Seminary
Unit 9: Day 2, 2 Nephi 33


UNIT 9: Day 2

2 Nephi 33

Pambungad

Tinapos ni Nephi ang kanyang talaan sa pagpapahayag na ang kanyang isinulat ay nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo at hinikayat ang mga tao na gumawa ng mabuti at magtiis hanggang wakas. Sinabi niya na bagama’t isinulat sa “kahinaan,” ang kanyang mensahe ay may “malaking kahalagahan” at ang kanyang mga salita ay “palalakasin” sa mga taong magbabasa ng mga ito (tingnan sa 2 Nephi 33:3–4). Sinabi niya na ang kanyang mga isinulat ay “mga salita ni Cristo” at pananagutan ng mga tao sa Diyos ang kanilang pagtugon sa mga ito (tingnan sa 2 Nephi 33:10–15).

Si Nephi at ang mga laminang ginto
  1. journal iconSa nakaraang lesson, inanyayahan kang “laging manalangin” sa loob ng 24 na oras. Sa iyong scripture study journal, isulat ang iyong mga naisip at nadama tungkol sa karanasan mo.

2 Nephi 33:1–15

Ipinaliwanag ni Nephi ang mga layunin ng kanyang pagsulat

Isipin sandali ang mga dahilan kung bakit gusto mong magdala ng mensahe sa puso mo ang Espiritu Santo.

Ano ang pagkakaiba ng mensaheng papunta sa puso ng isang tao at ng mensaheng pumasok na sa loob ng puso ng isang tao?

hugis ng puso

Basahin ang 2 Nephi 33:1, at alamin kung saan ginamit ni Nephi ang salitang sa para ilarawan kung saan dinadala ng Espiritu Santo ang mga mensahe sa atin. Maaari mong markahan ang nalaman mo.

Sa iyong palagay, bakit mahalaga na dinadala ng Espiritu Santo ang katotohanan papunta sa ating puso ngunit hindi sa loob ng ating puso?

Ipinahayag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod tungkol sa 2 Nephi 33:1: “Pansinin kung paanong ang kapangyarihan ng Espirtu ang nagdadala ng mensahe papunta sa at hindi kinakailangang sa loob ng puso. Ang isang guro ay maaaring magpaliwanag, magpatunay, makahikayat, at magpatotoo, at magagawa ito na may labis na espirituwal na lakas at bisa. Gayunman sa huli, ang nilalaman ng mensahe at ang patotoo ng Espiritu Santo ay maisasapuso lamang kung pahihintulutan ito ng nakikinig. Ang pagkatuto sa pamamagitan ng pananampalataya ang nagbubukas ng daan papasok sa puso” (“Maghangad na Matuto sa Pamamagitan ng Pananampalataya,” Liahona, Set. 2007, 17).

Elder Gerald N. Lund

Ipinaliwanag ni Elder Gerald N. Lund, na noon ay naglilingkod bilang miyembro ng Pitumpu kung bakit dadalhin ng Espiritu Santo ang salita papunta sa, ngunit hindi sa loob, ng ating puso: “Bakit [papunta] sa puso lamang? Ang kalayaang pumili ng bawat isa ay napakasagrado kaya hindi kailanman pipilitin ng Ama sa Langit ang puso ng tao, kahit mayroon Siyang walang hanggang kapangyarihan. Maaaring [tangkain] ng tao ito, ngunit hindi ng Diyos. Sa madaling salita, pinapayagan tayo ng Diyos na maging tagapag-alaga, o tagabantay, ng sarili nating puso. Dapat na kusa nating buksan ang ating puso sa Espiritu, dahil hindi Niya ipipilit ang sarili Niya sa atin” (“Pagbubukas ng Ating Puso,” Ensign o Liahona, Mayo 2008, 33).

Ano sa palagay mo ang kailangan ng tao para mabuksan ang kanilang mga puso sa Espiritu?

Basahin ang 2 Nephi 33:2, at alamin ang nangyayari kapag pinatitigas ng mga tao ang kanilang mga puso. Makatutulong na isulat na ibig sabihin ng pariralang “walang kabuluhan” ay “walang kuwenta.”

  1. journal iconIsulat sa iyong scripture study journal kung ano sa palagay mo ang pag-uugali at saloobing ipapakita ng isang may bukas na puso sa oras ng kanyang personal na pag-aaral, home-study seminary, at sacrament meeting.

Sa 2 Nephi 33:1–2 itinuro sa atin ang alituntuning ito: Kapag binuksan natin ang ating mga puso, ang mga mensahe mula sa Espiritu Santo ay makakapasok sa ating mga puso. Maaari mong isulat ang alituntuning ito sa iyong banal na kasulatan.

  1. journal iconIsulat sa iyong scripture study journal ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong:

    1. Kailan mo nadama na pumasok sa puso mo ang isang mensahe ng ebanghelyo? Ano ang mga sitwasyon noon, at ano ang mga resulta?

    2. Ano ang sinasabi nito tungkol sa puso mo sa pagkakataong iyon?

Basahin ang 2 Nephi 33:3–7, at alamin ang inaasam ni Nephi para sa mga magbabasa ng kanyang mga salita. Pagkatapos ay kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap, gamit ang iyong sariling mga salita o mga salita ni Nephi. Ang ilan sa mga parirala ay maaaring mahigit sa isa ang sagot:

2 Nephi 33:3—patuloy kong ipinagdarasal ang .

2 Nephi 33:4—Alam kong .

2 Nephi 33:6—Ako ay nagpupuri .

2 Nephi 33:7—Ako ay may .

Kapag natapos mo nang pag-aralan ang 2 Nephi 33, tandaan na ang mga talatang ito ay mga huling patotoo ni Nephi na itinala sa mga banal na kasulatan. Basahin ang 2 Nephi 33:10–14, at isipin na kunwari ay naririnig mo ang mga salitang ito mula mismo kay Nephi. Maaari mong salungguhitan ang mga salita o parirala na mahalaga sa iyo.

  1. journal iconIsulat sa iyong scripture study journal ang ilan sa mga parirala mula sa 2 Nephi 33:10–14 na makahulugan sa iyo, at ipaliwanag kung bakit. Sagutin din ang sumusunod na tanong sa iyong scripture study journal: Kung naniniwala ang mga tao kay Cristo, ano ang mararamdaman nila tungkol sa Aklat ni Mormon? (Tingnan sa 2 Nephi 33:10.)

Basahin ang 2 Nephi 33:15, at pag-isipan ang mga huling salita ni Nephi na: “Kinakailangan kong sumunod.” Maaari mong isulat ang “1 Nephi 3:7” bilang cross-reference sa iyong banal na kasulatan sa tabi ng 2 Nephi 33:15. Rebyuhin ang 1 Nephi 3:7, at alamin kung paano nagkakaugnay ang dalawang scripture verse na ito.

  1. journal iconMag-ukol ng ilang minuto sa pagrebyu ng 1 Nephi at 2 Nephi, at alamin ang mga halimbawa ng pagsunod ni Nephi. Sa iyong scripture study journal, isulat ang ilang halimbawa na nakita mo. Maghanap din ng paborito o makahulugang talata na naghikayat sa iyo na maging mabuti, mas magpakabuti, o maniwala sa Tagapagligtas, tulad ng sinabi ni Nephi (tingnan sa 2 Nephi 33:1). Isulat ang talatang ito sa iyong scripture study journal.

Ang huling patotoo ni Nephi at ang kanyang babala sa lahat ng maaaring hindi maniniwala sa kanyang mga salita ay nagdaragdag sa responsibilidad nating pahalagahan ang Aklat ni Mormon. Itinuro ni Pangulong Joseph Fielding Smith na, bilang mga miyembrng Simbahan, responsibilidad nating pag-aralan ang Aklat ni Mormon:

“Sa tingin ko ang sinumang miyembro ng Simbahang ito ay hindi masisiyahan kailanman hangga’t hindi pa niya nababasa ang Aklat ni Mormon nang paulit-ulit, at masinsinan itong pinag-isipan para mapatotohanan niya na ito talaga ay isang talaang may inspirasyon ng Maykapal, at na ang kasaysayan nito ay totoo. …

“… Walang miyembro ng Simbahang ito ang makatatayo nang karapat-dapat sa harapan ng Diyos nang hindi niya taimtim at masusing nabasa ang Aklat ni Mormon” (sa Conference Report, Okt. 1961, 18).

May pagkakataon kang pagpasiyahan kung anong pagpapahalaga ang ibibigay mo sa mga salita ni Nephi at sa Aklat ni Mormon.

  1. journal iconSuriin ang iyong ginagawang pag-aaral sa Aklat ni Mormon, at isulat sa iyong scripture study journal ang isang paraan na mapagbubuti mo ang iyong pag-aaral.

Pangulong Gordon B. Hinckley

Para tapusin ang lesson na ito, basahin ang pangako ni Pangulong Gordon B. Hinckley sa lahat ng masigasig na pag-aaralan ang Aklat ni Mormon: “Kahit ilang beses na ninyong nabasa ang Aklat ni Mormon, darating sa inyong buhay at sa inyong tahanan ang Espiritu ng Panginoon, na lalong magpapalakas sa paninindigan ninyong sundin ang Kanyang mga utos, at lalong magpapatatag sa patotoo na tunay na buhay ang Anak ng Diyos” (“Isang Patotoong Buhay na Buhay at Tapat,” Liahona, Ago. 2005, 6).

  1. journal iconIsulat ang sumusunod sa ibaba ng mga assignment sa araw na ito sa iyong scripture study journal:

    Napag-aralan ko na ang 2 Nephi 33 at natapos ang lesson na ito noong (petsa)

    Mga karagdagang tanong, kaisipan, at ideya na gusto kong ibahagi sa aking titser:

young man marking scriptures