Seminary
Unit 19: Day 2, Alma 36


Unit 19: Day 2

Alma 36

Pambungad

Pagkatapos makabalik ni Alma mula sa kanyang misyon sa mga Zoramita, tinipon niya ang kanyang tatlong anak at nagbigay ng payo sa bawat isa sa kanila (tingnan sa Alma 35:16). Ang payo niya kay Helaman ay nakatala sa Alma 36–37, ang payo niya kay Siblon ay nakatala sa Alma 38, at ang payo niya kay Corianton ay nakatala sa Alma 39–42. Si Alma ay nagpatotoo kay Helaman na ililigtas ng Diyos ang mga taong magtitiwala sa Kanya. Para maituro ang katotohanang ito, inilarawan ni Alma kung paano siya iniligtas mula sa pasakit ng kanyang mga kasalanan maraming taon na ang nakararaan. Matapos magsumamo sa pangalan ni Jesucristo, siya ay naisilang sa Diyos at napuspos ng kagalakan. Mula noon siya ay masigasig na gumawa para madala ang ibang tao kay Jesucristo.

Alma 36:1–5

Itinuro ni Alma sa kanyang anak na si Helaman ang tungkol sa kapangyarihan ng Diyos na tumutulong sa atin kapag may mga pagsubok tayo

Isipin kung paano napagpala ang iyong buhay ng patotoo o itinuro ng isang kapamilya, kaibigan, o lider ng Simbahan.

Basahin ang Alma 36:1–5, at isipin kunwari na ikaw si Helaman na nakikinig sa patotoo ng kanyang ama. Ano ang nais ni Alma na maalala ni Helaman? (Tingnan sa talata 2.) Ano ang nais ni Alma na matutuhan ni Helaman mula sa kanya? (Tingnan sa talata 3.)

Isulat ang sumusunod na alituntunin sa iyong banal na kasulatan sa tabi ng Alma 36:3: Kapag nagtiwala tayo sa Diyos, tutulungan Niya tayo sa lahat ng ating pagsubok at paghihirap. Isipin ang isang pagkakataon na nagkaroon ka ng pagsubok sa iyong buhay. Sa nakalaang espasyo, isulat ang mga paraan na tinulungan at sinuportahan ka ng Diyos sa panahong iyon.

Alma 36:6–22

Inilarawan ni Alma ang kanyang paghihimagsik at ipinaliwanag kung paano siya nakatanggap ng kapatawaran

Ang Pagbabalik-loob ni Alma

Inilarawan ni Alma kay Helaman kung paano siya iniligtas ng Diyos mula sa pasakit ng kanyang mga kasalanan. Basahin ang Alma 36:6–10, at rebyuhin ang nangyari kay Alma noong kabataan niya habang naglalakbay siya kasama ang mga anak ni Mosias na naghahangad na wasakin ang Simbahan.

Sa Aklat ni Mormon may tatlong tala ng pagbisita ng anghel kay Alma at sa mga anak ni Mosias. Ang Alma 36 ay naglalaman ng pinakadetalyadong salaysay ng naranasan ni Alma sa loob ng tatlong araw at gabi noong hindi siya makagalaw o makapagsalita. (Para mabasa ang iba pang mga tala, tingnan ang Mosias 27 at Alma 38.) Basahin ang Alma 36:11–16, at markahan ang mga salita o mga parirala na ginamit ni Alma para ilarawan ang naranasan niyang takot o pasakit pagkatapos magpakita ng anghel.

Tinulungan tayo ni Pangulong Boyd K. Packer ng Korum ng Labindalawang Apostol na maunawaan ang ibig sabihin ng giniyagis at sinaktan:

Pangulong Boyd K. Packer

“Ang salitang giniyagis ay nangangahulugang ‘[pinahirapan].’ Noong unang panahon ang isang bastidor ay isang mesa kung saan pinahihiga ang biktima na ang bawat bukung-bukong at pulsuhan ay nakatali sa isang kidkirang naiikot upang humatak at magdulot ng di-makakayanang sakit.

“Ang suyod ay isang kuwadrong may mga pakong nakatusok. Kapag hinihila sa lupa, gumuguhit ito sa lupa [at kinakayod ito]. Madalas binabanggit sa mga banal na kasulatan ang tungkol sa mga kaluluwa at isipan na ‘sinasaktan’ ng kasalanan” (“Ang Dantay ng Kamay ng Guro,” Ensign, Mayo 2001, 23).

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, isulat ang iyong palagay kung bakit gumamit si Alma ng gayong matitinding salita para ilarawan ang nadama niya. Isulat din kung paano naglalarawan ang mga salitang ito sa bigat ng konsensya at pasakit ng isang taong nagkasala at hindi nagsisi.

Maaari mong isulat ang sumusunod na katotohanan sa iyong banal na kasulatan sa tabi ng Alma 36:11–16: Ang kasalanan ay humahantong sa pasakit at kapighatian.

Basahin ang Alma 36:17–18, at alamin ang naalala ni Alma na ipinropesiya ng kanyang ama. Pansinin ang ginawa ni Alma nang maalala niya ang itinuro sa kanya ng kanyang ama.

Ibinigay ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod na paliwanag tungkol sa karanasan ni Alma: “Naantig si Alma sa itinuro ng kanyang ama, ngunit ang lalong mahalaga ay naalala niya ang propesiya hinggil sa ‘sa pagparito ng isang Jesucristo, isang Anak ng Diyos, na magbabayad-sala para sa mga kasalanan ng sanlibutan. (Alma 36:17.) Iyan ang pangalan at iyan ang mensahe na dapat marinig ng lahat ng tao. Narinig ito ni Alma, at nagsumamo siya mula sa pagdurusa ng impiyerno na patuloy na nagpapahirap at ng panunurot ng budhi na hindi maalis. ‘O Jesus, ikaw na Anak ng Diyos, kaawaan ako.’ (Alma 36:18.) … Anuman ang iba pa nating idinadalangin, anuman ang iba pa nating mga pangangailangan, lahat ay nakabatay sa pagsamong iyon: ‘O Jesus, ikaw na Anak ng Diyos, kaawaan ako.’ Handa Siyang magbigay ng awa. Ibinayad Niya ang kanyang sariling buhay upang maibigay ito” (However Long and Hard the Road [1985], 85).

  1. journal iconAlalahanin ang isang pagkakataon na nanalangin ka na matanggap ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, pati na ang kapatawaran ng mga kasalanan. Sa iyong scripture study journal, isulat kung bakit sa iyong palagay ay mahalagang hingin sa Panginoon ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala sa iyong buhay.

  2. journal iconBasahin ang Alma 36:19–22, at markahan ang mga salita at mga pariralang naglalarawan kung paano nagbago si Alma matapos siyang manalangin na kaawaan siya. Isulat ang ilan sa mga salita at pariralang ito sa iyong scripture study journal, at ipaliwanag kung ano ang itinuturo nito sa iyo tungkol sa kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.

Jesus ang Cristo

Mula sa mga banal na kasulatang ito natutuhan natin ang alituntuning ito: Kung mananampalataya tayo sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ililigtas Niya tayo mula sa pasakit ng ating mga kasalanan at pupuspusin tayo ng kagalakan. Pag-isipang mabuti kung ano ang magagawa mo para mas lalo ka pang manampalataya kay Jesucristo upang, katulad ni Alma, ikaw ay maligtas mula sa pasakit o pighati ng iyong mga kasalanan.

Basahin ang sumusunod na sitwasyon, at pag-isipan ang iyong isasagot: Isang kaibigan na nagbabasa ng Aklat ni Mormon ang nagpatulong sa iyo para maunawaan niya ang mga salita ni Alma sa Alma 36:19. Itinanong ng kaibigan mo, “Kung naaalaala ko pa ang aking kasalanan at nagsisisi pa rin na nagawa ko ang mga ito, ibig bang sabihin ay hindi pa ako napapatawad?”

Basahin ang sumusunod na paliwanag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf ng Unang Panguluhan, at salungguhitan ang anumang parirala na sa palagay mo ay makatutulong sa iyong kaibigan:

“Sisikapin ni Satanas na papaniwalain tayo na hindi napatawad ang ating mga kasalanan dahil naaalaala natin ang mga ito. Sinungaling si Satanas; pinalalabo niya ang ating paningin at inaakay tayo palayo sa landas ng pagsisisi at kapatawaran. Hindi nangako ang Diyos na hindi na natin maaalaala ang ating mga kasalanan. Ang pag-alaala ay makatutulong sa atin upang hindi na natin maulit pa ang gayon ding pagkakamali. Ngunit kung mananatili tayong totoo at tapat, ang alaala ng ating mga kasalanan ay unti-unting malilimutan sa paglipas ng panahon. Bahagi ito ng kinakailangang proseso ng pagpapagaling at pagpapadalisay. Nagpatotoo si Alma na matapos siyang magsumano kay Jesus para humingi ng awa, natatandaan pa rin niya ang kanyang mga kasalanan, ngunit ang alaala ng kanyang mga kasalanan ay hindi na nakabagabag at nagpahirap sa kanya, dahil alam niyang napatawad na siya (tingnan sa Alma 36:17–19).

“[Responsibilidad] natin na iwasan ang anumang bagay na magpapagunita sa atin ng mga nagawa nating kasalanan noon. Kapag patuloy tayong nagkaroon ng ‘pusong bagbag at nagsisising espiritu’ (3 Nephi 12:19), maaari tayong magtiwala na hindi ‘maaalaala [ng Diyos] ang [ating mga kasalanan]’ [D at T 58:42]” (“Hangganan ng Ligtas na Pagbalik,” Ensign or Liahona, Mayo 2007, 101).

Mahalaga ring pansinin na hindi sinabi ni Alma na hindi na niya naaalaala ang kanyang mga kasalanan kundi hindi na niya naaalaala pa ang pasakit ng kanyang mga kasalanan, at siya ay hindi na “sinaktan” ng alaala nito (Alma 36: 19). Ang tunay na pagsisisi ay nag-aalis ng pasakit at kasalanan (tingnan sa Enos 1:6–8).

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, isulat ang isasagot mo sa iyong kaibigan na binanggit sa itaas, at gamitin ang kaalamang nalaman mo mula sa paliwanag ni Pangulong Uchtdorf. Isama sa iyong sagot kung bakit sa palagay mo ay isang pagpapala na naaalaala natin ang ating mga kasalanan, bagama’t hindi na tayo “sinaktan pa ng alaala ng [ating] mga kasalanan” (Alma 36:19) matapos nating magsisi.

Alma 36:23–30

Ipinaliwanag ni Alma kung bakit siya gumawa nang walang tigil para makapagdala ng mga tao tungo sa pagsisisi

Ano ang nadarama mo kapag nagbibigay ka ng masarap na pagkain sa iyong kaibigan? Nang makatanggap ka ng magandang balita, ano ang unang bagay na gusto mong gawin? Sa iyong palagay, bakit halos lahat ng tao ay nagnanais agad na sabihin sa iba ang nabalitaan nila? Basahin ang Alma 36:23–24, at alamin kung paano nauugnay ang mga damdaming inilarawan sa mga tanong na ito sa naranasan ni Alma matapos siyang magbalik-loob. Ano ang nais ni Alma na maranasan ng ibang tao?

Basahin ang Alma 36:25–26, at alamin kung paano nakaapekto kay Alma at sa iba pa ang pagsisikap niya na ituro ang ebanghelyo. Kumpletuhin ang sumusunod na alituntunin, batay sa natutuhan mo tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo mula sa mga talatang ito: Kapag nagbabahagi tayo ng ebanghelyo sa iba, tumatanggap tayo ng .

  1. journal iconIsulat ang iyong kumpletong alituntunin sa iyong scripture study journal, at ipaliwanag kung bakit ka naniniwalang totoo ang alituntuning ito. Bilang bahagi ng iyong paliwanag, maaari mong isama ang mga naranasan mong kagalakan mula sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa iba.

Mag-isip ng isang taong kilala mo—isang kaibigan, kapamilya, o miyembro ng ward o branch—na maaaring makinabang sa iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Isiping mabuti kung paano mo maibabahagi sa taong ito ang iyong patotoo tungkol sa ginawa ni Jesucristo para mailigtas tayo mula sa pasakit at mapuspos tayo ng kagalakan. Maaari kang sumulat ng isang liham o mag-e-mail sa taong ito, o magsulat ng ilang bagay para makapaghanda kapag dumating ang panahon na kakausapin mo ang taong ito.

dalagitang nagsusulat
  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang Alma 36 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: