Aralin 33
Ipinapaalala sa Atin ng Sakramento ang Ating mga Tipan
Layunin
Tulungan ang mga bata na maunawaan na ang pagtanggap ng sakramento ay makatutulong sa kanila na alalahanin ang mga tipan ng binyag.
Paghahanda
-
Basahin ang Moronias 4:3 at 5:2.
-
Maghandang tulungan ang mga bata na bigkasin at matutuhan ang ikatlong saligan ng pananampalataya.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Aklat ni Mormon.
-
Singsing at kalasag na PAT.
-
Larawan 3-13, Binibinyagan ang Isang Batang Lalaki (62018); larawan 3-59, Ipinapasa ang Sakramento (62021); larawan 3-9, Si Jesus, ang Cristo (62572; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 240).
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang gawaing nagpapayaman sa kaalaman na gagamitin mo.
Mungkahing Pagbubuo ng Aralin
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Kumustahin sa mga bata kung nagawa nila ang anumang bagay na hinimok mong gawin nila sa loob ng linggong ito.
Ang Panalangin ng Sakramento ay Nagpapaalala sa Atin sa Ating mga Tipan sa Binyag
Ang Pag-alaala sa mga Tipan ng Binyag ay Makatutulong sa Atin na Sundin ang mga Turo ni Jesucristo
Buod
Ipaalala sa mga bata na kapag tayo ay binibinyagan, nangangako tayo na laging aalalahanin si Jesucristo (itaas ang isang daliri). Nangangako rin tayo na susundin ang kanyang mga kautusan (itaas ang dalawang daliri). Sabihin sa kanila na kapag tumingin sila sa kanilang kamay at nakita ang kanilang singsing na PAT, ang makita ang dalawang daliri na malapit sa kanilang palasingsingan ay makatutulong sa kanila na maalaala ang dalawang pangako na gagawin nila kapag sila ay bibinyagan na.
Pagbalik-aralan ang mga kuwento sa banal na kasulatan tungkol sa pagbabasbas at pagpapasa ng sakramento ni Jesucristo mula sa aralin 32.
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Piliin mula sa mga sumusunod na gawain ang mga magiging pinakamainam para sa mga bata. Magagamit mo ang mga ito sa aralin mismo o bilang pagbabaiik-aral o buod. Para sa karagdagang patnubay, tingnan ang “Oras ng Klase” sa ”Mga Tulong Para sa Guro.”
-
Sabihin sa mga bata na dapat silang pumunta sa pulong sakramento na handang maupo nang tahimik sa oras ng sakramento at isipin kung gaano sila kamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
Ituro sa mga bata ang sumusunod na tula:
Bisig ko’y ititiklop, ulo ko’y iyuyuko,
At magiging tahimik na ako;
Habang binabasbasan ang sakramento,
Ay aalalahanin ko Kayo.
Bigkasin ang tula para sa mga bata. Pagkatapos ay ulitin na kasama sila na itinitiklop ang iyong mga bisig at iniyuyuko ang iyong ulo tulad ng nakasaad.
-
Ano ang ating itinitiklop? (Ang ating mga bisig.)
-
Ano ang ating iniyuyuko? (Ang ating ulo.)
-
Sa oras ng sakramento, dapat ba tayong maging tahimik o maingay?
-
Sino ang dapat nating isipin sa oras ng sakramento? (Si Jesus.)
Bigkasing muli ang tula at hayaan ang mga bata na punan ang nawawalang mga salita at gawin ang mga galaw hanggang sa alam na alam na nila ito. Pagkatapos ay ulitin ito na kasama ng mga bata.
-
-
Tanungin ang mga bata kung ano ang alam nila tungkol kay Jesucristo. Ito ang ilang bagay na maaari nilang isipin sa oras ng sakramento. Ipakita ang larawan 3-46, Si Jesus na Nananalangin sa Getsemani, at sabihin sa mga bata kung ano ang nangyari sa halamanan (tingnan sa Mateo 26:36–46). Pahintulutan ang Espiritu na patnubayan ka sa pagtuturo sa mga bata tungkol sa banal na pangyayaring ito.
-
Ibigay ang gunting, pandikit, at mga kopya ng sumusunod na bigay-sipi sa mga bata. Basahin ang itaas na bahagi ng pahina na kasama ng klase. Bigyan ng tagubilin ang mga bata na gupitin ang mga putul-putol na guhit at ilagay ang mga salita sa tamang pagkakasunud-sunod. Kapag nagawa na ito ng mga bata, ang mga salita ay dapat na maging “palaging alalahanin si Jesucristo” at “sundin ang mga kautusan.” Ipadikit sa kanila ang mga putul-putol na salita ayon sa tamang pagkakasunud-sunod upang mabuo ang pangungusap.