Seminary
Unit 4: Day 4, 1 Nephi 18–19


Unit 4: Day 4

1 Nephi 18–19

Pambungad

Sa pagsunod sa tagubilin ng Panginoon, natapos ni Nephi at ng kanyang pamilya ang sasakyang-dagat at naghandang maglayag patungo sa lupang pangako. Sa kanilang paglalayag, maraming nasa sasakyang-dagat, sa pamumuno nina Laman at Lemuel, ang naghimagsik. Dahil dito, huminto sa paggalaw ang Liahona at isang malakas na bagyo ang nagbanta sa buhay ng lahat ng nasa sasakyang-dagat. Matapos magsisi ang mga naghimagsik at manalangin nang may pananampalataya si Nephi, muling gumalaw ang Liahona at pinatigil ng Panginoon ang bagyo at muling ginabayan ang kanilang paglalakbay. Pagdating sa lupang pangako, pinayuhan ni Nephi ang kanyang pamilya na alalahanin ang Tagapagligtas at ihalintulad ang mga banal na kasulatan sa kanilang sarili. Sa iyong pag-aaral ng 1 Nephi 18–19, ihalintulad ang karanasan ni Nephi sa pagharap niya sa mga pagsubok sa mga hirap na kinakaharap mo sa iyong sariling mga pagsubok. Sikaping tularan ang halimbawa ni Nephi.

1 Nephi 18:1–8

Naghanda ang pamilya ni Lehi sa paglalayag patungo sa lupang pangako

Bakit kapwa mahalaga na magsumigasig sa paggawa at humingi ng patnubay mula sa Panginoon? Paano ipinakita ni Nephi ang dalawang katangiang ito sa paggawa ng sasakyang-dagat? Basahin ang 1 Nephi 18:1–8.

  1. journal iconSa iyong scripture study journal, isulat ang lahat ng salita at parirala sa 1 Nephi 18:1–8 na naglalarawan ng pagsusumigasig ni Nephi at ng kanyang pamilya. Pagkatapos ay tukuyin ang lahat ng salita at parirala na nagpapakita kung paano sila pinatnubayan at tinulungan ng Panginoon. Ano ang nakikita mong kaugnayan ng pagsusumigasig ni Nephi at ng tulong na natatanggap niya mula sa Panginoon?

Ipinapakita sa atin ng karanasan ni Nephi na upang magawa ang iniuutos ng Panginoon, kailangan nating hingin ang Kanyang tulong at pagsikapan natin na magawa ito.

  1. journal iconIsipin ang isang sitwasyon na napasukan mo ngayon kung saan kailangan mo ang tulong ng Diyos. Isulat sa iyong scripture study journal ang maaari mong gawin para hingin ang tulong ng Panginoon at ano ang kailangan mong pagsikapang gawin.

1 Nephi 18:8–25

Namuno sina Laman at Lemuel sa paghihimagsik habang nasa sasakyang-dagat na nakahadlang sa paglalayag papunta sa lupang pangako

Kapag nakakaranas tayo ng mga pagsubok o paghihirap sa buhay, karaniwang iniisip natin kung bakit dinaranas natin ang mga paghihirap na iyon. Marahil nagtanong ka o ang isang kakilala mo ng “Bakit?” noong panahong nahihirapan ka.

Tinukoy ni Elder L. Whitney Clayton ng Panguluhan ng Pitumpu ang tatlong pinagmumulan ng mga paghihirap na nararanasan natin. Habang nagbabasa ka, salungguhitan ang mga pinagmumulan na inilarawan niya.

Elder L. Whitney Clayton

“Karaniwan, ang ating mga pasanin ay may tatlong pinagmumulan. Ang ilang pasanin ay likas na bunga ng mga kalagayan sa mundong ating ginagalawan. Ang sakit, kapansanan, matitinding bagyo, at mga lindol ay dumarating maya’t maya [na hindi naman] natin [kagagawan]. …

“Ang ibang mga pasanin ay dulot sa atin ng masamang gawain ng iba. Ang pang-aabuso at adiksyon ay hindi magagawang langit sa lupa ang ating tahanan para sa walang malay na mga kapamilya. Ang kasalanan, mga maling tradisyon, panunupil, at krimen ay maraming binibiktima sa buhay na ito. Kahit ang di-kabigatang mga kamalian tulad ng tsismis at kasungitan ay makapagdudulot sa iba ng tunay na pagdurusa.

“Sarili nating mga kamalian at pagkukulang ang sanhi ng marami sa ating mga problema at nagpapabigat sa ating mga pasanin. Ang pinakamabigat [pinakamahirap] na pasaning dulot natin sa ating sarili ay ang bigat ng kasalanan. Alam na natin ang pagsisisi at pasakit na tiyak na kasunod ng pagsuway natin sa mga kautusan” (“Nang ang Inyong mga Pasanin ay Gumaan,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 12–13).

Iginapos si Nephi sa haligi ng sasakyang-dagat

Nang maglayag na si Nephi at ang kanyang pamilya patungo sa lupang pangako, dumanas sila ng maraming paghihirap. Sa iyong pag-aaral ng 1 Nephi 18, hanapin ang isa sa mga uri ng paghihirap na tinalakay ni Elder Clayton. Basahin ang 1 Nephi 18:9–11, at tukuyin ang mga halimbawa ng mga maling pagpili na ginawa ng ilan sa mga taong sakay ng sasakyang-dagat.

Bagama’t hindi masamang sumayaw, makinig ng musika, o magkasiyahan, nakasaad sa 1 Nephi 18:9 na ginawa nila ang mga bagay na ito nang may “labis na kagaspangan.” Ang ibig sabihin ng salitang kagaspangan ay nakasasakit, bastos, o magaslaw. Maaaring gamitin ni Satanas ang sayaw, musika, o ang paraan ng ating pagsasalita para pasamain ang ating puso at isipan, na magiging dahilan para hindi mapasaatin ang Espiritu Santo.

Ayon sa 1 Nephi 18:10, ano ang ikinatatakot na mangyari ni Nephi kung ang mga naghimagsik ay hindi magsisisi? .

Ano ang ginawa ni Nephi tungkol dito? Ano ang gagawin mo kung sinabihan ka ng iyong magulang o lider ng Simbahan na baguhin mo ang musikang pinakikinggan mo, ang iyong paraan ng pagsasayaw, o tigilan mo ang paggamit ng masasamang salita? Handa ka bang makinig at magbago?

Basahin ang 1 Nephi 18:12–14, 17–19, at alamin ang mga resulta ng kanilang paghihimagsik. Paano nagdusa si Nephi at ang iba pang mga miyembro ng pamilya dahil sa kagagawan ng iba? Pansinin kung paano nakaapekto ang paghihimagsik ng ilang tao sa kakayahan ng buong grupo na tumanggap ng patnubay mula sa Diyos.

Ang mga ginawa ng mga naghimagsik ay nagpapakita sa atin na ang kasalanan ay humahantong sa pagdurusa ng ating sarili at kung minsan ay ng ibang tao rin.

  1. journal iconAng ilang karaniwang tukso na kinakaharap ng mga tinedyer sa panahong ito ay ang kawalan ng paggalang sa mga magulang at mga lider, pandaraya sa paaralan, pagtitsismis, mahalay na pananamit, paglabag sa batas ng kalinisang-puri, paglabag sa Word of Wisdom (sigarilyo, alak, at droga), at panonood ng pornograpiya. Pumili ng dalawa o higit pa sa mga tuksong iyon, at isulat sa iyong scripture study journal kung paano makakaapekto ang bawat isa sa pamilya at mga kaibigan ng isang tao na nagpadaig sa tukso.

Ang natitirang bahagi ng 1 Nephi 18 ay nagtuturo sa atin ng paraan kung paano haharapin ang mga paghihirap, dumating man ang mga ito dahil sa maling pagpili natin o kahit hindi naman natin ito kagagawan. Basahin ang 1 Nephi 18:15–16, 20–23, at markahan ang mga parirala na nagtuturo ng dapat gawin sa alinman sa mga sitwasyong ito.

May ilang doktrina at alituntunin na nakasaad sa mga talatang ito. Pagkatapos ng bawat isa sa mga sumusunod na pahayag, isulat ang numero ng talata o mga talata mula sa 1 Nephi 18:15–16, 20–23 na sa palagay mo ay nagpapakita ng halimbawa ng katotohanang iyon:

  • Maaari tayong umasa sa Diyos at patuloy na manampalataya sa mga panahong sinusubukan tayo.

  • Makatutulong ang panalangin sa atin upang mapanatag tayo sa panahong sinusubukan tayo.

  1. journal iconPumili ng isa sa mga talatang ginamit mo sa naunang aktibidad na napakahalaga sa iyo, at ipaliwanag sa iyong scripture study journal kung bakit gusto mo ito. Isama ang natutuhan mo mula sa talata at kung ano ang itinuro nito sa iyo tungkol sa pagharap sa mga paghihirap. Kung may nakita kang halimbawa ng tungkol sa itinuturo sa talatang ito sa iyong buhay o sa buhay ng iba, isulat din ang tungkol dito.

Nakarating si Lehi at ang Kanyang mga Tao sa Lupang Pangako

Sa kabila ng mga paghihirap na naranasan nila, sa wakas ay nakarating din si Nephi at ang kanyang pamilya sa lupang pangako. Kapag humingi ka ng patnubay sa Panginoon at nagsumigasig na sundin ito, magagawa mo rin ang ipinagagawa sa iyo ng Panginoon sa mundong ito.

Narito ang patotoo ni Elder L. Whitney Clayton:

“Anuman ang mga pasanin natin sa buhay bunga ng mga likas nating katayuan, ng masamang gawain ng iba, o ng sarili nating mga pagkakamali at pagkukulang, tayong lahat ay mga anak ng mapagmahal na Ama sa Langit, na nagsugo sa atin sa lupa bilang bahagi ng Kanyang walang hanggang plano para sa ating paglago at pag-unlad. Ang kakaiba nating mga karanasan ay makakatulong sa paghahanda nating bumalik sa Kanya. Ang hirap at pasakit natin ngayon, gaano man ito kahirap tiisin, ay nagtatagal, ayon sa pananaw ng langit, nang ‘maikling sandali na lamang; at kung ito ay [ating] pagtitiisang mabuti, ang Diyos ay dadakilain [tayo] sa itaas’ [D at T 121:7–8]. Kailangan nating gawin ang lahat ng kaya natin upang mapagtiisang ‘mabuti’ ang ating mga pasanin gaano man katagal ang ating ‘maikling sandali.’ …

“… Alam ko na kapag sinunod natin ang mga utos ng Diyos at ating mga tipan, tinutulungan Niya tayo sa ating mga pasanin. Pinalalakas Niya tayo. Kapag nagsisi tayo, pinatatawad Niya tayo at binibigyan ng katahimikan ng budhi at kagalakan” (“Nang ang Inyong mga Pasanin ay Gumaan,” 13–14).

1 Nephi 19

Itinala ni Nephi ang mga propesiya tungkol kay Jesucristo upang hikayatin tayong alalahanin Siya

Pagkatapos makarating sa lupang pangako, nagpropesiya si Nephi tungkol sa pagdating ng Tagapagligtas at kung paano Siya tatanggapin ng Kanyang mga tao. Basahin ang 1 Nephi 19:8–10, at tukuyin ang mga parirala na nagtuturo tungkol sa katauhan at katangian ni Jesucristo.

  1. journal iconIsulat sa iyong scripture study journal ang natutuhan mo sa 1 Nephi 19:8–10 na nagpalalim ng iyong pagmamahal sa Tagapagligtas.

Tapusin ang lesson sa araw na ito sa pagbabasa ng 1 Nephi 19:18–19, 23 at pagsasalungguhit sa kung ano ang hinihikayat ni Nephi na gawin ng kanyang mga tao at ng lahat ng magbabasa ng Aklat ni Mormon. Maghanap ng pagkakataon sa araw na ito na ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas sa isang kaibigan o kapamilya, o magpatotoo ka sa isang miting sa Simbahan. Sa paggawa nito, maaari mo silang matulungang maalala ang kanilang Manunubos at maniwala sa Kanya.

  1. journal iconIsulat sa iyong scripture study journal ang mga paraan na matutularan mo ang halimbawa ni Nephi sa iyong sariling buhay.

  2. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang 1 Nephi 18–19 at natapos ang lesson na ito noong (petsa).

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser: