Seminary
Unit 23: Day 2, Helaman 11–12


Unit 23: Day 2

Helaman 11–12

Pambungad

Nakapaloob sa Helaman 11–12 ang 14 na taon ng kasaysayan ng mga Nephita at nagpapakita ng cycle o paulit-ulit na kabutihan at kasamaan ng mga tao. Dahil sa kanilang kapalaluan, ang mga tao ay hindi nagsisi sa kanilang kasamaan. Isinara ni Nephi ang kalangitan, kaya nagkaroon ng tagtuyot at taggutom. Dahil sa tagtuyot at taggutom, nagpakumbaba ang mga tao, at sila ay nagsisi at bumaling sa Panginoon. Dahil hindi sila nagpakumbaba, kaagad nilang nalimutan ang Panginoon nilang Diyos hanggang sa maipaunawa sa kanila kung gaano nila kailangan ang Kanyang tulong. Sa Kanyang awa, pinarusahan ng Diyos ang Kanyang mga tao upang sila ay magsisi at maligtas.

Helaman 11

Ang mga Nephita ay dumanas ng paulit-ulit na kabutihan at kasamaan

  1. journal iconIguhit ang sumusunod na cycle ng kabutihan at kasamaan sa iyong scripture study journal. Ang cycle na ito ay madalas tukuying “cycle ng kapalaluan” o “pride cycle.” Pansinin na walang nakasulat sa numero 4 ng cycle sa diagram. Ano sa palagay mo ang kailangang gawin para maibangon sa kabutihan at kasaganaan ang tao mula sa pagkawasak at pagdurusa? Sa iyong pag-aaral ng Helaman 11, hanapin ang impormasyon na makatutulong sa iyo na mapunan ang patlang na ito sa cycle.

    Rightous Cycle

Sa iyong nabasa sa Helaman 10, hindi nakinig ang mga tao sa salita ng Diyos na ipinangaral ng propetang si Nephi. Basahin muli ang Helaman 10:18, at tukuyin kung nasaan ang mga Nephita sa cycle ng kapalaluan sa panahong iyan (sa katapusan ng ika-71 taon ng pamamahala ng mga hukom).

Ang sumusunod na scripture activity ay tutulong sa iyo na makita ang cycle ng kabutihan at kasamaan sa mga tao sa Aklat ni Mormon sa 14 na taon ng kanilang kasaysayan. Sa sumusunod na chart, basahin ang mga scripture reference mula sa Helaman 11, sumulat ng maikling deskripsyon tungkol sa kalagayan ng mga Nephita, at lagyan ng numero kung saan mo isusulat ang mga ito sa cycle ng kapalaluan. Ang dalawang halimbawa ay ginawa na para sa iyo. Hanapin ang mga salita na tutulong sa iyo na punan ang pang-apat na bahagi sa cycle na iginuhit mo sa iyong scripture study journal.

Taon ng Pamamahala ng mga Hukom

Helaman 11

Maikling Deskripsyon tungkol sa Kalagayan ng mga Nephita

Kinalalagyan sa Cycle

72–73

talata 1–2

Tumindi ang alitan at mga digmaan; ang lihim na pangkat ng mga tulisan ay patuloy sa pangwawasak.

2, 3

73–75

talata 3–6

75

talata 7, 9–12

76–77

talata 17–18, 20–21

Ang mga tao ay nagsaya at pinapurihan ang Diyos; sila ay mabubuti at umunlad muli.

4, 1

78–79

talata 22–23

80

talata 24–26

80–81

talata 27–30, 32–35

82–85

talata 36–37

Tulad ng makikita sa scripture activity, ang bahagi 4 sa cycle ng kapalaluan ay “pagpapakumbaba at pagsisisi.” Isulat ito sa chart sa iyong scripture study journal.

  1. journal iconAng cycle ng kapalaluan ay hindi lamang sumasagisag sa isang lipunan. Makikita rin ito sa isang pamilya o sa buhay ng isang tao. Ang maunawaan ang epekto nito ay makatutulong sa atin na maiwasan ito. Isulat sa iyong scripture study journal kung ano sa iyong palagay ang kailangan mong gawin para maiwasan ang “kapalaluan at kasamaan” o ang “pagkawasak at pagdurusa” sa cycle.

Maaari mong isulat ang sumusunod na alituntunin sa iyong banal na kasulatan sa tabi ng Helaman 11: Sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at pagsisisi, maiiwasan natin ang kapalaluan at pagkawasak. Maaari mong markahan sa Helaman 11:4 ang inasam ni Nephi na maidudulot ng taggutom sa kanyang mga tao.

Pag-isipan ang mga isasagot mo sa mga sumusunod na tanong:

  • Kailangan bang sundin ng isang lipunan, pamilya, o ng indibiduwal ang cycle ng kapalaluan?

  • Sa iyong palagay, ano ang kailangang gawin ng isang lipunan, pamilya, o ng indibiduwal para hindi mapunta sa cycle ng kapalaluan?

Ganito ang sinabi ni Elder Richard G Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa panalangin ni Nephi: “Narinig ng Panginoon ang pagsamo ng Kanyang tagapaglingkod [sa Helaman 11:10–14] at pinahinto ang taggutom, ngunit sa sumunod pang taon. Ipinakita sa pangyayaring ito na naririnig kaagad ng ating Panginoon ang ating mga pagsamo ngunit ang Kanyang sagot, na ayon sa Kanyang karunungan, ay sa ating higit na ikabubuti” (“Nephi, Son of Helaman,” sa Heroes from the Book of Mormon [1995,] 154.)

Itinuro ni Pangulong Ezra Taft Benson ang maaari nating gawin para makaiwas sa cycle ng kapalaluan:

Pangulong Ezra Taft Benson

“Ang mga tao ng Diyos ay mapagpakumbaba. Maaari nating piliing magpakumbaba o pilitin tayong magpakumbaba. Sinabi ni Alma, ‘Pinagpala sila na nagpapakumbaba ng kanilang sarili na hindi kailangang piliting magpakumbaba.’ (Alma 32:16.)

“Piliin nating magpakumbaba.

“Mapipili nating magpakumbaba sa pamamagitan ng pagsupil ng ating pagkapoot sa ating mga kapatid, pagpapahalaga sa kanila na tulad sa ating sarili, at pag-aangat sa kanila nang pantay o mas mataas pa sa atin. …

“Mapipili nating magpakumbaba sa pamamagitan ng pagtanggap sa payo at pagtutuwid sa atin. …

“Mapipili nating magpakumbaba sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga nagkasala sa atin. …

“Mapipili nating magpakumbaba sa pamamagitan ng taos-pusong paglilingkod. …

“Mapipili nating magpakumbaba sa pamamagitan ng pagmimisyon at pangangaral ng salita na magpapakumbaba sa iba. …

“Mapipili nating magpakumbaba sa pamamagitan ng pagpunta sa templo nang mas madalas.

“Mapipili nating magpakumbaba sa pamamagitan ng pagtatapat ng ating mga kasalanan at pagtalikod sa mga ito at pagiging isinilang sa Diyos. …

“Maaari nating piliing magpakumbaba sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos, pagpapasakop sa Kanyang kalooban, at pag-una sa Kanya sa ating buhay. …

“Piliin nating magpakumbaba. Magagawa natin ito. Alam kong magagawa natin ito” (“Beware of Pride,” Ensign, Mayo 1989, 6–7).

Helaman 12

Ipinaliwanag ni Mormon kung bakit pinarurusahan ng Panginoon ang mga tao

Isipin kunwari na ikaw ang propetang si Mormon at natapos mo nang isulat ang tungkol sa 14 na taon ng kasaysayan ng mga Nephita na matatagpuan sa Helaman 11. Paano mo kukumpletuhin ang sumusunod na pahayag: “At sa gayon natin mamamasdan .”

Basahin ang Helaman 12:1, at tukuyin ang nais ni Mormon na makita natin. Pag-isipan kung ano ang ibig sabihin ni Mormon sa “ang kahinaan ng mga puso ng mga anak ng tao.”

Basahing muli ang Helaman 12:2–3, at tukuyin ang iba pang mga aral na nais ni Mormon na matutuhan natin. Pagtuunan ng pansin ang mga pariralang “makikita natin” (talata 2) at “sa gayon nakikita natin” (talata 3).

  1. journal iconSagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Sa iyong palagay, bakit napakadali para sa mga taong umuunlad o sumasagana na makalimutan ang Panginoon?

    2. Anong mga halimbawa ng kaginhawahan at kasaganaan sa panahon natin ang maaaring maging dahilan para malimutan ng isang tao ang Diyos?

    3. Anong mga sitwasyon ang alam mo kung saan nakakalimutan ng isang tao o grupo ang Panginoon sa panahon ng kanilang kasaganaan?

Ang ilan sa mga aral na gusto ni Mormon na matutuhan ng kanyang mga mambabasa ay: Kung hindi tayo mag-iingat, ang ating kasaganaan ay hahantong sa paglimot natin sa Panginoon, at pinarurusahan ng Panginoon ang Kanyang mga tao upang pukawin sila sa pag-alaala sa Kanya.

Elder D. Todd Christofferson

Itinuro Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol kung bakit tayo pinarurusahan ng Panginoon:

“Kahit madalas mahirap tiisin, dapat tayong magalak na pinagtutuunan tayo ng panahon ng Diyos at itinutuwid tayo.

“Ang banal na pagpaparusa ay may tatlong layunin: (1) hikayatin tayong magsisi, (2) dalisayin at pabanalin tayo, at (3) kung minsan, upang itama ang direksyon ng buhay natin sa alam ng Diyos na mas mabuting landas” (“Ang Lahat Kong Iniibig, ay Aking Sinasaway at Pinarurusahan,” Ensign o Liahona, Mayo 2011, 98).

Alin kaya sa mga layuning iyon ang nagpapakita ng layunin ng Panginoon sa pagpaparusa sa mga Nephita at mga Lamanita sa Helaman 11–12? Alin sa mga layuning iyon ang ginamit Niya nang parusahan ka Niya?

  1. journal iconSagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal:

    1. Basahin ang Helaman 12:4–6, at alamin pa ang mga deskripsyon ng mga taong nakalilimot sa Diyos. Ano ang ilang ugali na nakahahadlang sa mga tao na maalaala ang Diyos?

    2. Basahin ang Helaman 12:7–13. Bakit sinabi ni Mormon na ang “mga anak ng tao … ay hindi nakahihigit kaysa sa alabok ng lupa”? Ano kung minsan ang ginagawa ng alabok na ayaw gawin ng mga tao?

Nilikha ni Jehova ang Mundo
Pangulong Joseph Fielding Smith

Itinuro ni Pangulong Joseph Fielding Smith: “Hindi sinasabi ng propetang ito [na si Mormon] na mas pinagmamalasakitan at minamahal ng Panginoon ang alabok ng lupa nang higit sa kanyang mga anak. … Ang sinasabi niya ay masunurin ang mga alabok ng lupa. Gumagalaw ito dito at doon sa utos ng Panginoon. Lahat ng bagay ay naaayon sa kanyang mga batas. Lahat ng bagay sa sansinukob ay sumusunod sa batas na ibinigay sa mga ito, sa pagkaalam ko, maliban sa tao. Saan ka man tumingin naroon ang batas at kaayusan, ang mga elemento ay sumusunod sa batas na ibinigay sa mga ito, tapat sa layunin ng pagkalikha nito. Ngunit ang tao ay mapanghimagsik, at sa kadahilanang ito ang tao ay mas mababa pa kaysa alabok ng lupa dahil hindi niya tinatanggap ang mga payo ng Panginoon” (sa Conference Report, Abr. 1929, 55).

Naunawaan ni Mormon na ang mga taong nagnanais na mapatnubayan ng Diyos ay mas nakahihigit sa alabok ng lupa. Ginawa niya ang pagkukumparang ito upang matawag ang pansin ng mga palalo at hindi nakikinig sa tinig ng Panginoon at may di-matatag na puso. Tulad ng nakatala sa Helaman 12:9–20, ipinaalala ni Mormon sa atin ang malaking kapangyarihan ng Panginoon sa mga pisikal na elemento—lahat ng ito ay gumagalaw sa Kanyang utos. Pag-isipan sandali kung gaano mo sinusunod ang mga kautusan ng Panginoon. Paano nagpapakita ng pagpapakumbaba ang iyong kahandaang sundin ang Kanyang mga kautusan? Paano nagpapakita ng kapalaluan ang pagsuway sa Kanyang mga salita?

  1. journal iconIsulat at tapusin ang sumusunod na mga parirala sa iyong scripture study journal:

    1. At sa gayon nakita ko sa Helaman 11–12 …

    2. Samakatwid, ako ay …

Kapag inaalaala natin ang Panginoon, nakikinig sa Kanyang tinig, at nagsisisi, ipinapakita natin ang ating pagpapakumbaba at pananampalataya sa Kanya. Kapalit nito, tutuparin Niya ang Kanyang pangako na pagpapalain at pauunlarin tayo, at sa huli ay pagkakalooban tayo ng buhay na walang hanggan.

  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang Helaman 11–12 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: