Isulat ang salitang galit o masaya sa likod ng naaangkop na ginupit na larawang mukha (ginupit na larawan 3-6).
Maging handa sa pagtulong sa klase na pagbalik-aralan ang kuwento ng Nakababatang si Alma (tingnan sa Mosias 27; aralin 22).
Mga kailangang kagamitan:
Isang Doktrina at mga Tipan.
Mga ginupit na larawan ng Nakababatang si Alma (ginupit na larawan 3-3), apat na lalaking anak ni Mosias (ginupit na larawan 3-4), at ang mga galit at masayang mukha (ginupit na larawan 3-6).
Isang pula o bagay na matingkad na pula, tulad ng isang piraso ng tela o papel, at isang kulay puti. Tiyakin na malinis hangga’t maaari ang bagay na kulay puti.
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang gawaing nagpapayaman sa kaalaman na gagamitin mo.
Mungkahing Pagbubuo ng Aralin
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Kumustahin sa mga bata kung nagawa nila ang anumang bagay na hinimok mong gawin nila sa loob ng linggong ito.
Makasusunod Tayo kay Jesucristo
Minamahal at Pinatatawad Tayo ni Jesucristo
Dapat Nating Patawarin ang Iba
Buod
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaaiaman
Piliin mula sa mga sumusunod na gawain ang mga magiging pinakamainam para sa mga bata. Magagamit mo ang mga ito sa aralin mismo o bilang pagbabalik-aral o buod. Para sa karagdagang patnubay, tingnan ang “Oras ng Klase” sa “Mga Tulong Para sa Guro.”
Ipabigkas sa mga nakababata ang isang napakahabang salita, tulad ng hippopotamus. Sabihin sa kanila na ang ilang salita ay mahirap bigkasin. Ipaliwanag na maaaring maging mahirap na sabihing “Pinatatawad kita” kapag pinagalit o pinalungkot tayo ng isang tao. Sabihin sa mga bata na ang dalawang salitang iyon kung minsan ay makapagpapasaya sa damdaming nalulungkot.
Awitin o bigkasin ang mga titik sa “Ama, Ako’y Tulungan” (Mga Himno at Awit Pambata); ang mga titik ay kasama sa likod ng manwal na ito.
Gawin ang sumusunod na laro sa daliri na kasama ang mga bata. (Maaari mo ring isuot ang mga medyas sa iyong mga kamay upang makagawa ng mga puppet at lagyan ng maliliit na mata ang mga medyas.)
Dalawang maliliit na magkaibigan, isang kaliwa at isang kanan (itaas ang dalawang mga kamay na nakatikom)
Nagsimulang mag-away at nagsimulang maglaban. (ikaway ang mga kamao sa bawat isa)
Ngayon ang dalawang maliliit na magkaibigang ito ay malungkot nang araw na iyon,
Sapagkat sila ay tinuruan ng tamang paraan ng paglalaro.
Pagkatapos ay nahihiyang itinago ang ulo ng isang maliit na kaibigan; (itiklop ang kanang kamay mula sa pulso at itago sa likuran)
Ginawa rin ito ng isa, sapagkat nakaramdam din siya ng hiya. (itiklop ang kaliwang kamay mula sa pulso at itago sa likuran)
Sinabi ng unang kaibigan, “Alam ko na ang aking gagawin (ipalakpak ang mga kamay)
Upang ipakitang ako’y nalulungkot. Hihingi ako ng tawad sa iyo.”
“Ako rin ay talagang nalulungkot,” ang sabi ng isa pa,
“Tayo nang maglaro at maging masaya sa buong maghapon.” (ihalukipkip ang mga braso at maupo)
Gumawa ng mga malabo o magaan na marka ng lapis sa isang piraso ng papel (o mga marka ng tisa sa pisara) upang sumagisag sa mga maling gawain at pagpili. Pagkatapos ay burahing mabuti ang mga ito upang walang matirang mga marka. Ipaliwanag na kapag tayo ay nagsisisi, para bang binubura ni Jesucristo ang mga kasalanan natin kaya ni isa man dito ay walang markang naiiwan. (Maaari mong naising sanayin ito bago magklase.)