Mga Manwal sa Primary at Oras ng Pagbabahagi
Aralin 19: Tinutulungan Tayo ng Ama sa Langit Kapag Tayo ay Nananalangin


Aralin 19

Tinutulungan Tayo ng Ama sa Langit Kapag Tayo ay Nananalangin

Layunin

Tulungan ang mga bata na maunawaan na makatatanggap sila ng tulong mula sa Ama sa Langit kapag sila ay nananalangin.

Paghahanda

  1. Pag-aralan nang may panalangin ang 1 Nefias 18:5–23 at 3 Nefias 18:20.

  2. Mga kailangang kagamitan:

    1. Pisara, tisa, at pambura.

    2. Larawan 3-45, Dumating sina Lehias at ang Kanyang mga Tao sa Lupang Pangako (62045; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 304); larawan 3-46, Nananalangin si Jesus sa Getsemani (62175; Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo 227).

  3. Gumawa ng mga kinakailangang paghahanda para sa anumang mga gawaing nagpapayaman sa kaalaman na gagamitin mo.

Mungkahing Pagbubuo ng Aralin

Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pambungad na panalangin.

Kumustahin mo ang mga bata kung mayroon mang gawaing hinikayat mong gawin nila sa loob ng isang linggo.

Nanalangin at Tumanggap ng Tulong si Nefias

Gawaing pantawag pansin

Iguhit ang sumusunod na paglalarawan sa pisara habang kinakausap mo ang mga bata:

mountain

Sabihin sa mga bata na isang ama at ang kanyang anak na lalaki na may-asawa ang nakatira sa magkabilang panig ng isang napakalaking bundok.

Gawaing pantawag pansin

  • Paano makapag-uusap ang mag-amang ito nang hindi pupunta sa kabilang panig ng bundok.

Gumuhit ng mga paglalarawan na katulad ng mga sumusunod upang ipakita ang mga mungkahi ng mga bata:

communication devices

Telepono

Radyo

Kalapating tagahatid ng sulat

Mga sulat

Gawaing pantawag pansin

  • Bakit mahalaga para sa ama at anak na makapag-usap? (Upang maiwasan ang pagkalungkot, upang ipakita ang pagmamahal, upang magbigay at tumanggap ng tulong, upang magbahagi ng mga kaalaman.)

  • Ano ang mangyayari kung hindi sila nakapag-uusap? (Hindi nila madarama ang pagiging malapit sa isa’t-isa at ang pagmamahal nila ay maaaring mabawasan. Hindi nila matutulungan ang isa’t-isa.)

Ipaliwanag na katulad din ng nakapag-uusap tayo sa isa’t-isa sa lupa kapag pinaglalayo ng malaking distansiya, maaarin din tayo na makipag-usap sa ating Ama sa Langit.

Gawaing pantawag pansin

  • Paano tayo nakikipag-usap sa ating Ama sa Langit? (Sa pamamagitan ng panalangin.)

  • Bakit mahalaga na makipag-usap tayo sa ating Ama sa Langit? (Upang pasalamatan siya sa mga pagpapala natin, upang ipakita ang pananampalataya sa kanya, upang humingi at tumanggap ng tulong at mga pagpapala niya, upang palawakin ang pagmamahal natin sa kanya.)

Larawan, kuwento sa banal na kasulatan, at talakayan

Ipaalala sa mga bata ang aralin na natutuhan nila tungkol sa paggawa ni Nefias ng barko. Sabihan ang mga bata na makinig upang malaman kung paano natulungan ng panalangin si Nefias.

Noong matapos ang barko ni Nefias, si Lehias, ang ama ni Nefias ay inutusan na ipalagay sa kanyang mag-anak ang mga buto ng halaman, pagkain, at iba pang mga bagay sa barko. Pagkatapos sila ay sumakay sa barko at naglayag patungo sa lupang pangako.

Ipakita ang larawan 3-45, Dumating si Lehias at ang Kanyang mga Tao sa Lupang Pangako, at ituro ang Liahona na nasa kamay ni Lehias.

Ipaliwanag na ang Liahona ay isang uri ng kompas. Ipinakita nito sa kanila kung saang direksiyon maglalakbay sa ilang at kung saan iuugit ang barko. Nagagamit lamang ito kapag sila ay matwid.

Pagkatapos nang maraming araw sa laot, ilan sa mga kapatid ni Nefias ay nagsimulang kumilos nang hindi tama. Nawalan sila ng galang sa pakikipag-usap sa kanilang mga magulang at sa ibang tao sa barko. Nakalimutan nila kung gaano sila tinulungan at biniyayaan ng Ama sa Langit. Natakot si Nefias na magalit ang Panginoon sa kasamaan nila, kayat kinausap niya sila tungkol sa kanilang inuugali. Nagalit sina Laman at Lemuel. Hindi nila gusto na sinasabihan sila ng nakababata nilang kapatid kung ano ang gagawin. Iginapos nila si Nefias at ipinagpatuloy nila ang mga maling ginagawa.

Matapos na maigapos si Nefias, tumigil sa paggalaw ang Liahona. Hindi malaman nina Laman at Lemuel kung saang direksiyon nila papupuntahin ang barko. Isang malakas na unos ang dumating. Sa loob ng tatlong araw ay siniklut-siklot ng malalakas na alon ang barko sa dagat kaya’t inakala ng mga tao na sila ay malulunod. Subalit ayaw pa ring pakawalan nina Laman at Lemuel si Nefias.

Lalong lumakas ang unos. Sa wakas ay naisip din nina Laman at Lemuel na nanganganib sila dahil sa kanilang kasamaan. Nalaman nila na mamamatay sila sa lakas ng unos kung hindi sila magsisisi, kayat kinalagan nila ng tali si Nefias.

Kahit na namaga at masakit ang mga bukung-bukong at pulso ni Nefias ay hindi siya dumaing sa Ama sa Langit.

Pagkatapos na makalagan si Nefias, muling gumalaw ang Liahona. Ngayon ay mapapupunta na ni Nefias ang barko sa tamang direksiyon.

Nanalangin si Nefias sa Ama sa Langit. Tumigil ang malakas na hangin at ang dagat ay kumalma.

Sa pagtigil ng unos at muling paggalaw ng Liahona, nakarating sila nang ligtas sa lupang pangako.

Larawan, kuwento sa banal na kasulatan, at talakayan

  • Bakit ayaw gumalaw ng Liahona habang nakagapos si Nefias?

  • Bakit sa palagay ninyo hindi dumating si Nefias sa Ama sa Langit habang siya ay nakagapos?

  • Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni Nefias?

  • Ano ang ginawa ni Nefias upang iligtas sa paglubog ang barko sa panahon ng bagyo?

  • Ano ang ginawa ng Ama sa Langit para tulungan si Nefias?

Tinutulungan Tayo ng Ama sa Langit Kapag Tayo ay Nananalangin

Larawan at kuwento sa banal na kasulatan

Ipakita ang larawan 3-46, Nananalangin si Jesus sa Getsemani.

Larawan at kuwento sa banal na kasulatan

  • Ano ang ginagawa ni Jesus sa larawang ito? (Nananalangin sa Ama sa Langit).

  • Bakit nananalangin si Jesus? (Kailangan niya ang tulong ng Ama sa Langit upang patnubayan siya).

Ipaliwanag na noong nasa lupa pa si Jesus madalas siyang manalangin sa Ama sa Langit. Maaari din tayong manalangin sa Ama sa Langit kapag kailangan natin ng tulong.

Kuwento

Isalaysay ang sumusunod na totoong kuwento tungkol sa isang batang babae na nanalangin para sa mga pangangailangan ng ibang tao:

Isang gabi si Mary ay natutulog nang magising siya dahil sa isang ingay. Habang nakikinig siya, napag-alaman niya na ito ay ang kanyang apat na taong gulang na kapatid na lalaki na umiiyak at dumadaing na masakit ang tiyan. Naririnig niya ang kanyang ina na mahinay na inaalo siya, sinisikap na tulungan siya na mapabuti ang pakiramdam; subalit patuloy pa rin ang pag-iyak ng kanyang kapatid. Nakahiga siya doon na nakadarama ng pagkahabag sa kapatid. Alam niya na ginagawa ng kanyang ina ang lahat ng magagawa nito para sa kanyang kapatid, subalit nababahala pa rin siya na malaman na malubha ang sakit nito. Sa wakas napagpasiyahan niya na mayroon siyang magagawa.

Kuwento

  • Ano sa palagay ninyo ang ginawa niya?

Tahimik siyang bumangon at lumuhod upang manalangin. Nakiusap siya sa Ama sa Langit na pagalingin ang kanyang kapatid upang muli itong makatulog. Sa loob lamang ng ilang saglit, nakatulog na ang kapatid niya. Kinabukasan kinumusta niya sa kanyang ina ang kanyang kapatid, at sumagot siya, “Mabuti na. Nakatulog siya kagabi at ngayon ay mukhang magaling na.”

Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magkuwento o magbahagi ng isang karanasan nang sila o isang miyembro ng pamilya ay manalangin para sa tulong. Ipabigyang-diin sa kanila kung paano sinagot ng Ama sa Langit ang kanilang mga panalangin.

Kuwento

Isalaysay ang sumusunod na kuwento tungkol sa isang tao na nanalangin para sa tulong, o isalaysay ang sarili mong kuwento:

Isang tag-araw si KAmie ay binigyan ng isang batang tupa. Pinangalanan niya itong Boots at pinakain at buong pagmamahal na inalagaan. Madalas na magkasamang naglalaro sina Jamie at Boots sa nababakurang bukid kung saan inaalagaan ng kanyang ama ang kabayo nito. Isang magdadapit-hapon habang naglalaro sina Jamie at Boots, ay tinawag siya ng kanyang ina para maghapunan. Tumakbo si Jamie sa tarangkahan at mabilis itong isinara nang malakas.

Pagkatapos maghapunan lumabas si Jamie upang muling makipaglaro kay Boots. Subalit dumating siya sa tarangkahan ay nakita niya itong nakabukas. Wala si Boots at ang kabayo. Dahil sa pagmamadali niya sa pagsara nito ay hindi ito naitarangka.

Hindi malaman ni Jamie kung saan magsisimulang maghanap. Naalala niya ang sinabi sa kanya ng kanyang ama na noong siya’y maliit pa, siya ay nawala sa tabing bundok. Lumuhod ang kanyang ama at hiniling sa Ama sa Langit na tulungan siya. Hindi nagtagal isang pastol na pabalik sa kampo ang nakakita sa kanya at tumulong na makauwi siya.

Lumuhod si Jamie sa damuhan, pumikit, at nanalangin: “Ama sa Langit, kailangan ko po ang tulong ninyo. Naiwala ko po ang kabayo ng Tatay at si Boots dahil hindi ko po isinara ang tarangkahan. Sana ay tulungan po ninyo ako na makita sila.”

Nakakita si Jamie ng mga bakas ng hayop sa daan. Sinimulan niyang sundan ang mga bakas paakyat sa burol habang nakakapit sa mga palumpong (bushes) upang huwag madulas. Sa wakas ay narinig niya ang iyak ni Boots. Nagmadaling umakyat ng burol si Jamie at agad niyang nakita ang maliit na tupa na nakulong sa palumpong. Ang kabayo ay nakatayo sa malapit. Kinalagan ni Jamie ang mga binti ni Boots mula sa palumpungan. Nang subukan ni Boots na tumindig, siya ay natumba. Nakita ni Jamie na bali ang isang binti ni Boots.

Muling hiniling ni Jamie sa Ama sa Langit na tulungan siya. Ginamit niyang sakbat ang kanyang jacket upang mabuhat si Boots at siya’y nagsimulang bumaba ng bundok. Ang kabayo ay sumunod, maingat na tinutunton ang kanyang daan pababaa sa matarik na landas. Mabigat si Boots, kaya pahapay na tinahak pababa ni Jamie ang daan.

Habang palapit ang tatlo sa kanilang tahanan, nagtatakbong palabas ang mga magulang ni Jamie upang tumulong. Habang inaasikaso ng ama ni Jamiea ang nabaling tupa, sinabi niya, “Mabuti at nadala mo siya agad dito bago siya nawalan ng marami pang dugo. Maaaring namatay pa siya sa sindak.”

Nagtanong ang ina ni Jamie, “Paano mo nalaman kung saan sila hahanapin?”

“Ginawa ko lang kung ano ang gagawin ng Tatay ko,” ang sagot ni Jamie.

“Ano iyon, anak?” tanong ng Tatay.

“Naalala po ba ninyo noong mawala kayo? Nanalangin kayo sa Ama sa Langit para sa tulong, at iyon din ang ginawa ko. Nanalangin ako at tinulungan ako ng Ama sa Langit” (tingnan sa “The Open Gate,” Friend, Abr. 1977, pp. 28-30).

Buod

Gawain sa pisara

Muling pag-aralan ang aralin sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod na tanong. Matapos sagutin ng isang bata ang tanong, papuntahin siya sa pisara. Bakasin ang isa niyang kamay at isulat ang kanyang pangalan sa loob ng guhit-balangkas (outline).

Gawain sa pisara

  • Saan papunta sina Lehias at ang kanyang mag-anak? (Sa lupang pangako.)

  • Gumalaw ba ang Liahona sa lahat ng pagkakataon? (Hindi. Gumagalaw lamang ito kapag ang mga tao ay matwid.)

  • Ano ang ipinakita ng Liahona kay Nefias? (Kung saang direksiyon papupuntahin ang barko.)

  • Ano ang nangyari matapos na igapos si Nefias? (Dumating ang isang malakas na unos. Tumigil sa paggalaw ang Liahona.)

  • Ano ang nangyari matapos na kalagan si Nefias? (Tumigil ang unos. Muling gumalaw ang Liahona.)

  • Bakit nanalangin si Nefias para sa tulong ng Ama sa Langit?

  • Ano ang dapat nating gawin kapag kailangan natin ang tulong ng Ama sa Langit? (Manalangin nang may pananampalataya na tutulungan niya tayo.)

Ipagpatuloy ang pagtatanong tungkol sa mga kuwento sa aralin hanggang ang kamay ng bawat bata ay mabakat. Pasalamatan ang mga bata sa lahat ng kanilang kamay na tumutulong.

Patotoo

Magbigay ng iyong patotoo ng pagmamahal ng Ama sa Langit sa ating lahat at ng kanyang pagnanais na tulungan tayo kung mananalangin tayo para sa tulong niya.

Anyayahan ang isang bata na magbigay ng pangwakas na panalangin.

Mga Gawaing Nagpapayaman sa Kaalaman

Piliin mula sa mga sumusunod na gawain ang pinakamakabubuti sa mga bata. Maaari mong gamitin ang mga ito sa aralin mismo o bilang isang pagbabalik-aral o pagbubuod. Para sa karagdagang patnubay, tingnan ang “Oras ng Klase” sa “Mga Tulong sa Guro.”

  1. Ituro sa mga bata ang isang maiksing tugma tungkol sa panalangin, at ipakita ang mga galaw.

    Maghalukipkip na tayo, ulo nati’y iyuko,

    Ipikit ang ating mga mata, tayo ngayon ay handa na.

    o

    Ating kamay ay ihalukipkip at mga ulo’y iyuko natin

    at ngayo’y tayo nang dinggin ang sinasabing panalangin.

  2. Magbigay ng isang krayola o lapis at isang kopya ng sumusunod na bigay-sipi sa bawat bata. Ipasulat ang mga pangalan ng mga bata sa kanilang bigay-sipi. Pakulayan sa kanila ang mga puwang na may mga bituin upang malaman kung tungkol saan ang aralin. Kapag natapos sila, ipabigkas sa kanila nang sabay-sabay ang salita. Kunin ang mga lapis at mga bigay-sipi. Isauli sa mga bata ang mga bigay-sipi pagkatapos ng klase.

prayer

PBARNVAHLYAVNEGKIRN