Mga Manwal sa Primary at Oras ng Pagbabahagi
Mga Titik sa mga Awit


Mga Titik sa mga Awit

Piliin ang Tamang Daan

May daan na tama sa ‘ting buhay;

At iyo’y pagpili ng tama.

Turo ni Jesus, akin inaral;

Ang hatid sa akin ay gabay.

Koro:

Piliin ang tamang daan.

At maging maligaya.

Manampalataya’t manalangin,

Turo ng ebanghelyo sa ‘tin.

Alam kong pagsunod sa utos N’ya,

Bawat araw ay maligaya.

Koro:

Mangahas na Tama’y Gawin

Mangahas na tama’y gawin!

May kaya kang ‘di kaya ng iba;

Gawing mong may tapang, buti’t husay,

Mga anghel ay magsasalaysay.

Koro:

Tama’y pangahasan;

Mayro’ng katapatan.

Ang tama ay pangahasan.

Mag-anak ay Magsasama-sama sa Kawalang-hanggan

Sa mundong ‘to’y may mag-anak,

Na sa ‘ki’y kay bait,

Sana sila ay makapiling

Sa habang buhay.

Koro:

Mag-anak ay magsasama-sama

Sa kawalang-hanggan

Nais ko’y kapiling ang aking mag-anak,

Itinuro ng Dios ang daan.

‘Tinuro ng Dios ang daan.

Habang ako ay bata pa,

Maghahanda nang husto.

Nang maaaring ikasal

Sa sagradong templo.

Koro

Mag-anak Nami’y Kaysaya

Mahal ko ang nanay ko.

Mahal namin tatay ko.

Kami’y mahal n’ya kaya,

Mag-anak nami’y kaysaya.

Mahal ko ang ate ko.

Mahal namin, kuya ko.

Kami’y mahal n’ya kaya,

Mag-anak nami’y kaysaya.

(Mga salita ni Moiselle Renstrom. © 1948, 1975 Pioneer Music Press, Inc. Ginamit nang may pahintulot ng Jackman Music Corp.)

Ama, Ako’y Tulungan

Ama, tulungan na magpatawad

Sa lahat ng sa ‘ki’y malupit.

Bawat araw, aking dasal.

Ako’y tulungang mapalapit.

Ama, tulungang ako’y magsisi.

Baguhin ang mali kong asal.

Bawat araw, aking dasal,

Ako’y tulungang mapalapit.

Ang Espiritu Santo

Si Cristo’y nangakong

Kanyang isusugo,

Ang tunay nating kaibigang,

Espiritu Santo.

Espiritu Santo ay

‘Sang munting tinig.

Siya’y nagpapatotoo

Sa Dios at kay Cristo.

Pag pinagtibay ng,

Pagkasaserdote,

Espiritu ay ‘binigay.

At sa ‘ti’y gagabay.

Nawa’y laging marinig,

Ang munting tinig,

Sa tanglaw N’ya’y gagawin ko

Ang tamang pagpili.

Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo

Aking nadarama

Ang pag-ibig ni Cristo.

Sa lahat ng bagay,

Espiritu’y naro’n.

Koro:

Siya’y aking susundin

Buhay ko’y alay rin.

Aking nadarama,

Pag-ibig na alay N’ya.

Aking nadarama

Kabaitan N’ya sa ‘kin.

Puso ko’y payapa

‘Pag nananalangin.

Aking nadarama

Ako’y babasbasan N’ya.

Itong puso ko’y sa Pastol ibibigay.

(Mga salita ni Ralph Rodgers. © 1978, 1979 K. Newell Dayley. Ang lahat ng karapatan ay nakalaan. Ginamit nang may pahintulot.)

Sana Ako’y Kanilang Mapili

Sana ako’y kanilang mapili

Pag tumangkad ng kaunti

Maging handa sana ako

Magturo’t gumawang parang misyonero.

Sana ako’y makapagturo

Sa tao ng ebanghelyo

Ibig kong maging misyonero

At magsilbi sa Dios sa murang gulang ko.

Ang Unang Panalangin ni Joseph Smith

O, kayganda ng umaga!

Ang araw ay kay liwanag,

Huni ng ibo’t bubuyog

Musika sa kakahuyan.

Sa lilim ng mga puno

Si Joseph nanawagan.

Sa lilim ng mga puno,

Si Joseph ay nanawagan.

Magmahalan

Pagmamahal ko,

Tularan ninyo.

Ang bagong utos

Ay magmahalan.

Malalaman na,

Kayo’y alagad ko,

Kung kayo ay nagmamahalan.

(Mga salita ni Luacine Clark Fox. © 1961 binago 1989 Luacine C. Fox. Ginamit nang may pahintulot.)

Matapang si Nefias

Si Nefias inutusang kunin ang lamina

Mula doon kay Laban hari na kay sama

Lamat at Lemuel takot tumalima

Matapang si Nefias at ang sabi niya’y:

“Gagawin, susundin, utos ng D’yos sa ‘kin

Magbibigay s’ya ng daan upang magampanan

Gagawin, susundin utos ng D’yos sa ‘kin.

Magbibigay s’ya ng daan upang magampanan.”

Utos ng D’yos kay Nefias gumawa ng barko

Sabi nina Laman ay lulubog lang ‘to.

Nagtatawa, h’wag na daw sumubok pa,

Matapang si Nefias at ang sabi niya’y:

“Gagawin, susundin utos ng D’yos sa ‘kin

Magbibigay s’ya ng daan upang magampanan

Gagawin, susundin, utos ng D’yos sa ‘kin.

Magbibigay s’ya ng daan upang magampanan.”

(Mga salita nina Bill N. Hansen, Jr., at Lisa T. Hansen. © 1986 Wilford N. Hansen, Jr., at Lisa Tensmeyer. Ginamit nang may pahintulot.)

Pagkasaserdote’y Naipanumbalik

Pagkasaserdote’y,

Naipanumbalik,

Katotohanan ng D’yos

Nandito na’ng muli.

Kung Tayo’y Tumutulong

Kung tayo’y tumutulong

Masaya’t may kanta,

Tumutulong kay Nanay,*

Sapagkat mahal s’ya.

*Paghali-halinhinan ang mga salitang: tatay, lola, lolo