Unit 3: Day 4
1 Nephi 12–14
Pambungad
Ang tala ng pangitain ni Nephi, na nagsimula sa 1 Nephi 11, at nagpatuloy sa 1 Nephi 12–14. Sa kanyang pangitain nakita ni Nephi ang matitinding trahedya, kabilang na ang pagkalipol sa huli ng kanyang mga inapo. Nakita niya na inalis ng masasama ang malilinaw at mahahalagang katotohanan mula sa Biblia, at dahil dito marami ang nangatisod o nangaligaw sa espirituwal na aspeto ng kanilang buhay. Gayunman, ang pangitain ni Nephi ay nagbigay din sa kanya ng dahilan na magkaroon ng malaking pag-asa sa hinaharap. Nakita niya si Columbus at ang pananakop ng Amerika. Nakita niya na maghahanda ng paraan ang Panginoon para sa Panunumbalik ng ebanghelyo, kabilang ang panunumbalik ng maraming malinaw at mahahalagang katotohanan na nawala. Nakita ni Nephi kung paano tutulungan at poprotektahan ng Panginoon ang mga taong namumuhay nang matwid sa mga huling araw. Sa iyong pag-aaral ng 1 Nephi 12–14, isiping mabuti ang kahalagahan sa iyong buhay ng malinaw at mahahalagang katotohanan na itinuro sa Aklat ni Mormon at sa iba pang mga banal na kasulatan sa mga huling araw. Kapag sinisikap mong mamuhay nang matwid at tinutupad ang iyong mga tipan sa Diyos, ikaw rin ay magtatagumpay laban sa kasamaan.
1 Nephi 12
Nakita ni Nephi ang mangyayari sa mga bansa ng mga Nephita at mga Lamanita sa hinaharap
Sa 1 Nephi 12, inilarawan ni Nephi ang nakita niya na mangyayari sa kanyang mga inapo sa hinaharap at kung paano sila maaapektuhan ng mga impluwensya na sinasagisag ng mga abu-abo ng kadiliman at ng malaki at maluwang na gusali. Ginamit niya ang salitang binhi sa pagtukoy sa mga inapo o angkan.
Nakita ni Nephi na tatanggapin ng ilan sa kanyang mga inapo ang lahat ng pagpapala ng Pagbabayad-sala. Gayunman, nakita rin niya na ang kanyang mga inapo ay lilipulin sa huli ng mga Lamanita. Basahin ang 1 Nephi 12:19, at salungguhitan ang mga dahilan kung bakit nalipol ang mga Nephita. Pag-isipan kung paano mo mapaglalabanan ang kapalaluan at maiiwasan ang mga tukso ng diyablo.
1 Nephi 13:1–9
Nakita ni Nephi ang makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan
Bilugan ang alinman sa mga sumusunod na isport na nalaro o napanood mo, at magdagdag sa listahan ng iba pang isport na nalaro o napanood mo:
-
Soccer
-
Cricket
-
Basketbol
-
Baseball
-
Table Tennis
-
Tennis
-
Rugby
-
Ice Hockey
-
Volleyball
-
American Football
Sa professional sports, kadalasang pinag-aaralan ng mga koponan ang mga nakaraang laro at estratehiya ng kanilang mga kalaban bago sila makipaglaban. Ang pag-alam sa layunin, mga paraan, at mga estratehiya ay makatutulong sa atin na makapaghanda sa pagtatanggol ng ating sarili laban sa kanila.
Sa 1 Nephi 13, inilarawan ni Nephi ang nakita niya tungkol sa mga taong kakalaban sa Simbahan ng Diyos sa mga huling-araw. Basahin ang 1 Nephi 13:1–6, at tukuyin ang nakita ni Nephi na mabubuo sa mga Gentil at kung ano ang sinabi ng anghel tungkol dito.
Ang “makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan” na nakita ni Nephi ay hindi kumakatawan sa isang partikular na grupo, sekta, o simbahan. Ipinaliwanag ni Elder Bruce R. McConkie ng Korum ng Labindalawang Apostol na ito ay ang “lahat … ng organisasyon anuman ang pangalan o uri nito … na may layuning dalhin ang mga tao sa landas na palayo mula sa Diyos at sa Kanyang mga batas at kung gayon ay mula sa kaligtasan sa kaharian ng Diyos” (Mormon Doctrine, Ika-2 ed. [1966], 137–38). Maaari mong isulat ang paliwanag ni Elder McConkie sa tabi ng 1 Nephi 13:4–6.
Basahin ang 1 Nephi 13:8–9, at tukuyin ang mga ninanais at motibasyon ng makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan.
-
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal: Sa iyong palagay, bakit mahalagang malaman na inorganisa ni Satanas ang kanyang pwersa upang ilayo tayo sa Diyos at sa Kanyang mga batas?
Kapag pinag-aralan mo pa ang 1 Nephi 13, makikita mo ang isang paraan ng paghadlang ng makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan sa mga taong naghahanap sa Tagapagligtas.
1 Nephi 13:10–42
Nakita ni Nephi ang mga Gentil sa hinaharap na may Biblia, Aklat ni Mormon, at iba pang mga banal na kasulatan sa mga huling araw
Upang malabanan ang mga epekto ng makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan, naghanda ang Panginoon ng paraan para sa Panunumbalik ng Kanyang ebanghelyo. Sa 1 Nephi 13, nakita ni Nephi ang mga kaganapang tulad ng pagdating ni Columbus at ng mga pilgrim o manlalakbay sa lupang pangako dahil “ang Espiritu ng Diyos … ay nagbunsod [napasakanila o kumilos] sa [kanila]” (tingnan sa 1 Nephi 13:12–13). Nakita niya rin ang American War of Independence—nang “ang mga Gentil na nagsitakas sa pagkabihag” ay nakidigma sa “kanilang mga inang Gentil [na sama-samang nagtipon] … upang makidigma sa kanila,” ngunit sila ay “naligtas mula sa mga kamay ng mga ibang bansa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos” (tingnan sa 1 Nephi 13:16–19).
Basahin ang 1 Nephi 13:20–23, at alamin ang aklat na nakita ni Nephi na dala-dala ng mga naunang mananakop na gentil sa lupang pangako.
Isulat ang “ang Biblia” sa iyong banal na kasulatan sa tabi ng 1 Nephi 13:20. Ipinaliwanag ni Nephi na ang Biblia ay magiging “labis na mahalaga” sa atin (1 Nephi 13:23) at nang ito ay isulat “ito ay naglalaman ng kabuuan ng ebanghelyo ng Panginoon” (1 Nephi 13:24). Gamitin ang 1 Nephi 13:26–27, 29 para punan ang mga patlang sa sumusunod na buod:
Inalis ng makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan ang “maraming bahagi na at pinaka ; at inalis din nila ang marami sa mga ng Panginoon” mula sa Biblia (1 Nephi 13:26). Inalis nila ang mga bagay na ito upang “ nila ang mga tamang landas ng Panginoon, upang nila ang mga mata at ang mga puso ng mga anak ng tao” (1 Nephi 13:27). Dahil nawala ang mga bagay na ito, “lubhang marami ang ” (1 Nephi 13:29).
Muling basahin ang buod sa itaas pagkatapos mong punan ang mga patlang.
Isa sa mga layunin ng makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan ay “mailigaw nila ang mga tamang landas ng Panginoon” (1 Nephi 13:27) sa pamamagitan ng pag-alis ng maraming malilinaw at mahahalagang katotohanan. Ang ibig sabihin ng “mailigaw” ay mailihis o mailayo sa isang bagay na tama. Isipin ang masasamang resulta ng paglihis o paglayo sa “mga tamang landas ng Panginoon.”
Gamitin ang iyong banal na kasulatan sa pagsagot sa mga sumusunod na tanong:
-
Ayon sa 1 Nephi 13:34, ano ang gagawin ng Panginoon dahil sa kanyang awa? (Makatutulong na malaman na ang titulong “ang Kordero” ay tumutukoy sa Tagapagligtas na si Jesucristo.)
