Unit 5: Day 2
2 Nephi 1
Pambungad
Sa iyong pag-aaral ng 2 Nephi 1, pansinin na naglalaman ito ng mga salita ng isang mapagmahal na magulang at priesthood leader na malapit nang mamatay. Nagsumamo si Amang Lehi sa kanyang pamilya na sundin ang mga kautusan ng Diyos (tingnan sa 2 Nephi 1:16). Ipinropesiya niya na kung susundin nila ang mga kautusan ng Diyos, sila ay uunlad sa lupang pangako. Hinikayat din niya ang kanyang mga anak at ang mga sumama sa kanila mula sa Jerusalem na sundin ang pamumuno ni Nephi bilang propeta. Sa iyong pag-aaral ng kabanatang ito, pag-isipan mong mabuti kung gaano mo nasusunod ang mga kautusan ng Panginoon. Gaano mo nasusunod ang payo ng mga lider ng Simbahan?
2 Nephi 1:1–23
Hinikayat ni Lehi ang kanyang mga tao na patuloy na mamuhay nang matwid
Isipin na bigla mong kinailangang iwan ang iyong pamilya at hindi mo na sila makikitang muli. May isang pagkakataon ka na lang na makausap sila. Ano kaya ang sasabihin mo sa kanila sa ganitong sitwasyon?
Sa 2 Nephi 1–4, itinala ni Nephi ang huling payo ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Sa iyong pag-aaral ng mga kabanatang ito, isipin kung sa paanong paraan naaangkop sa iyo ang mga itinurong ito ni Lehi.
Basahin ang 2 Nephi 1:1–4, at tukuyin ang “[dakilang] mga bagay na ginawa ng Panginoon” para sa pamilya ni Lehi.
-
Sumulat ng maiikling sagot sa mga sumusunod na tanong sa iyong scripture journal:
-
Sa paanong paraan nagpakita ng awa ang Panginoon sa pamilya ni Lehi?
-
Anong “[dakilang] mga bagay” ang nagawa ng Panginoon sa iyo at sa iyong pamilya? Ano ang nadarama mo para sa Panginoon kapag iniisip mo kung gaano Siya naging maawain sa iyo at sa iyong pamilya?
-
Itinuro ni Lehi sa kanyang pamilya na patuloy silang tatanggap ng “[dakilang] mga bagay” at “mga awa ng Diyos” kung susundin nila ang mga kautusan ng Diyos.
-
Para makatulong sa iyo na makita na pinagpapala tayo ng Panginoon kapag sinusunod natin ang Kanyang mga kautusan, at hindi Niya tayo pinagpapala kapag hindi natin sinusunod ang Kanyang mga kautusan, magdrowing ng diagram na katulad ng nasa ibaba ng iyong scripture journal. Basahin ang 2 Nephi 1:7–11, at tukuyin ang mga ginawa (“sanhi”) na sinabi ni Lehi na tiyak na may mga kahihinatnan (“epekto”). Isulat ang nalaman mo sa ilalim ng angkop na column sa diagram sa iyong study journal.
Sanhi (mga gagawin) |
Epekto (mga kahihinatnan) |
---|---|
Labis ang pag-aalala ni Lehi sa lagay ng espirituwalidad nina Laman at Lemuel at alam niya na kailangan nilang magsisi. Sa paghikayat sa kanila, gumamit siya ng ilang simbolo para maipaunawa sa kanila ang kasalanan at pagsisisi. Hanapin sa 2 Nephi 1:13–14 ang mga simbolong ginamit ni Lehi para hikayating magsisi ang kanyang mga anak, at isulat ang iyong mga sagot sa mga patlang sa ibaba:
“ mula sa mahimbing ”
“ iwagwag ”
“ mula sa ”
-
Isulat ang sumusunod na tanong sa iyong scripture journal: Sa paanong paraan maitutulad ang pagsisisi sa bawat parirala sa itaas?
Basahin ang 2 Nephi 1:15, at markahan sa iyong banal na kasulatan ang tatlong pariralang ginamit ni Lehi para ilarawan ang mga pagpapalang natanggap niya dahil sa kanyang pagsunod sa mga kautusan ng Diyos. Ikumpara ang mga pagpapalang ito sa mga di-magagandang kahihinatnan sa 2 Nephi 1:17–18, 22 na ayon kay lehi ay daranasin ng mga hindi sumusunod sa mga kautusan ng Diyos.
Markahan ang payo ni Lehi sa 2 Nephi 1:23, at pag-isipang mabuti ang kailangan mong gawin sa buhay para “gumising” o “[mag]wagwag” o “bumangon” upang matanggap mo ang mga pagpapalang sinabi ni Lehi sa kabanatang ito.
2 Nephi 1:24–32
Pinayuhan ni Lehi ang kanyang mga anak na sundin ang pamumuno ni Nephi bilang propeta
Pagkatapos ay ipinaalala ni Lehi sa kanyang pamilya at sa iba pa ang isa pang pinagmumulan ng gabay at inspirasyon na ibinigay sa kanila para makagawa sila ng mga tamang desisyon sa buhay. Basahin ang 2 Nephi 1:24, at tukuyin ang pinagmumulang ito.
Sa iyong pagbabasa ng 2 Nephi 1:24–27, alamin kung paano hinikayat ni Lehi ang kanyang mga tao na sundin si Nephi. Pag-isipan ang mga isasagot mo sa mga sumusunod na tanong:
-
Anong mga katangian ang binigyang-diin ni Lehi na tutulong sa iyo na pagtiwalaan si Nephi bilang lider?
-
Bakit pagtitiwalaan mo ang lider na may mga ganitong katangian?
-
Paano mo kinakitaan ng ganitong mga katangian ang mga lider ng Simbahan ngayon?
Basahin ang 2 Nephi 1:28–32, at markahan sa iyong banal na kasulatan ang mga pangakong ibinigay ni Lehi sa mga susunod sa pamumuno ni Nephi. Ipinapakita ng mga pangakong ito na kapag sinunod natin ang mga tinawag ng Diyos na mamuno sa atin, binibiyayaan tayo ng espirituwal na pag-unlad at seguridad. Isiping mabuti ang itinuro sa iyo kamakailan ng mga lider ng Simbahan tungkol sa espirituwal na pag-unlad at seguridad na dulot ng pagsunod sa inspiradong payo.
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Wilford Woodruff, at salungguhitan ang mga ipinangako niya kung susundin natin ang payo ng mga tagapaglingkod ng Panginoon: “Umaasa akong tatahakin natin ang landas na inihayag sa atin ng mga tagapaglingkod ng Panginoon, dahil kung gagawin natin ito alam ko na mapapanatag tayo sa mundong ito, at makasisigurong liligaya at dadakilain sa susunod na daigdig. … Kung tayo ay tapat, aakayin nila tayo sa daan ng buhay, at dahil naniniwala tayo sa kanilang mga tagubilin, sa mga turo ng Banal na Espiritu sa pamamagitan nila, mananatili tayo sa ligtas na daan, at makatitiyak na gagantimpalaan” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Wilford Woodruff [2004], 219).
-
Isulat sa iyong scripture journal kung bakit sa palagay mo ay mahalaga na palaging sundin sa buong buhay mo ang mga kautusan ng Panginoon at ang payo ng Kanyang mga tagapaglingkod.
-
Isulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture journal:
Napag-aralan ko na ang 2 Nephi 1 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).
Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: