Mga Manwal sa Primary at Oras ng Pagbabahagi
Aralin 27: Ang Gulang ng Pagkakaroon ng Pananagutan


Aralin 27

Ang Gulang ng Pagkakaroon ng Pananagutan

Layunin

Tulungan ang mga bata na maunawaan na sila ay nagsisimulang managot para sa kanilang mga ginagawa sa gulang na walo.

Paghahanda

  1. Pag-aralan nang may panalangin ang Alma 23 at 24.

  2. Magdala ng pera na gagamitin sa pagsasadula, o gumawa ng laruang pera.

  3. Maghandang awitin o bigkasing kasama ng mga bata ang mga titik sa “Mangahas Tama’y Gawin” (Mga Himno at Awit Pambata); ang mga titik ay kasama sa likod na manwal na ito.

  4. Mga kailangang kagamitan:

    1. Isang Aklat ni Mormon para sa bawat bata na nakababasa.

    2. Isang bagay na isinusuot ng sanggol, tulad ng sapatos, sumbrero, o pangginaw.

    3. Kung nanaisin (gamitin lamang ang gawaing ito kung sa palagay mo ay makatutulong ito at makukuha mo ang mga bagay na ito nang hindi gagasta ng malaki): isang aklat, bola, at isang supot na kendi o iba pang naaangkop na pagkain.

    4. Tisa, pisara, at pambura.

    5. Larawan 3-54, Ibinabaon ng mga Anti-Nefias-Lehias ang Kanilang mga Espada (62565; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 311).

  5. Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang gawaing nagpapayaman sa kaalaman na gagamitin mo.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.

Kumustahin sa mga bata kung nagawa nila ang anumang bagay na hinimok mong gawin nila sa loob ng linggong ito.

Kapag Tayo ay Walong Taong Gulang na, May-pananagutan na Tayo

Gawaing pantawag Pansin

Itaas ang bagay na isinusuot ng sanggol na dinala mo.

Gawaing pantawag Pansin

  • Kakasya ba ito sa kaninuman sa inyo? (Maaari mong naising ipasukat sa mga bata ang isang piraso ng kasuotan; pagkatapos ay sasagot sila na hindi ito kakasya.)

  • Bakit hindi kakasya? (Dahil masyado itong maliit.)

Talakayin sa mga bata na dati ay kasyang-kasya sa kanila ang damit na tulad nito noong sila ay maliliit pa, pero ang kanilang mga katawan ay nangagsilaki na. Ipaliwanag na tulad ng kanilang paglaki sa pisikal, sila rin ay lumalaki sa iba pang mga paraan, tulad sa kakayahan nilang gumawa ng mga bagay na gaya ng pagbibihis sa kanilang sarili.

Gawaing pantawag Pansin

  • Ano ang maaari ninyong gawin ngayon na hindi ninyo nagagawa noong kayo ay isang sanggol?

Ipaliwanag na ang mga bagay na ito ay nagpapakita na ang mga bata ay lumalaki at higit na natututo. Ang isang tao na natutong gawin ang mga bagay na ito ay kadalasan ring may sapat na gulang na upang malaman ang tama sa mali.

Talakayan

Ipaalala sa mga bata na ang Ama sa Langit ay matalino. Alam niya na kailangan nating matutuhan kung ano ang tama at mali. Kapag tayo ay malaki na at sapat na ang nalalaman tungkol sa tama at mali, tayo ay mananagot sa ating ginagawa. Ang pagkakaroon ng pananagutan ay nangangahulugang mananagot tayo para sa maling ginagawa natin, at pinagpapala tayo para sa ginagawa nating tama.

Talakayan

  • Anong edad tayo nagsisimulang magkaroon ng pananagutan sa Ama sa Langit para sa ating ginagawa? (Walo.)

    Ipaliwanag na dahil alam ng Ama sa Langit na may sapat na tayong gulang upang panagutan ang ating mga ginagawa, pinapahintulutan niyang maganap ang isang bagay na mahalaga kapag tayo ay walong taong gulang na.

  • Anong mahalagang pangyayari ang nagaganap kapag tayo ay walong taong gulang na? (Tayo ay binibinyagan; tingnan ang Doktrina at mga Tipan 68:27.)

  • Bakit mahalaga ang pagbibinyag? (Dahil kapag tayo ay binibinyagan at pinagtitibay, tinatanggap natin ang kaloob na Espiritu Santo at gumagawa ng tipan sa Ama sa Langit na susundin ang kanyang mga kautusan.)

    Ipaliwanag na hindi nangangahulugan na kailanman ay hindi na tayo muling makagagawa ng mali pagkatapos ng pagbibinyag. Ang ibig sabihin nito ay may sapat na tayong gulang upang panagutan ang ating mga pagpili. Tayo ay may sapat na gulang na para malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng tama at mali.

Saligan ng pananampalataya

Saligan ng pananampalataya

  • Alin sa saligan ng pananampalataya ang nagsasabi sa atin na tayo ay may-pananagutan para sa ating sariling mga kasalanan? (Ang ikalawang saligan ng pananampalataya. Maaaring kailanganin mong ipaliwanag ang alinman sa mga salita na hindi nauunawaan ng mga bata.)

Ipaulit sa klase ang ikalawang saligan ng pananampalataya nang sabay-sabay. Pahintulutan ang sinuman sa mga bata na magagawang ulitin ito sa kanilang sarili.

Tayo ay Mayroong Pananagutang Piliin ang Tama

Singsing ng klase

Singsing ng klase

  • Ano ang ibig sabihin ng mga titik sa ating singsing ng klase?

Ipaulit sa mga bata ang mga salitang, “Piliin ang Tama.” Ipaliwanag na ang kanilang mga singsing ay makatutulong sa mga bata na malaman na sila ay nagkakaroon na ng sapat na gulang upang matutuhan na magkaroon ng pananagutan na piliin ang tama.

Paglalahad ng guro

Ipaliwanag na isang malaking hakbang sa paglaki ang matutuhang piliin ang tama sa mali. Hindi tayo pipilitin ng Ama sa Langit na gawin ang tama. Binibigyan niya tayo ng kalayaan na pumili para sa ating sarili sa tama at mali at managot sa pagtupad sa mga pangako na ginagawa natin. Alam niyang uunlad at matututo lamang tayo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kalayaan na pumili para sa ating sarili.

Isulat ang PAT sa pisara. Ipabanggit mong muli sa mga bata kung ano ang ibig sabihin ng mga titik na ito. Ipahayag ang iyong pagtitiwala na matututuhan ng mga bata kung ano ang tama at mali at mananagot para sa kanilang mga kilos.

Gawain

Bigyan ang isa o dalawa sa mga bata ng aklat na iyong dinala. Sabihin sa kanila na sila ay may-pananagutan na pag-ingatan ito. Ipaliwanag sa klase na ang mga batang ito ay mananagot para sa aklat na iyon sa panahon ng klase. Kung ito ay mawawala, mapupunit, o masisira kaya, sila ay mananagot sa iyo. Sila ay mananagot sa iyo para sa aklat na iyon.

Bigyan ng bola ang isa pang bata. Ipaliwanag na ang batang ito ay mananagot para sa bola tulad ng ibang bata na may-pananagutan para sa aklat.

Bigyan ng isang supot na kendi o ibang naaangkop na pagkain ang ikatlong bata. Tiyaking pumili ng bata na makahahawak dito nang mabuti. Sabihin sa bata na ibahagi ang kendi o pagkain sa buong klase pagkatapos ng pangwakas na panalangin. Ang bata ay mananagot para ingatan ang pagkain hanggang sa oras na para ibahagi ito.

Gawain

  • Maaari bang piliin ni (pangalan ng bata) na kainin ang lahat ng kending ito nang siya lamang? (Oo, maaaring piliin ng bata na hindi sundin ang guro at kainin na lamang ito kaysa itabi ito upang ibahagi.)

Bigyang-diin na ang batang ito ay may kalayaan na piliin ang kanyang gagawin, pero ang batang ito ay mananagot para sa pagpiling iyon.

Ipaliwanag na ito ay katulad sa totoong buhay. Ang piano ng Ama sa Langit ay nagbibigay sa atin ng mga pagpili. Maaari nating piliin ang tama o mali, nang may karunungan o kahangalan, pero mananagot tayo sa ating mga pagpili at mga kahihinatnan.

Kuwento sa banal na kasulatan

Ipakita ang Aklat ni Mormon. Sabihin sa mga bata na isang grupo ng mga tao sa Aklat ni Mormon ay may napakahirap na ginawang pagpili, at nagpasiya silang piliin ang tama. Ilahad ang sumusunod na kuwento sa iyong sariling mga salita:

Si Ammon ay isang misyonero na nagpaliwanag ng mga turo ni Jesucristo kay Haring Lamonias, ang hari ng isang grupo ng mga Lamanita. Naniwala si Haring Lamonias sa mga turong ito at tinanggap ang ebanghelyo. Hinilingan niya ang kanyang mga tao na makinig kay Ammon at sa kanyang mga kapatid. Alam ni Haring Lamonias na ang mga taong ito ay nagsasabi ng katotohanan.

Si Ammon at ang kanyang mga kapatid ay nagpunta sa bawat lungsod at sa bawat bahay sa pagtuturo sa mga Lamanita. Hindi alam ng mga Lamanita ang ebanghelyo, at sila ay napakasama. Marami sa mga tao ang naniwala sa mga turo ni Ammon at ng kanyang mga kapatid at naging kasapi ng simbahan. Alam nilang ang mga salita ni Jesucristo ay totoo, at sila ay nagsisi sa kanilang masasamang gawi.

Ang mga taong ito ay nagpasiyang palitan ang kanilang pangalang mga Lamanita ng mga Anti-Nefias-Lehias. Ginawa nila ito upang ihiwalay nila ang kanilang sarili mula sa masasamang Lamanita na hindi sumusunod sa mga turo ni Jesucristo.

Bago nagsisi ang mga taong ito, nakapatay na sila ng maraming tao sa pamamagitan ng kanilang mga espada. Sila ay nalungkot sa mga maling bagay na kanilang ginawa at ninais na magsisi. Pinili nilang mangako sa Ama sa Langit na hindi na kailanman sila muling makikipaglaban o gagamit ng kanilang mga espada laban sa sinumang tao.

Banal na kasulatan

Ipaliwanag na ang mga taong ito ay gumawa pa rin ng iba pang pagpapasiya. Pasunurin ang mga bata habang binabasa mo ang Alma 24:17–18.

Banal na kasulatan

  • Anong pagpili ang ginawa ng mga Anti-Nefias-Lehias? (Pinili nilang ibaon sa lupa ang kanilang mga espada.)

  • Bakit nila ginawa ito? (Dahil gumawa sila ng tipan o pangako na hindi kailanman muling papatay.)

Larawan at kuwento

Ipakita ang larawan 3-54, Ibinabaon ng mga Anti-Nefias-Lehias ang Kanilang mga Espada.

Ipagpatuloy ang kuwento:

Matapos ibaon ng mga Anti-Nefias-Lehias ang kanilang mga espada, dumating ang masasamang Lamanita upang labanan sila. Ang mga Anti-Nefias-Lehias ay nagkaroon ng napakahirap na pagpapasiya. Maaari nilang sirain ang kanilang pangako sa Ama sa Langit at gamitin ang kanilang mga espada para lumaban, o makapagpapasiya silang huwag lumaban at magpapatay na lamang. Nagpasiya silang sundin ang kanilang pangako na huwag gamitin ang kanilang mga espada laban sa ibang tao. Marami sa kanila ang napatay ng mga Lamanita. Nang makita ng mga Lamanita na ang mga taong ito ay walang mga sandata at hindi lumalaban, sila ay nagtaka. Marami sa kanila ang naglapag ng kanilang sariling mga espada dahil nalaman din nila mismo na napakalaking kamalian ang ginagawa nilang pagpatay sa mga tao. Maraming Lamanita ang nagsisi at sumama sa mga Anti-Nefias-Lehias sa pagkamatwid.

Ang mga Anti-Nefias-Lehias ay naging matapat sa kanilang pangako kahit na pinagpapapatay na sila ng ibang tao.

Larawan at kuwento

  • Paano nananagot ang mga Anti-Nefias-Lehias sa kanilang ginawa?

  • Ano ang matututuhan ninyo mula sa mga Anti-Nefias-Lehias tungkol sa pagpili ng tama?

Sa Gulang na Walong Taon Tayo ay Nagkakaroon na ng Pananagutan sa Ama sa Langit

Talakayan sa pisara

Ipaalala sa mga bata na ang pagkakaroon ng pananagutan ay nangangahulugang mananagot sila sa kanilang ginagawa.

Isulat ang salitang may-pananagutan sa pisara, at bigkasin nang malakas ang salita. Ipaulit ito sa mga bata. Ipaliwanag na kapag sila ay walong taong gulang na, itinuturing sila ng Ama sa Langit na may sapat na gulang na upang magsimulang magkaroon ng pananagutan sa kanilang mga kilos.

Awit

Awitin o bigkasin kasama ng mga bata ang mga salita sa “Mangahas na Tama’y Gawin.”

Kalagayan

Ipaliwanag sa mga bata na kapag sila ay walong taong gulang na, sila ay may-pananagutan na pero ang mga wala pang walong taong gulang ay makapagsasanay ng magkaroon ng pananagutan ngayon sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magulang at pagtupad ng kanilang mga pangako sa iba. Ilahad ang sumusunod na kalagayan (maaari mong naising ipagawa sa isang bata ang mga galaw):

Magkunwaring may sakit ang iyong ina at inuutusan kang linisin ang bahagi ng bahay. Gusto mong maglaro, kaya tumakbo kang palabas para puntahan ang mga kaibigan mo.

Nang bumalik ka sa loob, tinatawag ka ng iyong ina mula sa kanyang higaan at nagtatanong, “Nilinis mo ba ang bahagi ng bahay na sinabi kong linisin mo?”

Ang sagot mo ay opo, at pagkatapos ay nagmamadali kang nagligpit nang kaunti sa lugar na dapat sana ay nalinis mo na.

Talakayan

Ipaliwanag sa mga bata na kapag nagbigay sa kanila ng gawain ang kanilang mga magulang, nangangahulugan na sila ay may sapat na gulang na upang sapat na panagutang gawin ang gawaing iyon.

Talakayan

  • Ikaw ba ay nanggaling na sa Primarya, sa bahay ng kaibigan. o mula sa paaralan at sinabihan ka ng isa sa iyong mga magulang ng, “Sabihin mo nga sa akin ang ginawa mo ngayon?”

Banggitin na kapag ang mga bata ay nag-uulat sa kanilang mga magulang at sinasabi sa kanila ang ginawa nila, ang mga bata ay naglalahad para sa kanilang mga kilos. Mahal ng mga magulang ang kanilang mga anak. Ito ang dahilan kung bakit gustong malaman ng mga magulang ang ginagawa ng kanilang mga anak sa bahay, sa paaralan, at sa laruan.

Saligan ng pananampalataya

Mahal din tayo ng ating Ama sa Langit, at, tulad ng ating mga magulang, gusto niyang mag-ulat tayo at managot sa kanya para sa magaganda at pangit na mga bagay na ginagawa natin. Kapag gumagawa tayo ng masasamang bagay— tulad ng pagnanakaw, pagsisinungaling, o pananakit sa iba—paglampas natin ng walong taong gulang, ang mga ito ay tinatawag na kasalanan. Ipaulit nang sabay-sabay sa mga bata ang ikalawang saligan ng pananampalataya.

Ituro ang salitang pagkakaroon ng pananagutan sa pisara, at hilingan ang mga bata na bigkasin nang malakas ang salita. Sabihin sa kanila na sila ay naghahanda para sa pagkaroon ng pananagutan sa Ama sa Langit, dahil kapag sila ay naging walong taong gulang na, sila ay may sapat na gulang na upang magpakita ng pananagutan at malaman ang mabuti sa masama.

Buod

Gawain

Magtanong ng ilang katanungan upang tulungan ang mga bata na malaman kung saan sila mananagot at ano ang kailangang ipagsulit ng iba. Ipasagot ang mga tanong sa kanila nang sabay-sabay.

Gawain

  1. Sino ang may-pananagutan para turuan kayong manalangin?

  2. Sino ang may-pananagutan para sabihin ang inyong mga panalangin?

  3. Sino ang may-pananagutan para sa pagtuturo sa inyo ng mga aralin sa Primarya?

  4. Sino ang may-pananagutan upang matutuhan kung ano ang itinuturo ng inyong guro sa Primarya?

  5. Sino ang may-pananagutan para sa kung paano kayo kumilos sa Primarya?

  6. Sino ang may-pananagutan para gawin ang gustong ipagawa sa inyo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?

  7. Sino ang may-pananagutan para tuparin ang inyong mga tipan sa pagbibinyag?

Talakayan

Magpabanggit sa mga bata ng ilang mga paraan kung saan sila ay magkakaroon ng pananagutan. Ito ay maaaring kabilangan ng pagiging mabait sa mga kaibigan; pagsasabi ng katotohanan; pagiging mayumi; pagdalo sa mga pulong ng Simbahan; pag-iwas sa alkohol, bawal na gamot, at tabako; o pagtupad sa kanilang mga pangakong ginagawa.

