Seminary
Unit 24: Day 1, 3 Nephi 1


Unit 24: Day 1

3 Nephi 1

Pambungad

Bago lisanin ang lupain, ibinigay ng propetang si Nephi (ang anak ni Helaman) ang mga talaan sa kanyang panganay na anak na si Nephi. Ipinlano ng mga di-naniniwala na patayin ang matatapat kapag hindi natupad ang mga propesiya hinggil sa pagsilang ni Jesucristo sa isang itinakdang araw. Nang magsumamo si Nephi sa Panginoon para sa kapakanan ng mga naniniwala, dumating ang tinig ng Panginoon at ipinahayag sa kanya na ang palatandaan ng Kanyang pagsilang ay makikita sa gabing iyon. Bilang katuparan ng propesiya ni Samuel, ang Lamanita, nang lumubog ang araw ay hindi dumilim at isang bagong bituin ang lumitaw. Sa kabila ng patuloy na pagtatangka ni Satanas na wasakin ang pananampalataya ng mga tao, “higit na nakararaming bahagi ng mga tao ang naniwala, at nagbalik-loob sa Panginoon” (3 Nephi 1:22).

3 Nephi 1:1–26

Ang mga propesiya hinggil sa pagsilang ni Jesucristo ay natupad, at maraming Nephita ang nagbalik-loob

At Kinabukasan, Paparito Ako sa Daigdig

Mag-isip ng ilang tao sa banal na kasulatan o sa kasaysayan ng Simbahan na nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa ebanghelyo ni Jesucristo. Sa iyong palagay, bakit handa silang gawin ang sakripisyong iyon?

Tulad ng nakatala sa 3 Nephi 1, isang pangkat ng matatapat na Nephita ang kailangang magpasiya kung ibibigay nila ang kanilang buhay upang manatiling tapat sa kanilang mga paniniwala. Nagsimula ang kabanata sa pagpapaliwanag na ibinigay ni Nephi ang mga sagradong talaan sa kanyang anak, na pinangalanan ding Nephi, at pagkatapos ay lumisan sa lupain (tingnan sa 3 Nephi 1:1–3). Pagkatapos ay isinalaysay nito ang pagsubok sa pananampalataya na naranasan ng maraming Nephita.

Basahin ang 3 Nephi 1:4–9, at alamin ang mahirap na sitwasyong naranasan ng matatapat na Nephita. Ano ang madarama mo kung ikaw si Nephi at dumating na ang araw na lilipulin ang mga naniniwala? Pag-isipan sandali kung bakit maaaring mahirapan ang ilang tao na manatiling tapat sa sitwasyong ito.

Basahin ang 3 Nephi 1:10–12, at alamin ang ginawa ni Nephi sa kritikal na sandaling ito. Basahin ang itinugon ng Panginoon kay Nephi sa 3 Nephi 1:13–14. Maaari mong markahan ang pahayag sa 3 Nephi 1:13 na tumutukoy sa alituntuning ito: Tutuparin ng Panginoon ang lahat ng salitang ipinasabi Niya sa Kanyang mga propeta.

  1. journal iconIsipin kung ano kaya ang pakiramdam ni Nephi pagkatapos makita ang palatandaan ng pagsilang ng Tagapagligtas. Isulat sa iyong scripture study journal kung ano kaya ang gagawin mo kung naroon ka sa panahong iyon. Sa iyong palagay, ano ang madarama mo kung ikaw si Nephi at katatapos mo pa lang makita ang palatandaan?

Basahin ang 3 Nephi 1:4, 14–15, 19–21, at hanapin ang mga karagdagang parirala na nagbibigay-diin sa palagiang pagtupad ng Panginoon sa mga sinabi ng Kanyang mga propeta. Maaari mong markahan ang mga pariralang ito sa iyong banal na kasulatan. Sa iyong pagbabasa ng 3 Nephi 1:14, makatutulong na maunawaan na ang Personahe na nagsalita rito ay may dalawang ginagampanan at nangusap ayon sa ginagampanang ito: bilang si Jehova (na Ama dahil napagkalooban ng banal na awtoridad) at bilang si Jesucristo, ang magiging mortal na Anak ng Diyos.

Upang makita kung paano natupad ang mga propesiya tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas, isulat ang propesiyang ibinigay ni Samuel, ang Lamanita sa kaliwang column ng sumusunod na chart. Pagkatapos ay isulat ang talata mula sa 3 Nephi 1 at ang maikling deskripsyon ng katuparan nito sa kanang column.

Ang mga Propesiya ni Samuel, ang Lamanita

Katuparan

Unang propesiya (Helaman 14:3–4):

3 Nephi 1:

Ika-2 propesiya (Helaman 14:5):

3 Nephi 1:

Ika-3 propesiya (Helaman 14:6):

3 Nephi 1:

Ika-4 na propesiya (Helaman 14:7):

3 Nephi 1:

Sa iyong pagbabasa ng 3 Nephi 1:16–18, pansinin ang reaksyon ng masasama nang maganap ang mga palatandaan. Maaari mong markahan ang ilan sa reaksyon at nangyari sa kanila. Nalaman natin sa 3 Nephi 1:18 na may mga taong “nagsimulang matakot dahil sa kanilang kasamaan at kanilang kawalang-paniniwala.” Pag-isipan ang sumusunod na tanong: Paano nauuwi sa takot ang pagkakasala at kawalang-paniniwala?

Basahin ang 3 Nephi 1:22–23, at alamin ang tinangkang gawin ng diyablo matapos makita ang mga palatandaan ng pagsilang ng Panginoon. Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag upang maipahayag ang alituntuning nalaman mo sa talata 22: Kapag nahaharap tayo sa mga kasinungalingan ni Satanas, maaari nating piliing .

Si Bishop Richard C. Edgley, na naglingkod sa Presiding Bishopric, ay nagbigay ng payo kung ano ang gagawin natin sa panahong sinusubukan ang ating pananampalataya. Markahan ang alinman sa kanyang mga salita o parirala na humihikayat sa iyo na piliing maniwala sa kabila ng mga panunukso sa iyo ni Satanas na mag-alinlangan:

Bishop Richard C. Edgley

“Dahil sa mga kaguluhan at hamong kinakaharap natin sa mundo ngayon, nais kong magmungkahi ng isang pipiliin—pagpili ng kapayapaan at proteksyon at pagpiling angkop para sa lahat. Ang pagpiling iyan ay ang pananampalataya. Dapat ninyong malaman na ang pananampalataya ay hindi libreng kaloob na ibinibigay nang hindi pinag-iisipan, hinahangad, o pinagsisikapan. … Sinabi ng Tagapagligtas, ‘Magsiparito sa akin’ (Mateo 11:28) at ‘Magsituktok kayo, at kayo’y [bibigyan]’ (Mateo 7:7). Mga salita ito ng pagkilos—magsiparito, magsituktok. Ang mga ito ay pagpili. Kaya’t sinasabi kong, piliing sumampalataya. Piliing sumampalataya sa halip na magduda, piliing sumampalataya sa halip na mangamba, piliing sumampalataya sa halip na matakot sa hindi batid o hindi nakikita, at piliing sumampalataya sa halip na mag-isip nang masama. …

“… Kapag sumalungat ang katwiran, dahilan, o personal na talino sa sagradong mga turo at doktrina, o inatake ng magkakasalungat na mensahe ang inyong mga paniniwala … piliing huwag itapon ang binhi ng [pananampalataya sa] inyong puso [dahil] sa kawalang-paniniwala. Tandaan, hindi natin matatanggap ang patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa ating pananampalataya (tingnan sa Eter 12:6)” (“Pananampalataya—Kayo ang Pumili,” Ensign o Liahona, Nob. 2010, 31–33).

  1. journal iconAnong mga kasinungalingan at panlilinlang ang ipinalalaganap ngayon ng diyablo para mapatigas ang puso ng mga tao laban sa katotohanan? Isulat sa iyong scripture study journal ang maaari mong gawin para mapanatili ang iyong pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo kahit tinutukso ka ng diyablo na pag-alinlanganan mo ang iyong pananampalataya.

Basahin ang 3 Nephi 1:24–25, at alamin ang isa pang hamon na naranasan ng ilang naniniwala. Pag-isipan kung ano ang matututuhan mo mula sa ginawa ng mga taong ito nang malaman nila na mali sila.

3 Nephi 1:27–30

Ang mga tumiwalag na Nephita at ilang kabataang Lamanita ay sumapi sa mga tulisan ni Gadianton

Ilang taon matapos maganap ang mga palatandaan ng pagsilang ni Jesucristo, nagsimulang magkaroon ng epekto ang ilang tumiwalag na Nephita sa kakayahan ng matatapat na manatiling matatag sa ebanghelyo. Paano ka mananatiling matatag sa ebanghelyo sa kabila ng mga pagtuligsa sa Simbahan sa ating panahon? Basahin ang 3 Nephi 1:27–30, at alamin kung may positibo o negatibong epekto ang “sumisibol na salinlahi” sa pananampalataya ng iba.

Pansinin na marami sa mga kabataang Lamanita ang “nagbago sa kanilang sarili” (3 Nephi 1:29)) at tumalikod sa ebanghelyo. Nagmungkahi si Sister Kathleen H. Hughes, na naglingkod sa Relief Society general presidency, ng kahulugan ng pariralang “nagbago sa kanilang sarili”: “Ipinahihiwatig nito sa akin na inuna nila ang kanilang sarili at labis na nagnasa sa mga bagay na pinaiiwasan sa kanila ng mga propeta. Nagpatangay sila sa mga panunukso at pang-aakit ni Satanas” (“Lumaki sa Panginoon,” Liahona, Peb. 2010, 18).

Maaari mong isulat ang sumusunod na alituntunin sa iyong banal na kasulatan sa tabi ng 3 Nephi 1:29–30 o sa iyong scripture study journal: Kung magpapadaig tayo sa tukso, ang ating halimbawa ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pananampalataya at kabutihan ng ibang tao.

  1. journal iconPara matulungan kang maunawaan kung paano nauugnay sa iyo ang alituntuning ito, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Kailan ka nakakita ng halimbawa ng alituntunin na nakatala sa itaas? Paano ka mananatiling tapat kung ang mga nasa paligid mo ay hindi tapat?

    2. Bagama’t mahalagang malaman na ang ating halimbawa ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa iba, mahalaga ring alalahanin na ang ating halimbawa ay maaaring makatulong para mapalakas ang iba. Kailan ka nakakita ng “sumisibol na salinlahi,” o mga kabataan ng Simbahan ngayon, na nagkaroon ng positibong epekto sa pananampalataya ng iba?

  2. journal iconSa iyong scripture study journal, sumulat ng ilang paraan na maaari kang magkaroon ng positibong impluwensya sa pananampalataya ng mga tao sa iyong sariling pamilya, ward o branch, o mga kaibigan. Pumili ng dalawang ideya mula sa isinulat mo, at isulat kung ano ang gagawin mo para maisakatuparan ito.

  3. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang 3 Nephi 1 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: