Tulungan ang bawat bata na maunawaan na ang Ama sa Langit ay nagtitiwala na gagawa siya ng mga tamang pagpili.
Pag-aralan ang Abraham 3:22–28 .
Gumawa ng badge para sa bawat bata at isa na para sa iyo tulad ng ipinakikita:
Ang Aking Ama sa Langit ay Nagtitiwala na Aking—
Sa gitna ng iyong badge ay isulat ang mga titik na PAT .
Maging handa na ituro ang ikalawang talata ng “Piliin ang Tamang Daan” (Aklat ng mga Awit Pambata ); ang mga titik ay kasama sa likod ng manwal na ito.
Mga kailangang kagamitan:
Krayola o lapis para sa bawat bata.
Aspili o kaputol na teyp para sa bawat badge .
Ang kalasag na PAT na nasa harap ng manwal.
Tisa, pisara, at pambura (o iba pang masusulatan).
Larawan 3-2, Ibinigay ng Ama sa Langit ang Kanyang Piano sa Atin.
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang gawaing nagpapayaman sa kaalaman na gagamitin mo.
Mungkahing Pagbubuo ng Aralin
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Kumustahin sa mga bata kung nagawa nila ang anumang bagay na hinimok mong gawin nila sa loob ng linggong ito.
Tayo ay mga Anak ng Isang Dakilang Hari
Isalaysay ang sumusunod na kuwento tungkol sa anak na lalaki ng isang dakilang hari:
Minsan ay may isang hari na ang anak na lalaki na prinsipe ay binihag at dinala sa lugar na malayo sa kanyang tahanan.
Sinikap ng mga bumihag na piliting gumawa ng masama ang prinsipe. Sinikap nilang turuan siyang maging salbahe sa mga taong nakapaligid sa kanya. Gumamit sila ng masasamang salita at sinikap na papagsalitain siya ng masama. Sinikap nilang pilitin siyang magsinungaling, mandaya, at magnakaw. Sinikap din nilang pilitin siyang pakainin ng mga pagkain at inuming hindi mabuti para sa kanyang kalusugan. Ngunit kahit minsan ay hindi ginawa ng prinsipe ang alinman sa mga bagay na ito. Sa wakas, pagkalipas ng anim na buwan na masamang pakikitungong ito ay tinanong ng mga bumihag ang prinsipe na, “Bakit ayaw mong gawin ang mga ipinagagawa namin sa iyo?”
Sumagot siya na, “Hindi ko kayang gawin ang gusto ninyo dahil ako ay anak ng isang hari, at tinuruan ako ng aking ama na gawin ang tama. Isinilang ako upang maging hari.”
Ipaliwanag na alam ng prinsipe na siya ay anak ng isang hari at inaasahan na magiging hari rin siya sa kanyang paglaki.
Sabihin sa mga bata na ang anak ng isang hari ay nasa loob ng silid-aralan ngayon.
Hilingin sa mga bata na pakinggan ang isang tula upang matuklasan kung sino ang anak na ito ng hari. Basahin o tulungan ang isa sa mga bata na basahin ang sumusunod na tula:
“Ako ay isang anak mula sa maharlikang angkan.
Ang aking Ama ay Hari ng kalangitan at lupa.
Sa mataas na korte isinilang ang aking espiritu.
Isang anak na minamahal, isang prinsesa (o prinsipe) ako.”
(Anna Johnson, “I am a Child of Royal Birth,” Children’s Friend, Okt. 1959, p. 29.)
Tulungan ang mga bata na maunawaan na ang bawat tao sa klase ay isang prinsipe o prinsesa. Tayong lahat ay mga anak ng pinakadakila sa lahat ng mga hari, ang mapagmahal nating Ama sa Langit. Nais niyang gawin natin ang tama, tulad ng ginawa ng prinsipe sa kuwento.
Pinagkakatiwalaan Tayo ng Ama sa Langit
Isulat ang salitang tiwala sa pisara.
Hayaang sumagot ang mga bata.
