Aralin 28
Tinutulungan Tayong Matuto ng Ating mga Magulang
Layunin
Tulungan ang mga bata na maunawaan kung paano sila matutulungan ng kanilang mga magulang o tagapangalaga na matutuhang sundin ang mga kautusan.
Paghahanda
-
Pag-aralan nang may panalangin ang Alma 53:10–22; 56:3–10, 46–48, 55–56; 57:24–25; Doktrina at mga Tipan 93:40; at Moises 6:58.
-
Maghandang awitin o bigkasin ang mga titik sa “Turuang Lumakad sa Liwanag” (Mga Himno at Awit Pambata). Maaari mong hilingan ang isang bata na awitin ang unang talata kung naaangkop sa iyong klase.
-
Anyayahan ang isang ina na dalhin ang kanyang sanggol sa unang bahagi ng klase. (Kung hindi ito maaari, maaari mong naising gumamit ng isang larawan ng ina at sanggol.)
-
Sa buong araling ito, maging madaling makaramdam sa mga batang hindi nakatira sa kapwa magulang o mga magulang na hindi nagtuturo sa kanilang sundin ang mga kautusan.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Mga pamantayang banal na kasulatan.
-
Isang supot ng bins, maliit na bola, o ibang malambot na bagay.
-
Larawan 3-38, Dalawang Libong Kabataang Mandirigma (62050; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 313); larawan 3–5, Tinuturuan nina Adan at Eva ang Kanilang mga Anak.
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang gawaing nagpapayaman sa kaalaman na gagamitin mo.
Mungkahing Pagbubuo ng Aralin
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Kumustahin sa mga bata kung nagawa nila ang anumang bagay na hinimok mong gawin nila sa loob ng linggong ito.
May mga Magulang Tayo upang Tulungan Tayong Matuto
Tinutulungan Tayo ng Ating mga Magulang na Matutong Sundin ang mga Kautusan
Buod
Anyayahan ang mga bata na makinig kapag tinuturuan sila ng kanilang mga magulang at sundin ang mga kautusan. Hikayatin ang mga bata na pasalamatan ang kanilang mga magulang kapag sila ay nagtuturo ng tungkol sa mga kautusan.
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Piliin mula sa mga sumusunod na gawain ang mga magiging pinakamainam para sa mga bata. Magagamit mo ang mga ito sa aralin mismo o bilang pagbabalik-aral o buod. Para sa karagdagang patnubay, tingnan ang “Oras ng Klase” sa “Mga Tulong Para sa Guro.”
-
Papag-isipin ang mga bata ng ilang bagay na itinuro sa kanila ng mga magulang nila na gawin. Pagkatapos ay gawin ang sumusunod na pakikipaglaro sa kanila:
Sabihin, “Ang aking (ina, ama, o mga magulang) ay tinuruan akong (halimbawa: magluto ng cake).” Pagkatapos ay tawagin ang isang bata sa kanyang pangalan, ipasalo ang supot ng bins sa kanya, at itanong, “Ano ang itinuro sa iyo ng mga magulang mo na gawin?”
Ang bata ay sasagot sa pamamagitan ng pagsasabing, “Ang aking (ina, ama, o mga magulang) ay tinuruan akong (halimbawa: isulat ang aking pangalan).” Pagkatapos ay ihahagis ng bata ang supot ng bins pabalik sa iyo.
Ulitin ang laro hanggang sa ang bawat bata ay nagkaroon na ng isa o dalawang pagkakataon.
-
Basahin ang sumusunod na tula sa mga bata. Patayuin ang mga bata, at pagkatapos ay muling basahin ang tula sa kanila, na ipinalalagay ang mga kamay nila sa kanilang mga ulo sa tuwing maririnig nila ang salitang langit o tahanan.
Ako’y May Tahanan sa Langit
Ako’y may tahanan sa langit;
Sinabi sa ‘kin ng nanay ko;
Ama sa Langit ay nakapiling
Bago ako isilang dito.
Ako’y nanahanan sa langit;
Totoo, ayon sa tatay ko
Ama ako’y pinadala dito
Upang gumawa at matuto.
Tahanan sa langit ay gusto,
Ngayo’y masayang naririto
Na kasama ng aking pamilya,
At mga kapwa na mahal ko.
-
Awitin o bigkasing kasama ng mga bata ang mga titik sa “Mag-anak Nami’y Kaysaya” (Aklat ng mga Awit Pambata); ang mga titik ay kasama sa likod ng manwal na ito.
Pumili ng isang bata na siyang magpapanggap na ina at isa na magpapanggap na ama. Kapag inaawit mo o sinasabi mo ang “Nanay,” ang bata na kumakatawan sa ina ay tatayo. Kapag inaawit mo o sinasabi mo ang “ako,” ituturo ng bawat bata ang kanyang sarili. Kapag inaawit mo o sinasabi mo ang “Tatay,” ang bata na kumakatawan sa ama ay tatayo.