Pambungad sa Jarom
Bakit Kailangang Pag-aralan ang Aklat na Ito?
Sa iyong pag-aaral ng aklat ni Jarom, makikita mo na tinutupad ng Diyos ang Kanyang pangako na pagpalain ang mga sumusunod sa Kanyang mga kautusan. Malalaman mo rin ang tungkol sa pagsisikap ng mga hari, propeta, guro, at saserdote noong panahon ni Jarom na tulungan ang mga tao na magsisi at makaligtas sa pagkalipol.
Sino ang Sumulat ng Aklat na Ito?
Si Jarom na anak ni Enos ang sumulat ng aklat na ito. Tulad ng kanyang ama—at tulad ng kanyang lolong si Jacob at ng kanyang lolo-sa-tuhod na si Lehi—si Jarom ay nagkaroon ng diwa ng propesiya at paghahayag (tingnan sa Jarom 1:2). Nang matapos niya ang kanyang talaan, ipinasa niya ang maliliit na lamina ni Nephi sa kanyang anak na si Omni.
Kailan at Saan Ito Isinulat?
Ang saklaw na panahon ng aklat ni Jarom ay humigit-kumulang 59 na taon, mula mga 420 B.C. hanggang 361 B.C. (tingnan sa Enos 1:25; Jarom 1:13). Isinulat ito sa lupain ng Nephi.