Tulungan ang bawat bata na igalang ang ibang tao at ang kanilang mga ari-arian.
Pag-aralan nang may panalangin ang 3 Nefias 14-12 at Exodo 20:15 .
Maghanda ng masang asin. Paghaluin ang 2 tasang harina, 1 tasa ng asin, 1 kutsarang mantika, at 3/4 na tasa ng tubig (dagdagan ng 4 na patak ng pangkulay sa pagkain ang tubig kung nanaisin). Masahin ang pinaghalu-halong mga sangkap na tila bilog hanggang sa lumambot at kuminis. Magdagdag ng 1 kutsarang tubig o harina kung kailangan.
Maghandang awitin o bigkasin ang mga salita sa “Piliin ang Tamang Daan” (Mga Himno at Awit Pambata ); ang mga salita ay kasama sa likod ng manwal na ito.
Mga kailangang kagamitan:
Isang Biblia at isang Aklat ni Mormon.
Singsing o kalasag na PAT.
Tisa, pisara, at pambura.
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda sa anumang gawaing nagpapayaman sa kaalaman na gagamitin mo.
Mungkahing Pagbubuo ng Aralin
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Kumustahin sa mga bata kung nagawa nila ang anumang bagay na hinimok mong gawin nila sa loob ng linggong ito.
Ipaliwanag sa mga bata na ang ari-arian ay isang bagay na pag-aari nila, tulad ng aklat, laruan, pera, o damit. Ang pinapahalagahang ari-arian ay isang bagay na gustong-gusto nila o may kabuluhan sa kanila. Ang pinapahalagahang ari-arian ay hindi kinakailangang nagkakahalaga ng malaking pera. Maaaring maliit lang ang halaga nito pero may kabuluhan dahil sa lugar na pinanggalingan nito o sa taong nagbigay nito.
Bigyan ang bawat bata ng isang bilog ng masang asin at hilingan siyang ihubog ang masa na kahugis ng isa sa kanyang mga pinapahalagahang ari-arina. Magbigay ng ilang minuto para gawin ng mga bata ang kanilang mga hinugis na masang asin.
Anyayahan ang mga bata na ipakita ang kanilang mga hinugis na masang asin at sabihin kung bakit ang isinisimbulong mga ari-arian na kanilang hinubog ay napakahalaga sa kanila.
Ipakita ang kanilang mga hinugis na masang asin sa mesa o sa ibang espesyal na lugar hanggang sa bandang huli ng aralin.
Kung may nanghiram ng inyong pinapahalagahang ari-arian, paano ninyo ito gustong ituring ng taong iyon?
Kung maiwawala ninyo ang inyong pinapahalagahang ari-arian, ano ang gusto ninyong gawin dito ng taong nakakita nito?
Ipaliwanag na gusto nating lahat na ituring ng iba ang ating pinapahalagahang ari-arian nang may pag-iingat at paggalang. Ang ibang tao ay mayroon ding mga ari-arian na mahalaga sa kanila, at gusto nilang ituring natin ang kanilang mga espesyal na ari-arian nang may pag-iingat at paggalang.
Sabihin sa mga bata na tinuruan tayo ni Jesucristo kung paano pakikitunguhan ang ibang tao at ang kanilang mga ari-arian. Ipakita ang singsing o kalasag na PAT, at ipaliwanag na matatagpuan ang mga turo ni Cristo sa paksang ito sa mga banal na kasulatan. Hayaang makinig sila habang binabasa mo ang 3 Nefias 14:12 , na nagtatapos sa pariralang sa kanila.
Talakayin ang talatang ito na kasama ang mga bata. Tulungan silang maunawaan na dapat nating pakitunguhan ang ibang tao sa paraan na gusto nating ituring nila tayo. Ipaliwanag na kung minsan ay tinatawag itong Ginintuang Kautusan [Golden Rule ] at nakasaad ito nang ganito, “Gawin sa iba ang gusto mong gawin ng iba sa iyo.”
Ipaulit nang malakas sa mga bata ang Ginintuang Kautusan [Golden Rule ] nang ilang beses. Ipaliwanag na ang pakikitungo sa ibang tao sa paraan na gusto nating pakitunguhan tayo ay kinabibilangan ng paggalang sa kanilang mga ari-arian sa tulad na paraan na gusto nating igalang nila ang sa atin.
Iginagalang Natin ang mga Ari-arian ng Ibang Tao sa Pamamagitan ng Hindi Pagnanakaw Nito.
Ipaliwanag na inutusan tayo ng Ama sa Langit na igalang ang ibang tao at ang kanilang mga ari-arian.
Basahin ang Exodo 20:15 . Hilingin sa mga bata na ipaliwanag ang banal na kasulatang ito.
Bigyang-diin na inutusan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na huwag magnakaw. Ang mga batas ng ating bansa ay nagsasabi rin sa atin na maling pagnakawan ang iba. Bilang mga kasapi ng Simbahan ni Jesucristo, tayo ay naniniwala sa pagsunod sa mga batas na ito gayundin sa mga utos ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
Ipaliwanag na ang ikalabindalawang saligan ng pananampalataya ay nagsasaad ng ating paniniwala tungkol sa mga batas. Ipaulit sa mga bata ang pahayag na “Naniniwala kami sa … pagsunod … sa batas.”
Ilahad sa mga bata ang sumusunod na kuwento tungkol sa dalawang kabataang babae na naharap sa mahirap na pagpapasiya.
Gustong bumili nina Jan at Susan ng babol gam sa makina ng babol gam [gum machine]. Naghulog sila ng barya sa makina at inikot ang pihitan upang makakuha ng bilog na babol gam, pero sa kanilang pagkagulat, isang dakot ng mga bilog na babol gam ang lumabas sa halip na isa lang. Maliban doon, bumalik din ang kanilang barya.
Sabihin sa mga bata na may ganoon ding pangyayari mga ilang taon na ang nakaraan kay Elder Sterling W. Sill, dating Pangkalahatang Awtoridad ng Simbahan, na maaaring makatulong sa kanila na sagutin ang tanong na iyon. Pagkatapos ay ilahad ang sumusunod na kuwento sa iyong sariling mga salita.
“[Si Elder Sill] ay nagmamaneho sa kahabaan ng daan at biglang nauhaw, kaya siya ay huminto para bumili ng inuming pampalamig [soft drink ]. Naghulog siya ng sampung sentimo sa makina ng inuming pampalamig [soft drink ] sa gasolinahan at nakakuha ng isang bote ng inuming pampalamig [soft drink ], pero ang kanyang sampung sentimo ay bumalik. Kinuha niya ang sampung sentimo, tiningnan ito, inilagay sa kanyang bulsa, bumalik papunta sa kanyang sasakyan, at sinabing, ‘Di bale mahal naman kasi ang benta nila sa inuming pampalamig [soft drink ] na ito.’ Pero hindi na siya nakarating sa kotse, dahil may isang maliit at mababang tinig na bumulong sa at nagtanong sa kanya ng isang kawili-wiling katanungan. Ang tanong ay ‘Sill, talaga bang gusto mong maging magnanakaw sa halagang sampung sentimo?’ “(Hartman Rector, Jr., “Get Up and Glow,” Brigham Young University Speeches of the Year [Provo, ika-5 ng Ene. 1971], p. 6).
Pagkatapos sumagot ng mga bata, sabihin sa kanilang bumalik siya sa makina at nagsimulang ibalik ang pera sa loob ng makina. Pero ngayon ay may isa pang problema si Elder Sill.
Ipaliwanag na lalo nitong palalalain ang problema.
Ipaliwanag na naunawaan ni Elder Sill na ang sampung sentimo ay hindi sa kanya. Naipagpalit na niya ito para sa isang bote ng inuming pampalamig [soft drink ]. Kaya hinanap niya ang tagapaglingkod ng istasyon at ibinigay sa kanya ang pera.
Bigyang-diin na pinili nina Jan, Susan, at Elder Sill ang tama. Pinili nilang sundin ang utos ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at ang batas ng lupa—hindi sila nagnakaw.
Ipaliwanag na hindi natin dapat kunin ang anumang bagay na hindi natin pag-aari.
Maaari Nating Irespeto ang mga Ari-arian ng ibang Tao sa Pamamagitan ng Pagsasauli ng mga Ito
Ilahad sa mga bata ang sumusunod na kuwento sa iyong sariling mga salita:
Si Katy ay papunta sa paaralan nang makita niya ang isang bagay na kumikinang sa damuhan na malapit sa bangketa. Yumuko siya, at sa damuhang iyon ay nakakita siya ng isang gintong kuwintas. Ito ay maganda. Sa pagdampot niya nito ay naisip niya na, “Ang kuwintas na ito ay kamukha ng kuwintas na tinanggap ni Maria para sa kanyang kaarawan.” Inilagay ni Katy sa kanyang bulsa ang kuwintas at nagmamadaling pumunta sa paaralan.
Nang magsimula na ang klase, si Maria ay wala roon. Nang medyo matagal-tagal na ay dumating siya sa silid-aralan. Ang kanyang mga mata ay mapula at namamaga. Siya ay matagal nang nag-iiyak.
Nang oras na ng pananghalian ay sinabi niya kay Katy ang dahilan kung bakit siya nahuli sa eskuwela. Naiwala niya ang kanyang kuwintas, sa mismong lugar kung saan ito natagpuan ni Katy, at matagal nang hinahanap ito. Hindi bumanggit si Katy ng kahit na isang salita. Naisip niya, “Hindi ko sasabihin sa kanyang nasa akin ito. Nakita ko ito, kaya sa akin na ito.”
Nang hapong iyon ay ipinaliwanag ng guro sa klase kung ano ang nangyari sa kuwintas ni Maria. Hiniling niya sa klase na tulungan si Maria sa paghahanap ng kuwintas kapag tapos na ang pasok sa eskuwela.
Si Katy ang pinakahuling umalis ng paaralan ng hapong iyon. Nakadama siya ng takot. Alam niya kung gaano kalungkot si Maria. Alam niyang ang kuwintas ay pag-aari ni Maria kahit na napulot niya ito. Naisip niya kung gaano niya nanaising isauli sa kanya ni Maria ang kuwintas kung ito ay sa kanya. Dali-dali siyang tumakbo upang hanapin si Maria at isauli ang kuwintas.
Ano ang ipinasiyang gawin ni Katy?
Ano sa palagay ninyo ang nadama ni Maria nang isauli ni Katy ang kuwintas?
Ano ang gagawin ninyo kung kayo ay nakakita ng isang bagay na hindi ninyo pag-aari?
Dapat Nating Tratuhin ang Pag-aari ng Ibang Tao Nang May Paggalang
Ipaliwanag na dapat nating laging sikaping isauli sa may-ari ang alinmang nawawalang mga pag-aari o ari-arian na ating makikita. Hindi natin dapat kailanman sadyaing sirain o abusuhin ang mga ari-arian ng ibang tao. Kumuha ng isa sa mga hinugis na masang asin at ipakita sa mga bata kung paano ito maingat na hahawakan. Ipasa ito sa buong klase upang makapagsanay ang mga bata na hawakan ito nang maingat.
Ilahad ang sumusunod na kuwento sa iyong sariling mga salita:
Sina Troy at Alan ay naglalaro sa bakanteng bukid na malapit sa kamalig ni G. Green. Nagsimulang maghagis ng mga bato si Troy at hinamon si Alan ng paligsahan upang malaman kung sino ang pinakamalayong makapaghahagis ng bato. Pagkatapos na makapaghagis sila ng ilang bato, si Troy ay bumato at tinamaan ang gilid ng kamalig ni G. Green. Kinantiyawan niya si Alan at sinabing, “Pustahan tayo hindi mo mapatatamaan ang kamalig.” Dumampot ng bato si Alan at ihahagis na niya ito.
Ano sa palagay ninyo ang dapat na gawing pagpapasiya ni Alan?
Ano ang maaaring sabihin ni Alan kay Troy? (“Humanap na lang tayo ng ibang patatamaan,”)
Papag-isipin ang mga bata ng magandang wakas para sa kuwento na magpapakita ng dapat gawin ni Alan. Ipakuwento sa isa o higit pang mga bata ang katapusan ng kuwento.
Ipaliwanag na pinili nina Kapatid na Sill, Katy, at Alan ang tamang daan.
Patayuin ang mga bata at awitin o bigkasin ang mga salita sa “Piliin ang Tamang Daan.”
Hilingan ang mga batang bumanggit ng ibang paraan na makapagpapakita sila ng paggalang sa mga ari-arian o pag-aari ng ibang tao. Maaaring isama sa kanilang mga mungkahi ang sumusunod:
Huwag maglalakad sa mga damuhan o maglalaro sa mga bakuran ng ibang tao nang walang pahintulot.
Huwag gagawa ng mga bagay na makasisira, makawawasak sa pag-aari ng iba, tulad ng pagsusulat o pagguhit sa mga dingding o bakod.
Paglalaro nang maingat sa mga laruan at iba pang mga laro.
Huwag gagamit ng anumang bagay na hindi natin pag-aari nang hindi nagpapaalam.
Huwag sasadyaing manira o maminsala ng pag-aari ng iba.
Bigyang-diin na itinuro ni Jesucristo na dapat nating pakitunguhan ang iba sa paraan na gusto nating pakitunguhan tayo. Kung ating susundin ang mga aral ni Jesucristo, hindi natin kukunin ang mga bagay na pag-aari ng iba. Isasauli natin ang mga bagay na ating makikita sa may-ari nito. Ituturing natin ang mga hiniram na bagay nang may paggalang sa pamamagitan ng hindi pagsira o pagwasak ng mga ito. Ipaalaala sa mga bata ang kautusan na ibinigay ni Jesucristo na kung minsan ay tinatawag na Ginintuang Kautusan [Golden Rule ].
Tanungin ang mga bata kung natatandaan nila ang mga salita sa Ginintuang Kautusan [Golden Rule ]. Isulat ang mga salita sa pisara kung ang mga bata ay nakababasa, o puwedeng bigkasin na lang ang mga salita nang mabagal. Pagkatapos ay bigkasin ang mga ito nang sabay-sabay. Ibalik sa mga bata ang mga hinugis nilang masang asin.
Magpatotoo sa mga bata na mahalagang pakitunguhan natin ang iba sa paraan na gusto ni Jesucristo na gawin natin. Maaari mong ibahagi ang isang pagkakataon sa iyong karanasan nang pakitunguhan kang mabuti ng isang tao at ipaliwanag sa mga bata kung ano ang naging damdamin mo. Himukin ang mga bata na pakitunguhan ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa paraan na gusto nilang pakitunguhan sila.
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pangwakas na panalangin.
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Piliin mula sa mga sumusunod na gawain ang mga magiging pinakamainam para sa mga bata. Magagamit mo ang mga ito sa aralin mismo o bilang pagbabalik-aral o buod. Para sa karagdang patnubay, tingnan ang “Oras ng Klase” sa “Mga Tulong Para sa Guro.”
Ipasadula sa mga bata ang mga kalagayan na tulad ng sumusunod:
Nakakita kayo sa kalye ng pitaka na may malaking halaga ng pera sa loob nito sa harap ng inyong bahay. Ano ang dapat ninyong gawin dito? (Ipasadula sa kanila ang mga bagay na maaari nilang gawin upang hanapin ang may-ari.)
Nang dumating kayo sa bahay mula sa bahay ng inyong kaibigan, nalaman ninyo na naibulsa ninyo ang isa sa kanyang mga laruan. Ano ang dapat ninyong gawin dito?
Nakikipaglaro kayo sa isang kaibigan at hindi ninyo sinasadyang mabasag ang bintana ng inyong kapitbahay. Ano ang dapat ninyong gawin?
Namamalengke kayong kasama ng inyong nanay at hindi ninyo sinasadyang matabig ang nakasalansang de lata. Ano ang dapat ninyong gawin?
Naglalaro kayo sa labas na kasama ng inyong kaibigan at ang inyong sapatos ay napuno ng putik. Nang pumasok kayo sa loob ng kanyang bahay, nakaiwan kayo ng bakas ng putik sa sahig. Ano ang dapat ninyong gawin?
Magpagawa sa mga bata ng mga kuwintas na PAT (tingnan ang paglalarawan) na may tali at papel na may kulay. Sabihin na ang mga kuwintas ay magpapaalala sa kanila na pakitunguhan ang iba sa paraan na gusto nilang pakitunguhan sila.