Aralin 32
Pag-alaala kay Jesucristo Kapag Tayo ay Tumatanggap ng Sakramento
Layunin
Tulungan ang mga bata na palaging alalahanin si Jesucristo at ang kanilang mga tipan ng binyag habang tinatanggap ang sakramento.
Paghahanda
-
Pag-aralan ang 3 Nefias 18:1–11; 20:1–9; at Mateo 26:17–30.
-
Maghanda ng supot na may lamang ilang maliliit na bagay.
-
Pagbalik-aralan ang salaysay ni Jesus at ng mga batang Nefita mula sa aralin 30 sa ilalim ng pamagat na “Mahal ni Jesucristo ang Lahat ng Bata.”
-
Maghandang tulungan ang mga bata na awitin o bigkasin ang mga titik sa “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo” (Aklat ng mga Awit Pambata), ang mga titik ay kasama sa likod ng manwal na ito.
-
Mga kailangang kagamitan:
-
Isang Aklat ni Mormon at Doktrina at mga Tipan.
-
Larawan 3-57, Binabasbasan ni Jesus ang mga Batang Nefita; larawan 3-22, Ang Huling Hapunan (62174, Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 225); larawan 3-1, Binibinyagan ni Juan Bautista si Jesus (62133, Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 208); larawan 3-51, Sermon sa Bundok (62166, Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 212); larawan 3-56, Si Cristo at ang mga Bata (62467, Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 216); larawan 3-10, Ang Unang Pangitain (62470, Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 403); at larawan 3-59, Ipinapasa ang Sakramento (62021).
-
Kung maaari, kumuha ng isang trey ng sakramento para sa tinapay at tubig.
-
-
Gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa anumang gawaing nagpapayaman sa kaalaman na gagamitin mo.
Mungkahing Pagbubuo ng Aralin
Matutulungan Tayo ng Sakramento na Alalahanin si Jesucristo
Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.
Kumustahin sa mga bata kung nagawa nila ang anumang bagay na hinimok mong gawin nila sa loob ng linggong ito.
Dapat Nating Alalahanin si Jesucristo sa Oras ng Sakramento
Gawaing pagsasadula at talakayan
Ipaalala sa mga bata na sila ay may gagawin upang tulungan silang maalala kung paano sila dapat kumilos sa oras ng sakramento. Pumili ng dala-dalawang bata upang isadula ang mga sumusunod na paraan ng pagkilos. Papuntahin sila sa harap ng silid. Ibulong sa bawat isa kung ano ang gagawin niya. Papanoorin ang ibang mga bata at pagkatapos ay papiliin sila ng paraan na dapat nilang ikilos sa oras ng sakramento. Ipasabi sa dalawang kasali kung ano ang iniisip nila. Talakayin na kasama ng mga bata kung bakit ang magandang pagkilos ay nagpapahintulot sa kanila na isipin si Jesucristo nang may higit na paggalang.
|
Maupo nang mapitagan at mag-isip ng mga kuwento mula sa mga banal na kasulatan tungkol kay Jesucristo. |
|
Maupo nang may mapitagan at isipin kung gaano ka kamahal ni Jesucristo. |
|
Mapitagang tumanggap ng sakramento at pagkatapos ay mapitagang ipasa ito. |
Buod
Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman
Piliin mula sa mga sumusunod na gawain ang mga magiging pinakamainam para sa mga bata. Magagamit mo ang mga ito sa aralin mismo o bilang pagbabalik-aral o buod. Para sa karagdagang patnubay, tingnan ang “Oras ng Klase” sa “Mga Tulong Para sa Guro.”
-
Kung maaari, kumuha ng maliit na larawan ni Jesucristo para sa bawat bata at sulatan ng maikling sulat sa likod. Sabihin sa mga bata na maaari nilang ilagay ang mga larawan sa lugar na maaalala nila si Jesus at ang kanyang pagmamahal sa kanila.
-
Basahin o awitin ang “Mga Kuwentong Tungkol kay Jesus” (Aklat ng mga Awit Pambata).
Mga k’wentong tungkol kay Jesus, ibig ko,
Ako’y magtatanong pa kung S’ya’y narito.
Tungkol sa dagat at paligid.
K’wento kay Jesus, sabihin mo.
Mga bata sa kanya nakapalibot;
Biyaya ni Jesus sa ‘ki’y umaabot.
Wika’t gawa N’ya ay kay bait,
Mukha N’ya’y puspos ng pag-ibig.
Kwentong tungkol sa dagat na nagngangalit
Bangka sa Galilea bagyo’y sinapit.
Ang Gurong handa at mabait
Pinapaya, hangi’t tubig.
-
Anyayahan ang bawat bata na ibulong sa iyo habang siya ay lumalabas ng silid ang isang bagay na iisipin niya tungkol kay Jesucristo sa susunod na pagkakataong ipapasa ang sakramento. Sa pamamagitan ng pagbulong ay maiiwasan ng mga batang ulitin na lang ang sinabi ng iba, at makatutulong sa pagpipitagan habang sila ay palabas ng silid-aralan.
-
Iparinig sa mga bata ang sumusunod na kuwento tungkol sa isang batang lalaki na natulungan sa pamamagitan ng pag-alaala kay Jesus.
“Si Scott at ang kanyang pamilya ay kalilipat lang sa isang bagong lungsod. Ang unang araw sa kanyang bagong bahay ay ang kanyang ikawalong kaarawan, pero wala siyang mga kaibigan na makalaro, at walang mga lolo at lola o mga pinsan na dumadalaw tulad ng dati.
“Sinabi ng kanyang ina, ‘Huwag kang mag-alala Scott, mag-uumpisa na ang pag-aaral sa susunod na linggo at magkakaroon ka na ng maraming bagong kaibigan.’
“Nagpasukan na, pero kung anuman iyon si Scott ay lalong nalungkot. Ang lahat ng mga batang lalaki ay tila may mga sariling kaibigan. Sila ay nagtatawanan at masayang-masayang magkakasama, pero hindi nila inanyayahan si Scott na makisali sa kanila. Siya ay nanood na lang sa tabi. Kapag tapos na ang eskuwela sa bawat araw, siya ay mag-isang naglalakad pauwi… .
“Nang makalipas ang ilang panahon, naalala ni Scott ang nakalulungkot na sandaling ito at sinabi niya, ‘Bago ako lumipat, binigyan ako ng aking guro [sa Primarya] ng isang maliit na nakakuwadrong larawan ni Jesus. Inilagay ko ito sa tabi ng aking kama. Sa tuwing titingnan ko ang larawang ito, gumaganda ang aking pakiramdam. Naalala ko na mahal ni Jesus ang mga bata. Naramdaman kong mahal niya ako at alam niya kung ano ang aking nararamdaman” (Family Home Evenings, manwal big. 1 [1972], p. 140).
-
Paano natulungan si Scott ng pag-alaala kay Jesus?
-
Paano tayo matutulungan ng pag-alaala kay Jesus?
-
-
Hamunin ang mga bata na manatiling tahimik sa loob ng isang minuto at isipin si Jesucristo.
-
Basahin o awitin ang “Si Jesus ay Isipin” (Primarya 2).
‘Di dapat mahirap maupo at
Tahimik na si Jesus isapuso.
Lahat ng ginawa niya para sa ‘kin;
‘Di dapat mahirap na ‘to’y isipin.
Koro:
‘Di dapat mahirap ako ma’y munti,
Si Jesus isipin, o kaydali.