Isalaysay ang sumusunod na kuwento:
Noong siyam na taong gulang si Susan, siya ay isinama ng kanyang ama upang galugatin ang isang kuweba na malapit sa kanilang tahanan. Sa pagpasok nila sa kuweba, natakot si Susan dahil iyon ay madilim at kakaiba. Tinulungan siya ng kanyang ama upang mawala ang kanyang takot sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang mga kamay at pakikipag-usap sa kanya habang sila ay naglalakad sa loob. Tinuruan siya ng kanyang ama na kapain ang mga tagiliran ng kuweba sa pamamagitan ng kanyang mga kamay at ipadulas ang kanyang mga paa sa hindi patag na lupa.
Dahan-dahan silang pumasok sa kadiliman ng kuweba. Natatakot si Susan at may mga panahong nais na niyang bumalik, ngunit palaging nasa kanyang tabi ang kanyang ama at hinihimok siyang magpatuloy.
Hindi nagtagal ay nakakita ng liwanag si Susan sa may unahan. Iyon ay lagusan sa kabilang dulo ng kuweba. Humakbang siya papunta sa lagusan na puno ng iakas ng loob, at nakadama ng pagmamalaki sa kanyang nagawa. Ngumiti ang kanyang ama. Pagkatapos ay tinanong niya si Susan kung makakaya niyang bumalik sa kuweba nang nag-iisa. Natakot nang kaunti si Susan sa ideyang pagpunta nang nag-iisa ngunit gusto niyang pumunta. Sinabi ng ama ni Susan na magiging ligtas siya sa lagusan (tunnel) at nagpahayag ng malaking tiwala sa kanyang kakayahang magagawa niya ito nang nag-iisa. Tiniyak din ng kanyang ama na siya ay maghihintay kay Susan sa kabilang dulo ng lagusan.
Nagbalik muli sa kuweba si Susan at maingat na humakbang. Kinakapa niya ang mga tagiliran ng kuweba sa pamamagitan ng kanyang mga kamay at ang lupa sa pamamagitan ng kanyang mga paa tulad ng itinuro ng kanyang ama sa kanya. Nakadama ng panibagong sigla si Susan habang dahan-dahan siyang papalapit sa kabilang dulo ng kuweba. Tuwang-tuwa siya nang humakbang na siyang papalabas sa kabilang dulo ng kuweba patungo sa liwanag ng araw at sa mga bisig ng kanyang naghihintay na ama.
Sabihin sa mga bata na katulad ng kung paano tinuruan ng kanyang ama si Susan na tahakin ang kanyang landas sa loob ng kuweba, ang ating Ama sa Langit ay nagtuturo sa atin na matahak ang ating landas sa buhay at makabalik sa kanya. Nang pabalikin si Susan ng kanyang ama sa kuweba nang nag-iisa, nagtiwala siya na kakapain ni Susan ang mga tagilirin ng kuweba at ang lupa upang makalabas siya. Ang ating Ama sa Langit ay nagtitiwala sa atin na gagawa tayo ng mga tamang pagpili upang matahak natin ang landas pabalik sa kanya. Hinihintay niya ang pagbabalik natin sa kanya.
Ipaliwanag na minahal natin ang Ama sa Langit, at alam natin na minahal niya tayo. Maligaya tayo roon. Sinabi sa atin ng Ama sa Langit na nais niyang maging katulad niya tayo at mayroon siyang piano na makatutulong sa atin upang maisakatuparan ang layuning ito.
Ipakita ang larawan 3-2, Ibinigay sa Atin ng Ama sa Langit ang Kanyang Piano, at ituro na si Jesus ay nakasama natin roon. Tayong lahat ay magkakasama doon.
Kasama sa piano ng Ama sa Langit ang paglikha ng isang daigdig para sa atin. Sa daigdig ay matututuhan natin ang pagkakaiba ng tama at mali at tayo ang pipili ng nais nating gawin. Alam ng Ama sa Langit na makagagawa tayo ng mga kamalian. Ngunit isusugo niya si Jesucristo upang tulungan tayong mapagtagumpayan ang mga ito. (Tingnan sa Abraham 3:24–27 .)
Ipaliwanag na pinili ng Ama sa Langit si Jesus upang tumulong sa atin dahil siya ay masunurin at nais na sumunod sa piano ng Ama sa Langit. Siya ay pinili rin ng Ama sa Langit upang likhain ang daigdig na ito para sa atin.