-
Sa 1 Nephi 13:35–36, ano ang sinabi ng Tagapagligtas na itatago upang lumabas sa mga Gentil?
-
Sa 1 Nephi 13:36, ano ang sinabi ng anghel na nakasulat sa talaan na itatago—ang Aklat ni Mormon?
-
Bukod pa sa Aklat ni Mormon, anong “iba pang mga aklat” ang maaaring tinutukoy sa 1 Nephi 13:39?
Basahin ang 1 Nephi 13:40–41, at salungguhitan ang ipaaalam ng Aklat ni Mormon at ng “iba pang mga aklat” na ito sa lahat ng tao. Mahalagang pagtuunan ng pansin na dapat tayong lumapit sa Tagapagligtas “alinsunod sa mga salitang pagtitibayin ng bibig ng Kordero” (1 Nephi 13:41)—ang mga banal na kasulatan.
Sa bahaging ito ng pangitain ni Nephi, nalaman natin na naipanumbalik ng Aklat ni Mormon at ng mga banal na kasulatan sa mga huling araw ang malilinaw at mahahalagang katotohanan na tumutulong sa atin na malaman na si Jesucristo ang Anak ng Diyos at kung paano lumapit sa Kanya.
-
Isulat ang sagot sa mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:
-
Paano nakakaimpluwensya sa patotoo mo tungkol kay Jesucristo ang malilinaw at mahahalagang katotohanan sa Aklat ni Mormon at sa iba pang mga banal na kasulatan?
-
Paano ito nakatulong sa iyo na maunawaan at maipamuhay ang Kanyang ebanghelyo?
-
Suriin o isipin kung paano ka natutulungan ng pag-aaral mo ng mga banal na kasulatan na mas mapalapit sa Tagapagligtas.
1 Nephi 14:1–17
Nakita ni Nephi ang digmaan ng makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan at ng Simbahan ng Kordero ng Panginoon
Mababasa natin sa 1 Nephi 14 ang tungkol sa digmaan ng makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan at ng Simbahan ng Kordero ng Panginoon. Basahin ang 1 Nephi 14:10–13, at tukuyin kung saang panig kakampi ang mas maraming tao. Pansinin sa 1 Nephi 14:12 kung bakit kakaunti ang bilang ng mga taong papanig sa Simbahan ng Kordero at kung bakit maraming taong natipon sa makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan.
Ano ang madarama mo kung kakaunti lamang kayo at makikipaglaban sa digmaan? Basahin ang 1 Nephi 14:14, at salungguhitan ang mga parirala na tumutukoy sa matatanggap na tulong ng “mga banal ng simbahan ng Kordero” at ng “mga pinagtipanang tao ng Panginoon” sa pakikipaglaban nila sa kasamaan.
Ang isang mahalagang alituntunin ng ebanghelyo na itinuro sa 1 Nephi 14:1–17 ay kapag namumuhay tayo nang matwid at tinutupad ang ating mga tipan, tutulungan tayo ng kapangyarihan ng Diyos na magtagumpay sa kasamaan.
-
Sumulat ng maikling talata sa iyong scripture study journal na ipinapaliwanag kung paano nakatulong sa iyo ang pagiging isa sa “mga pinagtipanang tao ng Panginoon” at “nasasandatahan ng kabutihan” (namumuhay nang matwid) para mapaglabanan ang mga tukso na maglalayo sa iyo sa Diyos at sa Kanyang mga batas.
Nakita ni Nephi na sa mga huling araw ang mga taong sumusuporta sa makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan ay makakaranas ng “kanilang lubusang pagkalipol” (1 Nephi 14:3). Maaari kang magtiwala na magtatagumpay ang kaharian ng Diyos sa mga huling araw.
-
Isulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:
Napag-aralan ko na ang 1 Nephi 12–14 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).
Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: