Unit 12: Day 3
Mosias 11–14
Pambungad
Si Haring Noe ay nagpakasasa sa masamang pamumuhay at inimpluwensyahan ang kanyang mga tao na maging masama. Ipinadala ng Panginoon ang propetang si Abinadi upang sabihan ang mga tao na magsisi at balaan sila sa posibleng pagkaalipin. Hindi pinakinggan ng mga tao ang mga babala, at si Abinadi ay ibinilanggo dahil sa kanyang mga propesiya. Nang tanungin ng mga saserdote ni Haring Noe si Abinadi, pinagsalitaan sila ng propeta dahil hindi nila ipinamumuhay o itinuturo ang mga kautusan. Pinrotektahan ng Diyos si Abinadi at binigyan ng lakas na tapusin ang kanyang mensahe kay Haring Noe at sa kanyang mga saserdote. Binanggit niya ang mga sinabi ni Isaias at pinatotohanan na kailangan ng mga tao na umasa kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala.
Mosias 11:1–19
Inimpluwensyahan ni Haring Noe ang kanyang mga tao na maging masama
Isipin ang mga sumusunod na tanong:
-
Ano ang gagawin mo kung sinabi sa iyo ng iyong magulang, tagapangalaga, o lider na naiimpluwensyahan ka nang masama ng ilan sa mga kaibigan mo?
-
Ano ang gagawin mo kung sabihan ka ng mga magulang o lider ng Simbahan na magdamit ka nang mas nararapat para sa araw ng Linggo at iba pang aktibidad sa Simbahan?
-
Ano ang gagawin mo kapag sinabi ng propeta na kailangan mong ibahin ang mga libangan mo?
Maaaring iba-iba ang reaksyon ng mga tao sa mga tanong sa itaas. Sa iyong pag-aaral ng lesson na ito, alamin ang nais ng Panginoon na itugon mo sa mga taong ipinadala Niya para tulungan kang mamuhay nang matwid.
Sa iyong paghahanda na pag-aralan ang Mosias 11, makatutulong na malaman mo na matapos mamatay si Zenif, ang kanyang anak na si Noe ang namuno sa mga Nephita na nasa lupain ng Nephi. Basahin ang Mosias 11:1–2, 5–7, 14–19, at markahan ang mga salita at mga parirala na naglalarawan sa mga ginawa ni Noe at ang hinangad niya simula nang siya ay maging hari. Pagkatapos ay basahin mo ang Mosias 11:2, 6–7, 15, 19, at markahan ng ibang kulay (kung maaari) ang impluwensya ng mga ginawa ni Noe sa mga tao sa kaharian.
Ang mga talatang ito ay naglalarawan kung paano naiimpluwensyahan ng mga taong nakakahalubilo natin ang ating mga ginagawa. Isipin kung paano naiimpluwensyahan ng mga kasama mo ang iyong mga desisyon. Isipin sandali ang ginagawa kung minsan ng mga tao ngayon na maitutulad sa “nagpagal upang matustusan ang kasamaan (Mosias 11:6).
Mosias 11:20–12:17
Hinikayat ni Abinadi ang mga tao na magsisi at binalaan sila tungkol sa pagkaalipin
Bagama’t pinili ni Haring Noe at ng kanyang mga tao na maging masama, mahal pa rin sila ng Panginoon at gusto silang tulungan. Basahin ang unang apat na linya ng Mosias 11:20, at tukuyin kung ano ang ginawa ng Panginoon para tulungan ang mga tao ni Noe.
Isulat ang sumusunod na katotohanan sa iyong banal na kasulatan sa tabi ng Mosias 11:20: Nagpapadala ang Diyos ng mga propeta para tulungan tayong magsisi at hindi maging miserable.
Iniutos ng Panginoon kay Abinadi na sabihin sa mga tao na magsisi sa dalawang magkaibang pagkakataon.
