Library
Pagtulong sa Iba sa Kanilang mga Tanong: Pambungad


“Pagtulong sa Iba sa Kanilang mga Tanong: Pambungad,” Mga Paksa at Mga Tanong (2023)

Pagtulong sa Iba sa Kanilang mga Tanong

Pambungad

Kapag nilapitan ka ng kapwa Banal sa mga Huling Araw dahil sa mga tanong o alalahanin nila tungkol sa kanilang pananampalataya, isiping isa itong sagradong pribilehiyo. May pagkakataon kang palalimin ang iyong relasyon sa kanila at matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Hindi mo kailangang magkaroon ng mga sagot sa lahat ng kanilang tanong. Kailangan lang na handa kang magmahal, makinig, at tumulong.

Ang ilan ay may mga tanong o alalahanin ngunit nananatiling aktibo sa Simbahan at nakasusumpong ng kagalakan sa ebanghelyo. Ang iba naman ay inilalayo ang kanilang sarili sa Simbahan sa iba’t ibang dahilan. Ang ilan ay nagiging aktibong muli kalaunan. Marami ang sumasailalim sa proseso ng pagpapalakas muli ng kanilang pananampalataya, na nagdudulot ng kakaibang kahulugan sa kanilang pananampalataya at pagiging aktibo. Ang iba ay mas tuluyan nang lumalayo sa Simbahan, bagama’t maaari nilang piliing manatling malapit sa pamilya at mga kaibigan na patuloy na aktibong nakikibahagi.

Anuman ang kanilang mga pinili, ang iyong ugnayan sa kanila ay mananatiling mabuting impluwensya sa kanilang buhay. Ang isang matapat na kaibigan o kapamilya ay maaaring magsilbing tanglaw kung sisikapin nilang manampalataya at maging aktibo sa Simbahan. Tinatalakay ng mga artikulo sa bahaging ito ang gabay na mga alituntunin para sa iyo habang naglilingkod ka nang may pagmamahal sa mga taong may mga tanong tungkol sa Simbahan.