Mga Manwal sa Primary at Oras ng Pagbabahagi
Aralin 31: Nais ni Jesucristo na Mahalin Natin ang Bawat Isa


Aralin 31

Nais ni Jesucristo na Mahalin Natin ang Bawat Isa

Layunin

Tulungan ang mga bata na maunawaan na makapagpapakita sila ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagtulong sa iba at maunawaan ang kanilang walang-hanggang halaga sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Paghahanda

  1. Pag-aralan nang may panalangin ang Juan 13:34 at 3 Nefias 17:18–25.

  2. Maghandang tulungan ang mga bata na awitin ang “Magmahalan” (Mga Alituntunin ng Ebanghelyo; ang mga titik ay kasama sa likod ng manwal na ito) at “Kapag ang Kuwento’y Aking Nababasa: (Mga Himno at Awit Pambata).

  3. Mga kailangang kagamitan:

    1. Isang Biblia at Aklat ni Mormon.

    2. Pisara, tisa, at pambura.

    3. Larawan 3–57, Binabasbasan ni Jesus ang mga Batang Nefita.

  4. Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang gawaing nagpapayaman sa kaalaman na gagamitin mo.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.

Nais ni Jesucristo na Mahalin Natin ang Bawat Isa

Gawaing pantawag pansin

Anyayahan ang mga bata na ikuwento kung ano ang ginawa nila kamakailan lamang na nagpakita ng kabutihan sa isang tao (tingnan ang aralin 30, gawaing nagpapayaman sa kaalaman 5).

Gawaing pantawag pansin

  • Ano ang nararamdaman ninyo kapag kayo ay mabait sa iba?

  • Ano ang iniutos ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na maging pakikitungo natin sa iba?

Talakayan sa banal na kasulatan

Itaas ang Biblia at Aklat ni Mormon. Ipaliwanag na tinuturuan tayo ng mga banal na kasulatan kung paano natin dapat pakitunguhan ang ibang tao.

Basahin nang malakas ang Juan 13:34.

Talakayan sa banal na kasulatan

  • Ano ang sinasabi ng banal na kasulatang ito na gawin natin? (Mahalin ang isa’t isa.)

Bigyang-diin na napakahalagang matutuhan natin na mahalin ang bawat isa kaya ang kautusang ito ay inuulit ng maraming beses sa mga banal na kasulatan. Nais ng Ama sa Langit na mahalin natin ang bawat isa sa kanyang mga anak, tulad ng nais niyang mahalin natin ang bawat miyembro ng ating sariling pamilya.

Awit

Awitin o bigkasin ang mga salita sa “Magmahalan.” Bigyang-diin na nais ni Jesucristo na mahalin natin ang iba.

Talakayan sa pisara

Isulat ang salitang pagmamahal sa pisara.

Talakayan sa pisara

  • Sa anong mga paraan ipinakita ni Jesucristo ang pagmamahal sa iba? (Maaari mong naising isulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata.)

  • Sa pamamagitan ng pagsunod sa halimbawa ni Jesus at paggawa ng bagay na itinuro niya sa atin, paano natin maipakikita ang pagmamahal sa iba? (Maaari mo ring naising isulat ang mga sagot na ito sa pisara kasunod ng listahan ng mga sagot sa naunang tanong.)

Tinutulungan Tayo ng mga Banal na Kasulatan na Malaman Kung Gaano Tayo Kahalaga kay Jesucristo

Larawan, banal na kasulatan, at talakayan

Ipaliwanag na ang mga Nefita ay tuwang-tuwa at itinuring na isang karangalan na makasama si Jesucristo nang siya ay dumalaw sa kanila sa Amerika. Gustung-gusto nilang lumapit sa Kanya at makinig sa kanyang mga turo.

Ipakita ang larawan 3-57, Binabasbasan ni Jesus ang mga Batang Nefita.

Ipaliwanag na ang 3 Nefias ay nagsasabi tungkol sa pagdalaw ng Tagapagligtas sa mga Nefita. Basahin ang 3 Nefias 17:21, nagsisimula sa “at kinuha.”

Ituro ang larawan at itanong—

Larawan, banal na kasulatan, at talakayan

  • Ano sa palagay ninyo ang nadama ng maliit na batang babae sa larawang ito?

Hilingan ang mga batang ipagpalagay na sila ay nasa grupo ng mga bata na kasama si Jesucristo.

Larawan, banal na kasulatan, at talakayan

  • Ano ang mararamdaman ninyo kung inilagay ni Jesucristo ang kanyang mga kamay sa inyong ulo?

Awit

Ipaawit o ipabigkas sa mga bata ang dalawang talata ng “Kapag ang Kuwento’y Aking Nababasa.”

Kapag ang k’wento’y aking nababasa,

Nang si Cristo’y narito pa,

Nang ang mga bata ay tinawag N’ya;

Ako sana’y kasama nila.

Ako sana ay Kanyang nabasbasan,

At yakap N’ya’y naramdaman,

Mukha sana’y namasdan nang sabihing,

“Mga bata ay palapitin.”

Matutulungan Natin ang Iba na Madama ang Kanilang Halaga sa Ama sa Langit at Kay Jesucristo

Kuwento

Hilingan ang mga bata na makinig sa sumusunod na kuwento upang malaman kung paano tinulungan ni Lenny si Mark na madamang siya ay minamahal:

“Matatapos na ni Lenny ang kanyang pananghalian … nang nagmamadaling dumating sina Rich at Jerry mula sa pinto sa likod.

“‘Halika na!’ pakiusap ni Rich…

“ ‘Pero,’ ang nagtatakang sabi ni Lenny, na nakikita ang gamit na pang-baseball na dala-dala ng kanyang mga kaibigan, Akala ko maghapon tayo kina Mark.’

“ ‘Noon iyon bago namin napagkasunduan ang larong ito. Napakaganda ng araw na ito para lang manatili sa loob ng bahay nang matagal!’

“Nag-alangan si Lenny habang inilalagay niya ang plato at baso sa lababo.

“Ang kanilang kaibigan, si Mark Wilson, ay kauuwi lang mula sa ospital. Ilang buwan na ang nakararaan nang siya ay magkaroon ng napakalubhang sakit. Natitiyak ng mga doktor na muling makatatakbo at makapaglalaro si Mark pero medyo matatagalan. Bago siya nagkasakit, si Mark ay [nakapaglaro] sa kanilang … grupo.”

Ipaliwanag na si Lenny ay kailangang magpasiya. Pagkatapos ay ipagpatuloy ang kuwento:

“ ‘Sumama ka na Lenny! Halika na!’ pamimilit ni Rich. Pero umiling lang si Lenny.

“ ‘Nangako ako sa nanay ni Mark na pupunta ako,’ ang sabi niya sa kanila. ‘Kung gusto ninyo eh kayo na lang ang maglaro.’

“ ‘Pero Lenny’ angal nila, ‘ikaw ang pinakamagaling na [manlalaro] sa atin.’

“ ‘Pasensiya na kayo,’ ang matatag na sabi ni Lenny

“Napabuntung-hininga si Rich sa inis.

“ ‘Hindi ko akalain na hindi mo pagbibigyan ang grupo …’

“Nang [makaalis] na ng bahay ang mga batang lalaki, nagpaalam si Lenny sa kanyang ina na nagpapatulog ng sanggol sa itaas ng bahay.

“Ilang sandali pa ay mabagal nang naglalakad si Lenny sa kalsada papunta sa bahay ni Mark… . Gustung-gusto talagang maglaro ni Lenny … , at nalulungkot siya sa hindi pagbibigay sa grupo, pero naaawa siya kay Mark. Labis na ikinalungkot ni Mark ang matagal niyang pagkakaospital.

“ ‘Nasaan sina Rich at Jerry?’ ang tanong ng nanay ni Mark nang anyayahan siyang pumasok sa loob.

“ ‘Hindi po sila makararating,’ ang [sabi] ni Lenny.

“Napabuntung-hininga ang nanay ni Mark at nakikita ni Lenny ang pagod sa malamlam niyang mga mata. Nahirapan din ang mga magulang ni Mark sa kanyang pagkakasakit. Pagkatapos siya ay nangiti habang sinasabi niyang, “Pero natutuwa ako na narito ka Lenny. Naghihintay si Mark.’

Napansin ni Lenny na maputla at malungkot si Mark. Siya ay may patigas (brace) sa isa niyang binti, pero dahil sa kanyang pagsusumikap ay nagawa niyang lumakad upang salubungin si Lenny.

“Iniwan ni Gng. Wilson ang mga batang lalaki at sila ay naupo sa sala upang mag-usap. Pagkatapos ng ilang minuto, si Mark ay tumahimik at napansin ni Lenny na siya ay nakatingin sa labas ng bintana at tinitingnan ang hapon ng tagsibol.

“ ‘Makapaglalaro daw akong muli balang-araw ang sabi ni tatay,’ may pag-asa niyang sinabi. ‘Umaasa ako na malapit na.’

“Walang anu-ano ay may naisip si Lenny.

“ ‘Babalik ako,’ tuwang-tuwa niyang tiniyak kay Mark, nagmamadaling pumunta sa kusina upang hanapin ang nanay ni Mark.

“ ‘Ang susunod na pinakamagandang bagay sa paglalaro ay ang makapanood nito,’ paliwanag ni Lenny matapos niyang sabihin sa kanya [nanay ni Mark] ang piano niya.

“ ‘Wala akong makitang dahilan kung bakit hindi ito magtatagumpay, Lenny,’ ang sabi niya, ‘Sa palagay ko ay makabubuti ito kay Mark.’

“Nadarama ni Lenny na siya [nanay ni Mark] ay tuwang-tuwa rin. Alam niyang ang apat na kanto papuntang … bukid ay magiging napakalayo para lakarin ni Mark kaya siya ay pumunta sa garahe at kinuha ang … bagon ni Mark.

“Ilang minuto ang nagdaan ay itinutulak na ni Lenny si Mark sakay ng kanyang bagon papunta sa bukid. Ilang mga batang lalaki ang nagtatakang nakatitig nang sila ay dumating, pero hindi nagtagal ay nagsimulang lumapit upang kumustahin si Mark.

“ ‘Ikaw, [maglalaro]?’ isa sa kanila ang nagtanong kay Lenny.

“‘Siyempre…!’pahayag ni Mark.

“Nahihiyang sumiksik palapit si Rich at sumunod si Jerry sa likod niya.

“ ‘Hindi ako maglalaro ngayon, Lenny’ alok ni Jerry, kasama akong manonood ni Mark.’

“Magmula noon si Mark ay hindi na nag-isa at alam ni Lenny na nagsisi sina Jerry at Rich sa kanilang ikinilos.

“Isa itong napakasayang laro at pagkatapos nito, sina Jerry at Rich ay nagpalitang [magtulak] sa bagon na sinasakyan ni Mark pauwing bahay habang si Lenny ay naglalakad na kasabay nito” (Eva Gregory de Pimienta, “Bad-Weather Riends,” Friend, Abr. 1975, p. 8–10).

Kuwento

  • Paano tinulungan ni Lenny si Mark na madamang siya ay minamahal at kailangan?

  • Paano pinakitunguhan ng ibang batang lalaki si Mark nang siya ay dumating sa palaro?

Kuwento

Hilingan ang mga bata na makinig sa sumusunod na kuwento:

Si Eileen at ang kanyang pamilya ay kalilipat sa purok mula sa ibang bansa. Nang dumating si Eileen sa Primarya, pinagtawanan ng mga bata sa kanyang klase ang paraan ng kanyang pananamit at pagsasalita. Wala siyang katabi sa kanyang upuan at nadamang siya ay inaayawan.

Ang aralin ni Kapatid [lalaki] na Harman ay tungkol sa kung gaano kabait si Jesucristo sa lahat at kung paano niya naipadama sa lahat na sila ay minamahal at mahalaga. Si Karen, isa sa mga kaklase ni Eileen, ay nalungkot sa naging pakikitungo niya at ng iba kay Eileen.

Kuwento

  • Ano ang magagawa ni Karen upang maipadama kay Eileen na siya ay minamahal?

Nagpasiya si Karen na alamin ang tungkol sa mga interes at talino ni Eileen. Nakipag-usap sa kanya at nalamang napakagaling ni Eileen sa matematika. Dahil nagkakaproblema si Karen sa matematika, hiniling niya kay Eileen kung puwede silang mag-aral na magkasama. Tutulungan niya si Eileen sa kanyang mga aralin sa wika at tutulungan naman siya ni Eileen sa pag-aaral ng matematika. Sa kanilang pag-aaral na magkasama, nalaman nila na marami silang bagay na parehong gustong gawin; sila ay naging mabuting magkaibigan.

Talakayan

Talakayan

  • Paano natulungan ni Karen si Eileen na madamang siya ay kailangan?

Bigyang-diin na kadalasan ay hindi napakahirap na tulungan ang iba na makadama ng maganda tungkol sa kanilang mga sarili. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagiging interesado sa kanila at pagpapakita na mahalaga sila sa iba.

Mga kalagayan

Ipaliwanag ang mga sumusunod na kalagayan, at ipatalakay ang mga ito sa mga bata. Maaari mong ipasadula sa mga bata ang bawat kalagayan at pagkatapos ay ipabahagi sa klase kung ano ang kanilang nadama.

Mga kalagayan

  1. Ikaw ay gumagawa ng bahay ng ibon sa inyong bakuran kasama ng iyong mga kaibigan. Ang maliit mong kapatid na lalaki ay dumating at nagtanong kung puwede siyang tumulong.

    • Ano ang magagawa mo upang maging maganda ang pakiramdam ng iyong kapatid na lalaki sa kanyang sarili? (Patulungin siya sa iyo sa pamamagitan ng pag-aabot ng pako at pagpigil ng mga tabla.)

    • Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang maliit na batang lalaking iyon at ang malaki mong kapatid na lalaki ay nagpatulong sa iyong gumawa ng bahay ng ibon?

  2. Ang klase mo sa Primarya ay nagpaplano ng isang proyektong paglilingkod. Ang lahat ay nagbibigay ng kanyang ideya maliban kay Heather. Siya ay mahiyain at hindi gaanong nagsasalita. Walang anu-ano ay nagsimulang magsalita si Heather, pero may gumambala sa kanya at hindi na natapos ang kanyang sasabihin.

    • Ano ang magagawa mo upang ipakita na ikaw ay nag-aalala kay Heather at gusto mong ipadama sa kanya na siya ay mahalaga?

    • Ano ang mararamdaman mo kung ikaw si Heather at may nagpakita sa iyo na sila ay nagpapahalaga sa sinabi mo?

  3. Naglalaro ka sa labas ng paaralan, at nakita mo ang ilang bata na sinasabihan ang isa pang bata na huwag makikipaglaro sa kanila. Sila ay salbahe sa batang iyon.

    • Ano ang gagawin mo upang ipakita sa batang iyon na siya ay mahalaga?

    • Ano ang mararamdaman mo nang may nagyayang makipaglaro sa iyo matapos kang hindi isali sa laro ng ibang mga bata?

  4. May bago kayong kaklaseng batang babae sa Primarya, at ang ilan sa mga batang babae ay tinutukso siya dahil ang kanyang pananamit ay naiiba sa ibang mga kasapi ng klase.

    • Ano ang gagawin mo upang maipadama sa bago ninyong kaklaseng batang babae na siya ay kailangan at tinatanggap?

    • Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ay bago pa lamang sa simbahan at may kumausap sa iyo at ipinadama sa iyong ikaw ay tinatanggap?

Sabihin sa mga bata na tayong lahat ay maraming pagkakataon sa bawat araw upang ipakita sa iba kung gaano sila kahalaga sa atin.

Buod

Pansariling karanasan at patotoo

Maaari mong hangaring banggitin ang isang pagkakataon nang may nakinig o nagbigay pansin sa iyo at pinaganda ang iyong pakiramdam. Halimbawa, maaari mong ikuwento ang isang pagkakataon nang ang isang bata sa iyong klase ay kumaway at ngumiti sa iyo sa tindahan o sa kalsada at paano nito pinaganda ang pakiramdam mo.

Ibigay ang iyong patotoo na mahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang bawat isa sa atin. Tayo ay mahalaga sa kanila. Ang lahat ay ginagawa nila para tulungan tayo. Gusto nilang makabalik tayo sa kanila at mamuhay na kasama nila magpakailanman. Matutulungan natin sila sa pamamagitan ng pagmamahal sa iba at sa pagtulong sa mga nakapaligid sa atin na madama kung gaano sila kahalaga sa atin at sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga karanasan nang may nakapagpadamang sila ay mahalaga o nang maipadama nila sa isang tao na siya ay minamahal at mahalaga.

Saligan ng pananampalataya

Sabihin sa mga bata na bilang mga kasapi ng Simbahan, naniniwala tayo sa paggawa ng mabuti sa lahat ng tao. Ipaliwanag na ito ay bahagi ng ikalabintatlong saligan ng pananampalataya.

Pasunurin ang mga bata sa pagbigkas ng sumusunod na parirala: “Naniniwala kami sa … paggawa ng mabuti sa lahat ng tao.”

Anyayahan ang mga bata na sa loob ng buong linggo ay sikapin na matulungan ang isang tao na madamang siya ay minamahal at mahalaga.

Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pangwakas na panalangin.

Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman

Piliin mula sa mga sumusunod na gawain ang mga magiging pinakamainam para sa mga bata. Magagamit mo ang mga ito sa aralin mismo o bilang pagbabalik-aral o buod. Para sa karagdagang patnubay, tingnan ang “Oras ng Klase” sa “Mga Tulong Para sa Guro.”

  1. Paupuin ang isa sa mga bata sa silya sa gitna ng silid at pagkunwariing isang prinsipe o prinsesa na nakaupo sa trono. Ang prinsipe o prinsesa ay hindi pinahihintulutang magsalita, habang ang ibang mga bata ay nagsasabi ng positibong bagay na naiisip nilatungkol sa kanya. Maaari nilang sabihin ang mga bagay na tulad ng, “Siya ay may magandang ngiti”; “Gusto ko ang kulay ng kanyang buhok”; Siya ay magalang sa klase”; “Ipinagagamit niya ang kanyang mga krayola sa akin.” Koronahan ang prinsipe o prinsesa ng isang simpleng korona. Bigyan ng pagkakataon ang bawat bata na maging prinsipe o prinsesa.

  2. Ipaliwanag na ang pagiging mabuting tagapakinig ay tumutulong sa iba na malaman na sila ay mahalaga. Kapag ang ibang tao ay nagsasalita, ang mga bata ay dapat makinig nang mabuti at huwag sumali sa usapan. Hilingan ang mga bata na makinig na mabuti sa sumusunod na kuwento at ipataas ang kanilang mga kamay kapag binanggit mo ang bagay na maaaring hindi mangyari.

    Si Michelle ay nagising mga limang minuto bago pumunta sa simbahan. Kung hindi siya kumilos nang mabilis, lalakad siyang halatang kagigising lang. Siya ay madaling nagpunta sa banyo at naghilamos ng cereal. Nang bumalik siya sa kanyang silid, siya ay natisod sa kanyang alagang buwaya “Michelle dalawang minuto na lang at aalis na tayo” ang malakas na tawag ng kanyang manika. Nagmamadaling sinuklay ni Michelle ang kanyang damit isinuot ang pinakamaganda niyang suklay, at patakbong lumabas ng pinto.

    Pasalamatan ang mga bata sa kanilang pakikinig nang mabuti at hindi pang-aabala. Pagkatapos ay basahing muli ang kuwento at papalitan sa mga bata ng tamang mga salita ang mga maling salita.

  3. Gumawa ng isang kabit-kabit na manikang papel (tingnan ang mga paglalarawan) para sa bawat bata Pakulayan sa kanMa ang mga manika upang maitulad sa mga miyembro ng klase o mga miyembro nq pamilya. Pag-usapan kung paano sila makatutulong sa bawat isa na madamang sila ay minamahal. (Maaari silang magsalita ng magagandang bagay sa bawat isa, isali ang mga batang gustong sumali sa laro, magina mabuting mga tagapakinig, at tulungan ang bawat isa kapag may problema.)

    paper dolls
  4. Gumawa ng listahan sa isang panig ng pisara na pinamagatana “Paano Ipinakikita ni Jesucristo ang Pagmamahal sa Atin.” Pagkatapos av gumawa ng listahan sa kabilang panig na pinamagatang “PaanoTayo Makapaapapakita ng Pagmamahal sa Iba” Gawin ana dalawana listahan mula sa mga sagot ng mga bata sa mga tanong sa pagsisimula ng aralin. Maaari mo ring ihagis ang bag ng bins sa bawat bata nang hali-halili, inaanyayahan ang bata na may bag ng bins na magmungkahi ng sagot sa isa sa mga listahan bago ito ihagis pabalik sa iyo.