-
Kopyahin ang sumusunod na chart sa iyong scripture study journal, at mag-iwan ng sapat na espasyo sa ilalim ng bawat scripture reference na pagsusulatan ng buod. Pag-aralan ang mga nakasaad na talata, at sumulat ng buod ng mga babala ni Abinadi at mga reaksyon ng mga tao.
Mensahe ni Abinadi |
Ang Reaksyon ng mga Tao | |
---|---|---|
Unang Babala | ||
Pangalawang Babala |
-
Sa iyong scripture study journal, sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa mga reaksyon ng mga tao sa babala ni Abinadi:
-
Sa iyong palagay, bakit nagalit ang mga tao kay Abinadi, na gusto lang naman silang tulungan? Sa iyong palagay, bakit nila ipinagtanggol si Haring Noe, na inaakay sila sa kalunus-lunos na kalagayan?
-
Pansinin ang pariralang “Ang mga mata ng mga tao ay nabubulagan” sa Mosias 11:29. Ano ang ilang halimbawa ng mga pag-uugali at impluwensya na sa palagay mo ay pilit na inuudyok ni Satanas para “mabulagan” ang mabubuting tao sa mundo ngayon?
-
Ano ang magagawa mo para makapagpakita ng kapakumbabaan kapag hinihikayat ka ng iyong pamilya, mga lider ng Simbahan, at mga propeta na sundin ang salita ng Diyos?
-
Mosias 12:18–13:26
Pinrotektahan ng Diyos si Abinadi nang pagsalitaan niya si Haring Noe at mga saserdote nito dahil sa hindi nila pagsunod at pagtuturo ng mga kautusan
Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral ng Mosias 12, i-rate ang iyong sarili sa scale na 1 hanggang 10 (10 ang lubos na sumasang-ayon) kung gaano naglalarawan sa iyo ngayon ang mga sumusunod na pangungusap:
Alam ko ang dapat kong gawin para ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo.
Ipinamumuhay ko ang ebanghelyo ni Jesucristo.
Kapag napag-aralan mo na ang tungkol kay Haring Noe at sa kanyang mga saserdote, alamin kung gaano nila nalalaman at kung gaano nila sinusunod ang mga kautusan. Nang ipalabas ni Noe si Abinadi sa bilangguan, nagsimulang magtanong sa kanya ang mga saserdote tungkol sa mga banal na kasulatan. Basahin ang Mosias 12:26–30, at markahan ang sinabi ni Abinadi para mapagsalitaan si Noe at ang kanyang mga saserdote.
Sa palagay mo anong rate sa scale na 1 hanggang 10 ang maibibigay kay Noe at sa kanyang mga saserdote pagdating sa kaalaman at pamumuhay ng ebanghelyo? Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng gamitin ang “mga puso sa pang-unawa”? (tingnan sa Mosias 12:27). Basahin ang Mosias 12:33, at salungguhitan ang alituntunin na nagsasaad kung bakit mahalagang ipamuhay ang mga kautusan.
Ipinahayag ni Abinadi ang katotohanang ito: Kung susundin natin ang mga kautusan ng Diyos, tayo ay maliligtas. Bakit hindi sapat na alam lang natin kung paano mamuhay para maging karapat-dapat tayong maligtas?
Sinabi ni Abinadi kay Haring Noe at sa kanyang mga saserdote na hindi nila ipinamumuhay o itinuturo ang mga kautusan, at sinimulan niya na isa-isahin ang Sampung Utos. Ito ay nagpagalit sa hari, at iniutos niya na patayin si Abinadi. Pinrotektahan ng Diyos si Abinadi at binigyan siya ng lakas na ipagpatuloy ang pagtuturo tungkol sa Sampung Utos. Maaari mong markahan at lagyan ng numero ang mga ito sa Mosias 12:35–36 at Mosias 13:12–24. Ang sumusunod na chart ay makatutulong sa iyo na matukoy ang bawat isa sa Sampung Utos:
Itinuro ni Abinadi ang Sampung Utos |
Matapang na pinagsalitaan ni Abinadi si Noe at ang kanyang mga saserdote sa hindi pagsunod sa Sampung Utos, sinasabing, “Nahihiwatigan kong hindi ito nakasulat sa inyong mga puso” (Mosias 13:11). Para matulungan ka sa pag-iisip kung gaano mo sinusunod ang Sampung Utos, punan ang sumusunod na pagsusuri sa sarili:
Ang mga pahayag sa ibaba ay maaaring magpahiwatig kung gaano nakasulat sa iyong puso ang Sampung Utos. Markahan kung gaano kadalas na totoo para sa iyo ang mga pahayag na ito. |
Halos hindi |
Kung minsan |
Madalas |
Halos palagi |
---|---|---|---|---|
Mahal ko ang aking Ama sa Langit. | ||||
Inuuna ko ang Diyos sa buhay ko (bago ang mga kaibigan, libangan, ari-arian, sariling gusto, at iba pang mga bagay). | ||||
Sinasambit ko ang pangalan ng Panginoon nang may paggalang. | ||||
Pinapanatili kong banal ang Araw ng Sabbath sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga aktibidad na naglalapit sa akin sa Panginoon; kinikilala ko na ito ay Kanyang araw, at hindi sa akin. | ||||
Iginagalang ko ang aking mga magulang sa pamamagitan ng pagiging masunurin at magalang. | ||||
Pinipigilan kong magalit at hindi ako nananakit ng kapwa. | ||||
Dalisay ang aking puri. Iniiwasan ko ang mahahalay na larawan, pananalita, at kilos. | ||||
Hindi ako nagnanakaw at nandadaya. | ||||
Nagsasabi ako ng totoo. | ||||
Iniiwasan kong mang-imbot (ibig sabihin ay di-tamang paghahangad na maangkin ang bagay na pag-aari ng iba). |
-
Tingnang muli ang mga isinagot mo at magtakda ng mithiin na mas maipamuhay ang isa sa mga Sampung Utos. Isulat ang mithiin mo sa iyong scripture journal.
Mosias 13:27–14:12
Itinuro ni Abinadi ang pagdating ni Jesucristo
Basahin ang Mosias 13:28, 32–35, at markahan ang anumang salita o parirala na kukumpleto sa sumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Matapos ang lahat ng ating pagsunod at mabubuting gawa, hindi tayo maliligtas sa kamatayan o sa mga epekto ng ating kani-kanyang mga kasalanan nang walang .”
Narito ang buong pahayag ni Elder Oaks: “Matapos ang lahat ng ating pagsunod at mabubuting gawa, hindi tayo maliligtas sa kamatayan o sa mga epekto ng ating kani-kanyang mga kasalanan nang walang biyayang hatid ng pagbabayad-sala ni Jesucristo” (“Another Testament of Jesus Christ,” Ensign, Mar. 1994, 67).
Maaari mong isulat ang katotohanang ito sa tabi ng Mosias 13:28: Walang maliligtas kung wala ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo.
Mag-ukol ng ilang minuto sa pag-aaral ng Mosias 14:1–12, at markahan ang mga salita at parirala na naglalarawan ng ginawa ni Jesucristo sa mortalidad para tulungan ka na mabalik sa ating Ama sa Langit. Isipin ang pagdadalamhati, kalungkutan, at mga kasalanan na pinasan ni Jesucristo para sa iyo. Ang mga talatang ito ay tumutugma sa Isaias 53:1–12. Binanggit ni Abinadi ang isinulat ni Isaias (tingnan sa Mosias 14:1).
-
Sa iyong scripture study journal, isulat kung paano mo ipapaliwanag sa isang kaibigan ang itinuro sa Mosias 14:4–5 tungkol kay Jesucristo.
-
Isulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture journal:
Napag-aralan ko na ang Mosias 11–14 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).
Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: