Aralin 45
Maaari Akong Maging Mabuting Halimbawa sa Aking Pamilya
Layunin
Tulungan ang mga bata na maunawaan na sila ay maaaring maging mabuting halimbawa sa kanilang mga pamilya.
Paghahanda
-
Pag-aralan nang may panalangin ang 1 Nefias 2:1–4; 3:4–5, 7; at 3 Nefias 12:16.
-
Maghanda ng isang malaking paskil ng araw na tulad ng sumusunod:
-
Gumawa ng sumusunod na mga sinulatang piraso ng papel upang paikutan ang paskil:
Para sa higit na maliliit na bata, maaari mong naising gumawa o humanap ng mga larawan na kumakatawan sa mga katangiang ito o ipakita sa mga bata ang pagiging matulungin, masunurin, mabait, at iba pa.
-
Gumawa o magbakas ng mga kopya ng bahay sa katapusan ng aralin para sa bawat bata.
-
Maghandang tulungan ang mga bata na awitin o bigkasin ang mga salita sa “Kung Tayo ay Tumutulong” (Aklat ng mga Awit Pambata); ang mga salita ay kasama sa likod ng manwal.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Aklat ni Mormon.
-
Mga krayola para sa bawat bata.
-
Singsing at kalasag na PAT:
-
Malapad na teyp.
-
Larawan 3-9, Si Jesus, ang Cristo (62572; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 240).
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang nagpapayaman sa kaalaman na gagamitin mo.
Mungkahing Pagbubuo ng Aralin
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Kumustahin sa mga bata kung nagawa nila ang anumang bagay na hinimok mong gawin nila sa loob ng linggong ito.
Ang Mabuting Halimbawa ay Tumutulong sa Iba Upang Matutuhan ang Tungkol kay Jesucristo at Sumunod sa Kanya
Maaari Tayong Maging Mabubuting Halimbawa sa Ating mga Pamilya
Mga kuwento at talakayan
Masunurin
Ilahad ang kuwento ng mag-anak ni Lehias na umaalis ng Jerusalem (tingnan sa 1 Nefias 2:1–4).
-
Paano tumugon ang mga anak na lalaki ni Lehias nang hiniling niyang bumalik sila sa Jerusalem upang kunin ang mga laminang tanso (1 Nefias 3:4–5)?
Ipaliwanag na pagkatapos magreklamo nina Laman at Lemuel at sinabing ayaw nilang pumunta, sinabi ni Nefias kung ano ang naramdaman niya. Basahin nang malakas ang 1 Nefias 3:7.
-
Paano nagpakita ng magandang halimbawa si Nefias sa kanyang mga kapatid na lalaki?
-
Paano kayo makapagpapakita ng magandang halimbawa sa pamamagitan ng pagiging masunurin?
Matulungin
Nakita ni Bruce ang kanyang nanay na abalang inihahanda ang kanyang maliit na kapatid na babae sa pagpunta sa simbahan. Alam ni Bruce na kailangan pang ihanda ng kanyang ina ang sarili at bihisan ang sanggol. Nagpasiya si Bruce na tulungan ang kanyang nanay. Siya ay pumunta sa silid ng sanggol at binihisan ito, Malaki ang pasasalamat ng nanay ni Bruce sa kanya. Siya ay ngumiti at binigyan si Bruce ng mahigpit na yakap at halik.
-
Ano ang ginawa ni Bruce na nagpakita ng magandang halimbawa sa kanyang pamilya?
-
Paano kayo makapagpapakita ng magandang halimbawa sa pamamagitan ng pagiging matulungin?
Awit
Tulungan ang mga batang awitin o bigkasin ang mga salita sa “Kung Tayo’y Tumutulong.”
Mga kuwento at talakayan
Mabait at Mapagmahal
Si Katy ay tuwang-tuwa nang iuwi ng kanyang nanay ang kanyang bagong kapatid na lalaking sanggol na si Timothy. Siya ay hindi katulad ng ibang mga sanggol. Siya ay nasa kalagayang tinatawag na cerebral palsy, na nagagawang siya ay manginig at mangatog ng kakaiba. Pero hindi ito ikinabahala ni Katy. Mahal niya si Timothy nang buong puso. Kapag abala ang kanyang nanay, inuugoy niya si Timothy at inaawitan pa siya. Ngingitian ni Timothy si Katy sa tuwing may gagawin siya para sa kanya. Nang lumalaki na si Timothy, siya ay lagi niyang isinasakay sa kariton sa harap ng kanilang bahay. Madalas bihisan ni Katy si Timothy ng pantulog at binabasahan ng mga kuwento hanggang sa siya ay makatulog.
-
Paano nagpakita ng magandang halimbawa si Katy?
-
Paano kayo magiging mabuting halimbawa ng kabaitan sa inyong tahanan?
Tagapamayapa
Si Carrie ay naglalaro sa duyan sa bakuran nang lumabas galing ng bahay ang kanyang kapatid na lalaki, tumakbong papunta sa duyan at nagsimulang magsisigaw ng, “Bumaba ka sa duyan, Carrie. Hindi ako nakakasakay sa duyan dahil lagi kang nandiyan.”
Sa halip na makipagtalo, sinabi ni Carrie, “O sige. Palit-palitan tayong magtulakan. Itutulak muna kita.”
Dahil hindi nakipagtalo si Carrie, siya at ang kanyang kapatid na lalaki ay nagsaya sa pag-uuguyan.
-
Paano naging mabuting halimbawa si Carrie sa kanyang kapatid na lalaki?
-
Paano kayo makapagpapakita ng magandang halimbawa sa inyong tahanan sa pamamagitan ng pagiging tagapamayapa?
Mapagpatawad
Habang nasa paaralan si Spencer, nilaro ng kanyang maliit na kapatid na lalaki ang kanyang mga laruang kotse at naiwala ang isa sa mga ito. Nang malaman ni Spencer ang nangyari, hindi siya nagalit. Sa halip, tinulungan niya ang kanyang kapatid na lalaki na hanapin ang nawawalang kotse. Natagpuan nila ito sa ilalim ng kama.
-
Ano ang ginawa ni Spencer para magpakita ng mabuting halimbawa sa kanyang pamilya?
-
Paano kayo magiging mabuting halimbawa sa inyong pamilya sa pamamagitan ng pagiging mapagpatawad?
Maunawain
Si Roberta ay may trangkaso at hindi makapunta sa Christmas party sa paaralan. Alam ng kanyang kapatid na babae na si Linda kung gaano ang lungkot na nadarama ni Roberta dahil hindi siya makapupunta, kaya siya ay nag-uwi ng isang bag na kendi at mga mani para sa kanya. Ikinuwento rin niya kay Roberta ang nangyari sa party.
-
Paano naging magandang halimbawa si Linda sa kanyang pamilya?
-
Paano kayo magiging magandang halimbawa sa inyong pamilya sa pamamagitan ng pagiging maunawain?
Di-makasarili
Si Tony ay kumita ng pera sa pagtatrabaho sa halamanan ng kanyang kapitbahay. Naisip niya ang kanyang pamilya at gusto niyang gumawa ng isang bagay para sa kanila, kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng pera sa kanyang kinita at ibinili niya ng pasalubong ang kanyang pamilya.
-
Paano naging magandang halimbawa si Tony sa kanyang pamilya?
-
Paano kayo magiging mabuting halimbawa sa inyong pamilya sa pamamagitan ng pagiging di-makasarili?
Matapat
Sina Nelson at Jared ay gumagawa ng laruang bangka mula sa pinagtabasang kahoy sa gawaan ng kanilang tatay nang hindi sinasadyang matabig ni Jared ang isang lata ng pintura. Ang pintura ay natapos sa sahig. Nilinis ng mga batang lalaki ang natapon na pintura pero mayroon pa ring natirang nakadikit sa sahig. Pagdating na pagdating ng kanilang tatay, si Jared ay lumapit sa kanya at ipinaliwanag ang nangyari.
Ayaw ng tatay ni Jared na magkaroon ng pintura sa sahig, pero ipinagmamalaki niya si Jared dahil sinabi niya ang totoo. Binigyan niya si Jared ng pang-alis ng pintura at tinulungan siyang linisin ang sahig.
-
Paano naging mabuting halimbawa si Jared sa kanyang pamilya?
-
Paano kayo magiging mabuting halimbawa sa inyong pamilya sa pamamagitan ng pagiging matapat?
-
Ngayon ano na ang hitsura ng paskil? (Isang makinang na araw.)
Ipaliwanag na ang mabubuting halimbawa ay parang araw. Ang mga ito ay nagbibigay ng liwanag sa iba at ipinakikita sa kanila ang tamang daan.
Buod
Patotoo ng guro
Ibigay ang iyong patotoo tungkol sa kahalagahan ng pagiging mabuting halimbawa sa iyong pamilya. Maaari mong naising magbahagi ng isang pansariling karanasan nang matulungan ka ng mabuting halimbawa ng isang tao.
Gawaing pang-sining
Pakulayan sa mga bata ang kanilang mga bahay na “Maaari Akong Maging Mabuting Halimbawa” at iguhit ang mga miyembro ng kanilang pamilya sa loob ng mga bahay. Hilingan silang iguhit ang kanilang mga sarili na gumagawa ng isang bagay na maaari nilang gawin sa linggong ito na makapagpapakita ng magandang halimbawa sa kanilang mga pamilya.
Anyayahan ang mga bata na pumili ng isang bagay na maaari nilang gawin para sa kanilang mga pamilya bago sila matulog mamayang gabi.
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pangwakas na panalangin.
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Piliin mula sa mga sumusunod na gawain ang mga magiging pinakamainam para sa mga bata. Magagamit mo ang mga ito sa aralin mismo o bilang pagbabalik-aral o buod. Para sa karagdang patnubay, tingnan ang “Oras ng Klase” sa “Mga Tulong Para sa Guro.”
-
Gumawa ng mga simpleng manika na yari sa medyas o bag na papel para sa mga bata. Maaari mong naising gamitin ang lamesa ng silid-aralan para sa entablado. Ginagamit ang mga manika, tulungan ang mga batang magsadula ng mga positibong paraan upang maging mga halimbawa sa kanilang mga pamilya sa walong bahagi na saklaw ng aralin.
-
Awitin o bigkasin ang mga salita sa “Ako’y Gayahin” (Children’s Songbook p. 276) habang gumagawa ng mga galaw na nagmumungkahi ng mabubuting kilos, tulad ng pagwawalis ng sahig, lumalakad papuntang simbahan, o nakikipagkamay sa pamunuang obispo.
Ako’y gayahin,
Sundan mo ako!
Aki’y gayahin,
Sundan mo ako!
Mataas o mababa,
Mabilis o mabagal,
Ako’y gayahin,
Sundan mo ako!
Ako’y gayahin,
Sundan mo ako!
(© 1963 D.C. Heath and Company. Ginamit nang may pahintulot.)
Sabihin sa mga bata na kapag nakikita ng iba ang ating magandang halimbawa, madalas nilang gugustuhing gawin ang ginagawa natin.
-
Hilingan ang mga batang isara ang kanilang mga mata habang may inilalagay ka sa kanilang mga kandungan. Ipatong ang isang larawan sa kandungan ng bawat bata; pagkatapos ay hilingan silang idilat ang kanilang mga mata at hali-haliling ipakita ang kanilang mga larawan at sabihin kung paano nagpapakita ng magagandang halimbawa ang mga tao sa mga larawan. Maaari mong naising gamitin ang mga larawan 3-13, 3-23, 3-24, 3-25, 3-26, 3-27, at 3-59 mula sa sobre ng larawan ng klase.