May isa pa tayong kapatid na nagngangalang Lucifer. Nais niyang sundin natin siya sa halip na ang Ama sa Langit. Ngunit ang pagsunod kay Lucifer ay hindi magiging mabuti para sa atin. Alam na ng Ama sa Langit iyon at pinili niya si Jesus upang isakatuparan ang kanyang piano. Iyon ay nagpagalit nang husto kay Lucifer. (Tingnan sa Abraham 3:27–28 .)
Ano ang ginawa ni Lucifer? (Hinikayat niya ang maraming tao na sumunod sa kanya sa halip na sa Ama sa Langit.)
Sino ang pinili nating sundin? (Ang Ama sa Langit at si Jesus. Ipaliwanag na tanging ang mga pumiling sundin ang Ama sa Langit at si Jesus ang nakatanggap ng katawan. Ang mga pumiling sundin si Lucifer ay hindi nagkaroon ng katawan.)
Ano ang nangyari kay Lucifer? (Siya ay itinaboy sa langit at nakilala bilang Satanas o ang demonyo. Sinisikap niyang tuksuhin tayo na gumawa ng mali. Ipaliwanag na sinisikap pa rin niyang pasunurin tayo sa kanya sa halip na sa Ama sa Langit at kay Jesus, tulad ng ginawa niya noong namumuhay pa tayo sa piling ng Ama sa Langit.)
Sabihin sa mga bata na ang pagpiling sundin ang Ama sa Langit at si Jesus ay ang tamang pagpili na ikinatuwa ng Ama sa Langit at ni Jesus. Nais ng Ama sa Langit na sundin natin ang kanyang piano rito sa lupa upang makabalik tayo at mamuhay sa piling niya.
Maaari Nating Sundin ang Piano ng Ama sa Langit sa Pamamagitan ng Pagpili ng Tama
Ipaliwanag sa mga bata na maraming paraan upang piliin ang tama bawat araw. Tulungan silang maglaro ng “Ano ang Nais Ipagawa sa Akin ng Ama sa Langit?”
Bigyan ng pagkakataon ang bawat bata na sagutin ang isa sa mga sumusunod na tanong. Magdagdag pa ng mga katanungan kung kailangan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat bata na piliin ang kanyang gagawin. Gumawa ng mga katanungang angkop sa iyong klase.
Ano ang nanaisin ng Ama sa Langit na gawin ko kung ako ay lubhang pagod na isang gabi at nais ko nang matulog nang hindi nananalangin?
Ano ang nanaisin ng Ama sa Langit na gawin ko kung pinangakuan ko ang nanay ko na tutulungan ko siya, ngunit dumating ang isang kaibigan at hiniling na sa halip ay makipaglaro na lang ako sa kanya?
Ano ang nanaisin ng Ama sa Langit na gawin ko kung may makikita akong isang bagay na pag-aari ng iba?
Ano ang nanaisin ng Ama sa Langit na gawin ko kung hindi ko sinasadyang mabasag ang paboritong laruan ng aking kaibigan?
Ano ang nais ng Ama sa Langit na gagawin ko kung ipinangako ko sa aking nanay na uuwi ako sa takdang oras?
Sabihin sa mga bata na ipinaliliwanag ng pangalawang talata ng “Piliin ang Tamang Daan” ang ilang paraan kung paano natin mapipili ang tama at maipakikita na karapat-dapat tayo sa pagtitiwala ng Ama sa Langit sa atin. Hayaang makinig sila habang inuulit mo ang mga salita ng ikalawang talata.
Ano ang sinasabi sa atin ng awit na maaari nating gawin upang piliin ang tama? (Manalangin, magkaroon ng pananampalataya, magsisi, at sumunod.)
Isulat ang mga salitang ito sa pisara. Para sa mas maliliit na bata, bigkasin nang malakas ang mga salita at ipaulit sa kanila ang mga salita na kasabay mo. Tanungin ang mga bata kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito. Talakayin nang higit pa ang kanilang mga ideya kung kinakailangan:
Ang ibig sabihin ng manalangin ay makipag-usap sa Ama sa Langit. Pasalamatan siya sa lahat ng mga pagpapalang ibinigay niya sa iyo, at hilingin sa kanyang tulungan ka niyang piliin ang tama.
Ang ibig sabihin ng magkaroon ng pananampalataya ay maniwala na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay nagmamahal at tutulong sa iyo.
Ang ibig sabihin ng magsisi ay malungkot sa anumang mali na nagawa mo, hilingin na patawarin ka ng Ama sa Langit, at hindi na muling gagawin pa iyon.
Ang ibig sabihin ng sumunod ay gawin ang ipinag-uutos ng Ama sa Langit na gawin natin.
Tulungan ang mga bata na matutuhan ang mga salita sa pamamagitan ng pagulit sa mga ito nang ilang beses. Pagkatapos ay kantahin nang buo ang awit kasama ng mga bata. Maaari mong naising burahin ang mga salita sa pisara sa oras na matutuhan ng mga bata ang mga ito.
Bigyan ang bawat bata ng badge at isang krayola o lapis kung marunong silang sumulat. Basahin nang malakas ang mga salitang “Ang Aking Ama sa Langit ay Nagtitiwala na Aking—”.
Tulungan ang mga bata na maunawaan na kapag walong taong gulang na sila ay maaari nilang piliing magpabinyag dahil nasa hustong gulang na sila upang malaman ang tama at mali. Nagtitiwala ang Ama sa Langit na pipiliin nila ang tama.
Ipakita sa mga bata ang kalasag na PAT na matatagpuan sa harapan ng manwal. Maaari mo ring ipaalala sa kanila ang mga titik na PAT na nasa kanilang mga singsing.
Ipasulat sa isang nakatatandang bata sa pisara ang mga titik na sumasagisag sa “piliin ang tama.” Hayaang makita ng mga bata ang badge mo na nasusulatan ng mga titik na PAT sa gitna nito. Ipasulat sa kanila ang mga titik sa kanilang sariling badge kung kaya nila at tulungan silang ikabit ang mga badge sa kanilang damit.
Ibigay ang iyong patotoo na ang lahat ng mga bata na nasa klase ay mga anak ng Ama sa Langit. Siya ay higit na makapangyarihan kaysa sa sino mang hari sa daigdig, Nagtitiwala ang Ama sa Langit na gagawin ng bawat isa sa kanila ang tama upang makabalik sila at mamuhay muli sa kanyang piling.
Imungkahi sa batang magbibigay ng pangwakas na panalangin na magpasalamat dahil sa isang mapagmahal na Ama sa Langit na nagtitiwalang gagawin natin ang tama.
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Piliin mula sa mga sumusunod na gawain ang mga magiging pinakamabisa para sa mga bata. Magagamit mo ang mga ito sa aralin mismo o bilang pagbabalik-aral o buod. Para sa karagdagang patnubay, tingnan ang “Oras ng Klase” sa “Mga Tulong Para sa Guro.”
Sabihin sa mga bata na lalabas ka ng silid sandali, ngunit bago mo gawin iyon ay may ibubulong kang ilang tagubilin sa tainga ng bawat bata. Hayaang malaman ng mga bata na ang mga tagubiling ito ay magsasabi sa kanila ng isang bagay na makapagdudulot ng tuwa sa kanilang Ama sa Langit. Sabihin sa kanila na kung kakailanganin nila kayo, kayo ay nasa malapit lamang. Ipaliwanag na matutuwa ka kung susundin nila ang iyong mga tagubilin.
Ibulong ang gayunding mga tagubilin sa bawat bata, “lhalukipkip ang iyong mga kamay, ipikit ang iyong mga mata, at isipin ang Ama sa Langit at si Jesucristo.”
Lisanin ang silid at tumayo sa may pintuan. Manatili roon nang ilang sandali. Sa pagpasok mong muli sa silid, pasalamatan ang mga bata na sumunod sa iyong mga tagubilin. Ipaliwanag na binigyan tayo ng mga tagubilin ng ating Ama sa Langit at ni Jesus, at nais nilang sundin natin sila. Kung gagawin natin ito, tayo ay makababalik nang ligtas sa kanilang piling balang araw.
Paguhitin ang bawat bata at pakulayan ang larawan ng isang bagay na maaari nilang gawin upang makasunod sa piano ng Ama sa Langit.