
Layunin
Tulungan ang mga bata na malaman na nakita ni Joseph Smith ang Ama sa Langit at si Jesucristo.
Paghahanda
-
Pag-aralan nang may panalangin ang Santiago 1:5 at ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:7–20.
-
Kung may makukuha, maghanda na ipalabas ang Ang Unang Pangitain (15 minuto), sa videocassette na Moments from Church History (53145).
-
Maghandang awitin o bigkasin ang mga titik sa “Ang Unang Panalangin ni Joseph Smith” (Mga Himno); ang mga titik ay kasama sa likod ng manwal na ito.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Biblia at Mahalagang Perlas.
-
Mga krayola at papel.
-
Larawan 3-8, Si Joseph Smith ay Naghahanap ng Karunungan sa Biblia (Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 402); at larawan 3-10, Ang Unang Pangitain (62470; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 403).
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang gawaing nagpapayaman sa kaalaman na gagamitin mo.
Mungkahing Pagbubuo ng Aralin
Nakita ni Joseph Smith ang Ama sa Langit at si Jesucristo
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Kumustahin sa mga bata kung nagawa nila ang anumang bagay na hinimok mong gawin nila sa loob ng linggong ito.
Maraming Bagay ang Natutuhan ni Joseph Smith mula sa Kanyang Pangitain
Tanungin ang mga bata kung ano ang nalaman ni Joseph Smith mula sa kanyang pangitain. Ituro ang sumusunod na mga punto:
-
Nakita ni Joseph ang Ama sa Langit at si Jesus. Nalaman niya na sila ay may mga katawan na binubuo ng laman at buto.
-
Nalaman niya na ang totoong simbahan ni Jesus ay wala na sa lupa.
-
Nalaman niyang hindi siya dapat sumapi sa alinman sa mga simbahan. Bigyang-diin na wala kahit isa man sa mga simbahan ang totoo. (Maaari mong sabihin sa mga bata na ipapaliwanag sa susunod na aralin kung paano tumulong si Joseph Smith na maibalik ang tunay na simbahan ni Jesus sa lupa.)
-
Nalaman niya na ang ating Ama sa Langit at si Jesus ay nagmamahal sa atin at sinasagot ang ating mga panalangin.
Buod
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Piliin mula sa mga sumusunod na gawain ang mga magiging pinakamabisa para sa mga bata sa iyong klase. Magagamit mo ang mga ito sa aralin mismo o bilang pagbabalik-aral o buod. Para sa karagdagang patnubay, tingnan ang “Oras ng Klase” sa “Mga Tulong Para sa Guro.”
-
Ipapikit sa mga bata ang kanilang mga mata habang binabasa mo ang mga titik sa awit na “Ang Sagradong Kakahuyan” (The Sacred Grove, Children’s Songbook, p. 87). Hilingin sa kanilang isiping mabuti ang karanasan ni Joseph Smith upang makaguhit sila ng larawan nito.
Ang Sagradong Kakahuyan
Maliwanag at luntian,
Habang si Joseph nagdasal,
Habang si Joseph nagdasal
Sa sagradong lugar.
Ang Dios Ama at ang Anak
Ay nagpakita’t nagwika.
Pangamba’y napawi nila,
Pangamba’y napawi nila
At puso’y nagalak.
Paguhitin ang bawat bata ng isang larawan ni Joseph Smith sa Ang Sagradong Kakahuyan, at pamagatan itong “Si Joseph Smith sa Sagradong Kakahuyan.”
-
Basahing muli nang malakas ang Santiago 1:5 sa mga bata at ipaliwanag kung paano tayo tinuturuan nito na makahanap ng mga sagot sa ating mga problema. Bigyan ang mga bata ng mga sitwasyon na kung saan maaari silang “magkulang sa karunungan” at kailangang “humiling sa Diyos.” Tulungan silang mag-isip ng mga paraan kung saan ay matutulungan sila ng Ama sa Langit sa mga problema kung sila ay hihiling sa kanya. Maaari kang gumamit ng mga sitwasyon na katulad ng mga sumusunod:
-
Nalulungkot ka dahil ikaw at ang matalik mong kaibigan ay palaging nag-aaway nitong bandang huli. Hindi mo alam kung paano mapabubuti ang mga bagay.
-
Nalulungkot ka at natatakot sa iyong pagtulog sa gabi.
-
May sakit ang nanay mo at tila malungkot siya. Nais mo siyang tulungang maging masaya muli.
Tiyakin na bigyang-diin na karaniwang sinasagot ng Ama sa Langit at ni Jesus ang mga panalangin sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng payapang pakiramdam, na matututuhan pa ng mga bata sa ibang aralin. Hindi dapat asahan ng mga bata na magpapakita sa kanila ang Ama sa Langit at si Jesus upang sagutin ang kanilang mga panalangin.
-