Gawain at patotoo ng guro

Ipalahad mo sa mga batang may aklat at bola ang kanilang mga ginawa sa mga bagay na ito. Ipasauli mo sa kanila ang mga bagay na ito sa iyo, at purihin sila kung maganda ang ginawa nila.

Magtapos sa pamamagitan ng pagsasabi sa klase na ito ay isang mahalagang panahon sa kanilang buhay, pero hindi sila nag-iisa. Sila ay may mga magulang at pinuno na gagabay at tutulong sa kanila. Sila rin ay may Ama sa Langit at Jesucristo na magmamahal at gagabay sa kanila. Pagkatapos ng binyag, sila ay may Espiritu Santo na patuloy na mag-uudyok sa kanila. Hikayatin ang mga bata na higit na magpakita na sila ay natututong magkaroon ng pananagutan at mag-ulat tungkol sa kanilang ginagawa. Tulungan silang maunawaan na makagagawa sila ng mga kamalian. Ang lahat ay nakagagawa ng kamalian. Pero sila ay makapagsisisi at makagagawa ng mas mabuti sa bawat araw sa pamamagitan ng tulong ng Espiritu Santo.

Magbigay ng patotoo na mahal ng Ama sa Langit ang lahat ng kanyang mga anak. Dahil dito, siya ay nagplano ng paraan para tayo ay umunlad at maging higit na katulad niya. Muling ipahayag ang iyong pagtitiwala sa bawat isa sa mga bata na maging higit na may-pananagutan para sa kanyang ginagawa.

Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pangwakas na panalangin.

Pagkatapos ng pangwakas na panalangin, hingan ng paglalahad ang batang may kendi. Pagkatapos ay pabigyan sa bata ng isang piraso ng kendi ang bawat miyembro ng klase.

Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman

Piliin mula sa mga sumusunod na gawain ang mga magiging pinakamainam para sa mga bata. Magagamit mo ang mga ito sa aralin mismo o bilang pagbabalik-aral o buod. Para sa karagdagang patnubay, tingnan ang “Oras ng Klase” sa “Mga Tulong Parasa Guro.”

  1. Bigyan ang bawat bata ng pagkakataon na tapusin ang isa sa mga sumusunod na mga kalagayan sa paraan na nagpapakita na ang bata ay may-pananagutan. (Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na kalagayan o gumawa ka ng sarili mo.)

    1. Maglalaro ka sa labas. Napakalamig sa labas. Sinasabihan ka ng iyong ina na magsuot ng pangginaw.

    2. Sinasabihan ka ng iyong ama na kung lilinisin mo ang bahagi ng bahay sa Sabado ng umaga, makasasama ka sa kanyang manood ng laro sa gabing iyon.

    3. Gusto ng mga kaibigan mong pahiramin mo sila ng iyong mga laruan. Nagpapahiram sila sa iyo.

    4. Sinasabihan ka ng iyong ina na bantayan ang maliit mong kapatid na babae.

    5. Tinutulungan mo ang iyong ina sa pagluluto ng cookies. Pinaalalahanan ka niyang huwag hahawakan ang kawali hangga’t hindi ito malamig.

    6. Inaalok ka ng iyong kaibigan o ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki na uminom ng alak.

    7. Hindi ka nakadamit nang wasto at gusto mong pumunta sa labas.

    8. Hinihilingan ka ng iyong ama na tulungan mo siya sa halamanan. Sinigawan mo siya at patakbo kang pumunta sa iyong mga kaibigan.

    9. Hinihilingan ka ng guro mo sa Primarya na maupo nang mapitagan at umawit. Ayaw mong gawin ito.

  2. Paguhitin ang mga bata ng mga larawan ng mga bagay na may-pananagutan silang gawin. Lagyan ng pangalan ang mga larawan ng “Natututo akong magkaroon ng pananagutan.”